08

1 0 0
                                    

Naadik na'ko sa cramming 🤪

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

Months had passed. Kuhaan na ng card ngayon, unlike noon na nagpapansinan kami ni Ivan ay ngayon madalang nalang. Nagpapansinan lang kami kapag kailangan. 1st quarter had passed. Start na ng second quarter pero ngayon palang kukuhanin ang card namin. Ganoon naman talaga e.








"Hi tita!" Magiliw na bati ko sa mama ni Merlyn, ang kapatid ng mama ko.








"Faithy, ako na rin daw kumuha ng card mo sabi ng lola mo. She needs to go to her monthly check-up." Alam ko naman e, ayos lanh naman sa akin kahit hindi na kuhanin card ko. I know naman na hindi mataas ito. Pero I still want the best in my cards that's why in the whole grading, I worked hard.








Tumingin ako sa paligid, nakakainggit pa rin talaga 'yung mga nanay na sila mismo ang kukuha ng grades para sa anak nila. Ako kasi, hindi ko naranasan 'yon kahit kailan. Nagulat ako nang makita ko ang tunay kong ama. Nandito s'ya ngayon sa hindi malamang dahilan. Kaklase ko ba ang anak n'ya?








Lumapit s'ya sa isa sa mga kaklase ko. Niyakap n'ya ito at hinalikan sa noo. Mukhang masaya ang kaklase kong ito. Masaya silang dalawa... sana ako rin. Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko, tinignan ko kung sino iyon at nakita kong si Merlyn 'yon.








"Yaan mo s'ya. Supalpalin mo nalang ng Ganda." Biglang sambit ni Merlyn, hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Siraulo talaga ito.








"Baliw! Parang tanga naman 'to." Inirapan ko ang pinsan ko.








"Para ka na kasing iiyak kanina e." Tinatawanan ako nito. Siraulo talaga. Oo kanina, pero dahil alam kong may makakasama ako kakayanin ko naman sigurong makita si papa ngayon.








Dumaan sila sa harap namin na para bang wala lang kami. Inismiran lang s'ya ni tita. At nagsabi pang napakawalang kwenta raw ni papa. Nang makasettle na si tita sa upuan at iaannounce na ang top. Kinakabahan ako. Top 10 lang ang babanggitin, together with their average.








Nabanggit na ang top 10-6, top 5 na ang susunod pero wala pa rin ako. Nakakatakot, baka wala ako sa top. Baka mapahiya ako sa lahat... baka may bagsak ako...








"Top 5, Ms. Leidi Ivory C. Hwang with the average of 93.6" pagsambit ng teacher namin. Lumapit sa harap ang anak ng papa ko. Kita ko sa mukha ni papa na sobrang proud s'ya sa anak n'ya. Nasasaktan ako... nasasaktan ako dahil kahita kailan hindi s'ya naging ganito sa akin.








"Top 4, Mr. Jiro Falcon G. Hernandez, with the average of 94.5." Nagpalakpakan ang lahat, tinawag na ang pangalan ni Jiro isa sa mga kaibigan namin. Pinaalala sa'kin ni Merlyn na bukod sa natapunan n'ya ako ng kape sa school ay kinilig ako sa kanya noong nagmall kami kasama si Kat.








"Top 3, Ms. Merlyn M. Macaspac, with the average of 95." Nagpalakpakan ang lahat. Wala na akong pag-asa. Top 2 and 1 nalang ang natitira. Parang nawala lahat ng mga plano ko. Ang hirap pala sa section 1.









"Top 2, Mr. Ivan Oliver F. Solis, with the average of 95.33" Nagpalakpakan ang lahat, pumunta sa unahan si Ivan. Lumakas ang bulong-bulungan sa kung bakit top 2 si Ivan gayong wala naman na si Kat.










"And last but not the least, sino kaya ang top 1? Sino sa tingin n'yo?" Pampakabang tanong ng teacher namin. "Okay, our top 1 is none other than Ms. Denise Faith M. Toledo! With the average of 97.33!" Nagpalakpakan ang lahat. Antagal namang pumunta sa harap nung top 1...










Nagulat ako nang batukan ako ni Merlyn. Tinignan ko ito ng masama. Bakit n'ya kailangan mambatok? Nananahimik ako dito nakaupo.










"Bruha, kanina ka pa tinatawag. Top 1 ka raw!" Pagsigaw nito sa akin. Agad naman akong pumunta sa harap na parang wala lang. Expected ko kasi... pero alam kong mamaya magtatatalon ako sa saya.










Isa-isa nang binigay ang card namin. Tinignan ko 'yung akin, grabe 'di n'yo marireach. Charot. Ang huling beses ko na maging ganito ang grade ko ay nung grade 6. Pangako kasi ni lola na si papa ang aattend ng graduation ko pero mali ako, pinahiya lang ako ni papa. Kaya umalis ako sa Grabriella, dahil na rin sa scandal na ginawa ni papa nung graduation.









"Congrats!" Magiliw na bati sa akin ni Ivory. Tinanguan ko lang ito. Wala lang, Famous ako e. Charot. Tinanguan ko lang ito dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam kung paano ko s'ya papakitunguhan kung nang huling pagkikita namin ni papa ay tinawag n'ya akong anak ng pokpok sa harap ng mga kakilala n'ya sa school noong grade 6 graduation ko.










"Sanaol matalino, kailan kaya ako mag-eexcel?" Biglang napabuntong hininga si Merlyn. Matalino naman 'to, tamad lang gumawa ng mga gagawin n'ya. Enjoy s'ya sa pagka-cramming e.










"'Pag wala na si Asher sa buhay mo." Nagbibirong tugon ko pero slight lang. Isa kasi sa dahilan ng pagiging tamad nito ay palagi silang nagkikita ni Asher. Tapos nakakalimutan n'ya na may gagawin pala kaming assignment or project.










"Siraulo!" Biglang sambit nito sa akin. Bakit? At least kahit wala akong bebe, nag top 1 pa rin naman ako. "Btw, sabi ni lola sabay daw nating icecelebrate 'yung pagiging honor nating dalawa. Nagpareserve na s'ya ng restaurant. So see you mamayang gabi!" Pagpapaalam nito sa akin. Naiwan akong mag-isa dahil hinihintay ko pa ang driver ko na dumating.










"Uy, congrats." Nagulat ako nang biglang magsalita. Napangiti ako nang makita ko kung sino iyon.










"Uy, congrats din sa'yo! Top 4." Nakangiting sambit ko rito. Naging close kami ni Jiro after nung matapunan n'ya ako nang kape. Lagi n'ya kasi akong nililibre, pasorry dahil first day na first day ay natapunan n'ya ako ng kape.










"Wala pa rin sundo mo?" Tumango ako rito. "Tara, hatid na kita." Kinakabahan pa rin ako dahil alam kong nagmomotor lang ito. Pero nakatanggap ako ng text mula sa driver na nasiraan daw siya sa may bayan dahil may pinabili si lola sa kanya. Kaya naman tinanggap ko ang alok ni Jiro.










Pinaghelmet n'ya ako at saka umalis na kami sa school. Nang makarating kami sa tapat ng gate ay inaalok ko s'ya na pumasok muna pero ayaw n'ya raw dahil nahihiya s'ya. Aalis na rin naman daw s'ya agad dahil baka hinahanap na s'ya ng mama n'ya. Hinintay ko s'yang makaalis bago ako pumasok sa bahay.










Bumungad sa'kin si lola ko at si lola Bright. May kausap sa phone si lola at si lola Bright naman ay parang nag-aalala. Ano kaya ang nangyari?










"Nevermind Ivan, nandito na s'ya. Siguro'y nagkasalisi lang kayo." Sambit ni lola. "Pano ka nakauwi?" Tanong ni lola sa akin.










"May naghatid po sa akin na kaklase ko po." Tanging tugon ko at nagpaalam na ako na aakyat at magbibihis. Isang sulyap mula sa picture frame ni mommy at napangiti ako.










"Ma... nasa honors na ulit ako. Sana happy ka na, hindi na ako nagbubulakbol." Napangiti ako at tuluyan nang nagbihis at naghanda para sa dinner celebration namin.


~~~~~~~~
•LIGAYA•

A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now