01

4 1 0
                                    

Lods, penge sagot sa module T ^ T

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

Nang magising ako ay ramdam ko ang sakit ng aking ulo. Parang pinipiga, or pinupukpok ng kung ano. Ano bang nangyari kagabi? Aish, wala akong maalala!





Tumingin ako sa paligid ko, nasa tamang condo naman ako. Napahawak ako sa damit ko, ganoon pa rin naman ang suot ko bago ako umalis ng bahay. Tumingin ako sa orasan at nagulat ako nang makita kong 9 am na. Agad akong tumayo at pumunta sa CR para makapaghanda.





May pasok ako ngayon, at 10 pa naman ang pasok namin pero wala pa akong review. Lagot nanaman ako sa Tax, baka bigyan na talaga akong 5 ng prof ko.





Pagkatapos kong maligo ay umalis na agad ako kahit hindi pa ako nagsusuklay, sa school nalang ako magsusuklay. Manghuhula nalang siguro ako sa quiz. Tinignan ko ang phone ko at nakita ko ang text sa akin ng bestfriend ko sa law school.





From Sam:

Bruha! Absent si Attorney! Wala tayong klase or quiz ngayon! Tara inom ; )


Agad akong napanganga sa nabasa ko. "WHAT THE FREAKING FUCK!" Sigaw ko. Nagmadali ako at lahat lahat tapos cancel???





Binuksan ko ang GC namin at nalaman ko ang dahilan kung bakit wala na kaming quiz. Magpapalit pala kami ng prof dahil may hinaharap na patong patong na kaso ang prof namin.



GC

Babagsak sa Law😳: hala, grabe 'yung kaso ni sir 'no? Rape daw!

Sasama sa pagbagsak🤩: oo nga bes! Ang gwapo lang ni sir para kasuhan ng ganon, hehe... kung ako baka kinilig pa'ko.

Chara-chararat🧚‍♀️: STFU, ikaw kasi malandi ka! You don't know how other people feel if someone will harass them!

Uno Flat👩‍⚖: I have news about the case of Atty. Buena. They said that it was an affair, mayaman 'yung girl tapos ayaw ata ng family kay sir. Kaya naman nung mabuntis si girl, the family told the public that it was rape.

KoreanoAJ🤡: oh, kaya pala fishy na hindi raw pumupunta sa mga hearing 'yung girl.

Hatdog Fav ko🌭: I saw the girl once, maharot 'yung girl e. Hinihimas lagi 'yung biceps ko, akala ata straight ako. Iw!

Talong ni Juswa🍆: sINO NANAMAN NAGPALIT NG NN KO?!😑

Hatdog Fav ko🌭: SHUT UP! ganda kaya ng NN mo Joshua my loves🥰😋





Agad kong ibinato ang cellphone ko sa mga nabasa ko. Ang gulo, nakakaloka. Sobrang chaotic talaga ng GC namin. Normal na 'yon dahil close silang lahat. Kami 'yung section na masasabi nilang tagilid. Literal. Mga nag-law dahil sapilitan.





Nag-U turn ako para pumunta sa Tala's Construction Firm, para manggulo kay Athena. Naroon din ang pinsan kong pasaway na biglang nawala at biglang nagpakita ulit sa amin.





Pagkapark ko ng sasakyan ko ay agad kong nakita si Merlyn at Asher na nag-uusap. At dahil chismosa ako, nakinig ako sa usapan nila.





"Bakit ba ayaw mong makasama ko ang anak natin?" Ramdam ko ang intense sa pagsasalita ni Asher.





"Anak ko lang! Hindi mo anak!" Ay desisyon si mayora. Makikinig pa sana muli ako nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Humarap ako dito at sinenyasan n'ya ako na tumahimik. Hinila n'ya ako palayo doon.





"Alam kong baliw ka pero, 'wag kang manghimasok sa buhay ng iba." Biglang sambit nito.





"E 'di 'wag ka ring manghimasok sa buhay ko! Ganoon lang 'yon, Ivan!" Sigaw ko rito. Nakakainis talaga. Gusto ko na ngang lumayo sa kanya pero bakit ganito? Wala na ang lola namin at gaya ng sabi n'ya ititigil na namin lahat ng meron sa amin.





Pero paano naman ako?? Paano naman ako na umasang meron kami sa huli? Paano naman ako na binigyan n'ya ng dahilan para umasa? Hindi naman n'ya pwedeng sabihin na mabait s'ya sa iba dahil alam naming dalawa na hindi talaga s'ya mabait. Hindi n'ya ako papansinin at ibu-bully n'ya ako. Ganyan s'ya, ganyan s'ya palagi sa akin. Hindi n'ya rin pwedeng sabihin na wala s'yang sinasabi na kung ano sa akin pero bakit palagi n'ya akong sinasabihan na mahal n'ya ako? Grabe. Ansakit.






Para akong nahulog sa trampoline at sa pangalawang bagsak ko ay sa sahig na ako nalaglag, alam n'yo 'yon? 'Yung sinalo ka na pero bigla kang ihahagis ulit at hahayaan kang mahulog mag-isa? Hirap mga 'te! Pero oks lang, sanay na ako, sanay naman ako na palagi n'yang ginaganito.






"Oh, bakit nakabusangot mukha mo?" Bungad sa akin ni Kat pagkarating ko sa office n'ya.






"Nagkita nanaman kami ni Ivan, paki-off limits nga 'yon dito!" Inis na sambit ko. Tinawanan naman ako ng bruha.






"Hindi pwede, tropa s'ya ni kuya." Natatawang sambit nito. Sarap sipain pabalik ng California e.






"Ano?! Talagang ipagpapalit mo ang cute mong kaibigan? Hmp!" Nagtatampong sambit ko. Tumigil ito sa pagtawa at tinaasan ako ng kilay.






"Ano bang problema mo? Buntis ka ba?" Natatawang sambit nito. "Bakit g na g ka sa asawa mo?" Nakakunot na noo nitong tanong. Hays, bakit kasi hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na hindi na kami ni Ivan e.






"Manahimik ka nga jan! Si Adam nga nagcheat sa'yo e! Basta pagbawalan mong pumunta dito 'yung epal na 'yon!" Sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagpalit ng itsura ng mukha n'ya, halatang maling salita ang aking mga sinambit. Pero, hayaan mo na, truth hurts.






"Hoy, anong pinag-uusapan n'yo dyan?" Biglang sambit ni Merlyn, kakarating n'ya lang dito at pawis na pawis.






"True ba na nagtalk lang kayo ni kuya? Why naman ganyan face mo? Looks like something happens!" Natatawang sambit ni Kat. Kita mo nga ang mood swings nito.






"Manahimik ka! Bawal conyo dito!" Naiinis na sambit nito.






"May I remind you lang na I am the owner of this building," Kat right eyebrow rose. Kahit na gustuhing magsungit ni Kat at hindi pa rin n'ya napigilang matawa. "Just kidding, why naman kasi you didn't say the truth to kuya? Well, he's successful naman na e! Baka pwede na ulit kayo." Mapang-asar na sambit nito.






"Shut the fuck up!" Inis na sambit nito sabay walk-out. Tinignan ko si Kat na para bang nagtatanong ako kung anong nangyari.






"What? I don't want to chika, you know, you can ask naman your cousin." Sabi nito at tyaka ay may sinagot na tawag, mukhang importanteng tawag ng kliyente ito kaya naman sumenyas ako na aalis na ako.






Madaming nangyari sa 4 months na pagsasama namin ni Ivan. Ambilis lang 'no? Sa loob ng 4 months, 'yung feelings ko noong bata pa kami na akala ko ay wala na, parang bumalik... pero sa pagbalik nito ay dumoble ito.






Now, I know that Kat has a child. Isa-isa nang nagkakaanak ang mga kaibigan ko. Magagaya kaya ako sakanila? Magagaya kaya ako sa kanila na magkakaanak pero walang ama? Nakakatakot... nakakatakot na baka ganoon din ang maranasan ng anak ko, gaya ng naranasan ko... mahirap lumaki ng walang ama. Mahirap, at nakakatakot.

~~~~~~~~~~
•LIGAYA•

A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now