10

0 0 0
                                    

haha, road to pabagsak si author :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

"Jiro!" Pagtawag ko rito. Break time ngayon at absent si Merlyn dahil kay Asher. Wala naman akong ibang friend kung hindi ang lalaking ito lang. Ayoko rin makipag friends sa ibang girls, pangit ugali.










Pagkalapit ko rito ay agad kong tinanggal ang salamin n'ya. Ang gwapo naman kasi ng isang 'to. 'Yun nga lang, gustong gusto maging nerd. Braces with eyeglasses. 'Di naman ganoon kalabo ang mata nito e. Nerd outside but beast inside. Well that's my bestfriend.










"Hoy! Akin na 'yan Denise!" Pagsigaw nito. Agad kong tinakbo ang salamin n'ya. Kahit na mabilis akong tumakbo ay agad din akong nahabol nito. Haba ba naman ng biyas e.










Niyakap n'ya ako patalikod para mahuli. Alam n'yo 'yung yakap na isang kamay lang 'yung nakakapit sa bandang tyan mo, tapos ang isang kamay naman n'ya ay busy kumuha ng salamin n'ya. Naramdaman ko nanaman ang abs ng isang 'to. Apat lang pero matigas.










"Ang daya naman! Napakahaba naman kasi ng biyas mo! Ayan tuloy ang bilis mo 'kong nahabol," tinawanan lang ako ng mokong. Sinamaan ko ito ng tingin at bigla naman ako nitong inakbayan.










"'Wag ka nang sad. Sige na, bili nalang kita ng Keritoh sa canteen." Pag-aaya nito. At syempre dahil marupok ako, sumama ako sa kanya.










Hanggang sa canteen ay nakaakbay pa rin ito sa akin.  Nagkukwento s'ya ng mga pangyayari noong elem s'ya na hindi n'ya makakalimutan. Halos lahat ay nakakatawa kaya natatawa ako ng sobra. Nang makarating kami sa Keritoh stall, tinanggal ni Jiro ang pagkakaakbay sa akin. Umorder na ng dalawang keritoh si Jiro nang biglang may sumigaw.










"Boss Ivan, Lubog!" Pagsigaw ng isa sa mga basketball player. Doon ko lang napansin na nandito din pala si Ivan together with the basketball team. Hindi nalang namin ito pinansin at hinintay ang order namin.










"Walang wala pala si 2 kay 4. Kawawa lodi natin!" Sigaw pa ulit ng isa sa kanila. Malalakas naman itong nagsitawanan. Nakatalikod ako sa kanila kaya hindi ko sila kita, naririnig ko lang.










"Kahit ako gugustuhin ko 'yung Nerd kesa sa basketball player. Basketball player kasi babaero!" Sigaw nanaman nung isa. Para silang mga baliw, ang daming tao dito pero parang sila lang kung makapag-usap naman ang mga ito.










"Two K4 for Jiro," agad na tumayo si Jiro para kuhain ang Keritoh namin. K4 para may ice cream. Masarap kasi dito tapos mura pa, kaya naman ito palagi ang pinapalibre ko. Akala n'ya nga favorite ko 'to. Ouch, fake friend.










"Sunod try natin 'yung k5. 'Yung coke float with fries tapos may hotdog." Pag-aaya nito sa akin. Syempre tumango ako dahil alam kong libre n'ya ito. Masarap kaya ang pagkain kapag libre.










"Baka maghirap ka, kakalibre sa akin ha?" Pagbibiro ko. Alam ko namang chain of hotels ang negosyo nila. Bukod pa ang mga condo units na pagmamay-ari rin nila. Ang yaman lang n'ya, jusko.










"Hindi naman ako nag-aaksaya ng pera. Basta masaya ka, go lang. Kahit piso nalang ang pera ko, go lang." Nakangiting sambit nito. May naramdaman akong kakaiba sa mga sinambit n'ya sa akin. Ano 'yon? Kilig ba 'yon?










Buong klase ay iniisip ko ang naramdaman ko. Kinilig ba ako? Imposible naman, wala naman akong gusto kay Jiro. Bukod sa kapatid ang tingin ko sa kanya, gusto ko lang na maging magkaibigan lang kami. Ayokong isugal muna 'yung friendship namin. Hindi pa naman ako sure sa lahat.










A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now