05

1 0 0
                                    

Nakakabaliw pala 'pag laging mag-isa sa bahay,,,

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

"Legit ba 'yan? Si Kat talaga nag-aya??" Hindi makapaniwalang tanong ko. Sa aming tatlo kasi, parang si Kat lang ang sobrang bait. S'ya lang ang more on aral than gala. Kaya naman nakakagulat na nag-aaya si Kat ng gala ngayong araw.











"Oo nga, kaya bilisan mo na mag-ayos dyan mayora." Merlyn rolled her eyes on me. Syempre magpapaganda ako, baka makita ko ulit si Fafa Adam tyaka fafa Asher e. Sayang naman 30% chance lovelife ko kung makikita nila akong chaka 'no!











"Sandali lang, ano ba kasing color ng earrings 'yung bagay sa'kin?" Tanong ko sabay lahat ng tatlong paborito kong hikaw.











"Tutal color green naman ang damit mo, eto nalang color green." Tinignan ko ito at tyaka isinuot sa tenga ko. Syempre sa tenga, alangan namang sa mata ko isuot, charot.











Hindi ko nilagay ang iba kong mga hikaw para kunwari goodgirl tayo, dahil ganoon daw ang mga type nila fafa Asher at fafa Adam. Ganoon talaga 'pag haharot kailangan todo. Charot.











Nang makapunta na kami sa meeting place namin ay wala pa rin si Kat kaya naman hinintay namin s'ya. Hindi naman kami desisyon para hindi s'ya hintayin 'di ba?











"Sis, may gwapo oh!" Sabay turo ko sa isang lalaki na may nakalagay na babayin name sa shirt. "Ano kaya meaning nung nasa shirt n'ya? Baka name n'ya! Hihi" agad naman akong binatukan ng pinsan ko.











"Ang sabi, bonding time nating tatlo nila Kat, hindi hanap pogi! Nakakastress ka!" Inirapan ko ito. Hindi man lang suportahan ang pinsan n'ya sa pagharot.











"Lord please kahit name lang nung boy na 'yon," bulong ko. Totoo naman, kahit name lang. Ako na bahala sa the rest.











Nang makarating si Kat ay pumasok muna kami sa coffee shop, dahil gusto raw ni Merlyn ng Frappe. Ewan ko pero parang iniiwasan n'ya na kumain kami sa fastfood chain. Masarap naman don!











Nang matapos kaming umorder ay umupo muna kami sa isang gilid para hintaying dumating ang order. Nagtatawanan kami nang biglang may pumukaw ng atensyon ko. Ito 'yung gwapong lalaki kanina.











"One coffee macchiato for Jiro," the girl said. Nagulat ako nang biglang tumayo ang lalaki. Swabe n'yang kinuha ang kape at uminom ng kaunti. May kung anong tinignan ito sa kanyang cellphone at lumabas ng coffee shop.











Parang nag slow motion ang lahat ng bagay, grabe ang epekto sa akin ng lalaking ito. Jiro... ano kaya surname? Daya naman lord, hindi pa finull name. Dapat nilubos n'yo na, charot!











"He's baybayin shirt says that it was Hernandes, pwede ring Hernandez, ewan basta ganon 'yung basa. Siguro 'yun 'yung surname n'ya." Biglang sambit ni Kat. Lord grabe talaga I love you sagad.











"Oh, well I don't care naman. As if naman may mas gugwapo pa sa kuya mo sa paningin ko." Natatawang sambit ni Merlyn, bruhang 'to.











Nang makuha namin ang kape namin ay napagdesisyonan naming maglibot muna saglit bago kumain sa Mcdo. Kanina pa namin napagdesisyonan na dito. Kaso ayaw ni Merlyn dito, ewan ko rin ba sa pinsan kong 'to. Masarap naman sa Mcdo ha! Mura na masarap pa! Unlike sa mga mamahaling restaurant, kay mamahal tapos bitin pa.











"Sure na ba kayong dito na?" Kinakabahang tanong ni Merlyn. Hindi ko sila maintindihan. Silang dalawa lang nagkakaintindihan. Ano ba? Hindi ba ako belong dito? Kung hindi edi susundan ko na si kuyang Jiro Hernandez.











Habang kumakain kami ay kinukwento sa akin ni Kat ang nangyari kay Merlyn noong unang beses nilang kumain sa Mcdo. Tawang tawa si Kat kaya nakikitawa nalang din ako. Hindi kasi mawala sa isip ko 'yung lalaki kanina.











Madami kaming ginawa buong araw, sinabi na rin sa amin ni Kat ang pakay n'ya kung bakit n'ya kami inaya para sa 'bonding' na ito. Aalis pala s'ya at isasama sa ibang bansa. Hindi ko alam pero parang kinurot ang puso ko nang marinig ko 'yon. Para akong binigyan ng hero free trial, saglit ko lang palang makakasama, saglit ko lang maaangkin.











Pagkarating ko sa bahay ay agad akong naiyak. Tinignan ko ang kulay asul at kulay pink na bracelet na gawa ni Merlyn at Kat. Parang pinipiga ang pusp kong isipin na aalis na talaga si Kat.











Tumingala ako sa mga ulap, nakaupo ako ngayon dito sa may veranda ng bahay namin. Tahimik ang gabi. Kitang kita ko ang ganda ng buwan. Kitang kita ko ang kinang ng mga butuin. Wala kang maririnig kung hindi ang mga kuliglig sa gabi.











"Ang gara naman Lord," sambit ko habang nakatingala sa langit. "Grabe naman, iiwan nanaman ako ng importanteng tao sa akin," nararamdaman ko ang pagtutubig ng aking mga mata. "Akala ko Lord, masakit na 'yung itakwil ako ni papa. Pero mas masakit pala kapag kaibigan. Hindi ko alam, siguro dahil na rin sa may pinagsamahan kami." Pinunasan ko ang mga takas na luha mula sa aking mga mata.











Nilapitan ko ang bulaklak na plastic na ibinigay sa akin ng aking mama noong bago s'ya mamatay. Hinawakan ko ito. Alam kong plastic lang ito pero tinanim ko pa rin sa lupa. Thinking that this one was true. Thinking that there is the thing called forever.











Pumasok na ako sa aming bahay at tinignan ang mga mwebles na ang aking ina mismo ang namili. Maybe if she's still alive, she will be the number one architect in the Philippines. She's a great architect when she was alive. Not until my father came and ruined everything from her.











Pumasok ako sa kwarto at isa isang binasa ang mga nakasulat sa diary ni mama. It tells so many stories about how she love my father. About the sacrifices she's willing to do for everyone. About how she love me so much. About the things she love. About the things I can't do with her.











Kahit na sandali lang kaming nagkasama ay miss na miss ko s'ya. Kahit na hindi ko halos maalala ang wangis ng kanyang mukha ay mahal na mahal ko pa rin s'ya. Kahit na iwan n'ya ako ay ramdam ko na nandyan lang s'ya sa paligid ko para bantayan ako. Na... hindi naman talaga n'ya ako iniwan... na baka babalik pa s'ya... na baka nagpapahinga lang s'ya.




~~~~~~~~~
•LIGAYA•

A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now