07

1 0 0
                                    

Nababaliw nanaman aq.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

"Are you sure Ms. Toledo? You can do in Section 1? I mean, your grades is—" I cut the person in front of me.







"Can you please just do it and not judge me. Gosh, just take a look on my IQ test. I mean, I can do better now." I rolled my eyes on her. Andami pa naming pinag-usapan e, ilalagay din naman n'ya ako sa section 1.







Kahit naman anong gawin ko rito sa university basta may pera ako ay mapapaikot ko ang mga nandito. First day of school ngayon at papunta na ako sa section 1. Rinig ko ang mga chismisan pagpasok ko ng room.







"Namali ka ata ng room, faithy," bati sa akin ng isa sa mga kakilala ko. Ito 'yung top 1 namin last school year e.







"Baka ikaw." Tanging tugon ko, umiwas na ako sa kanya. Alam ko naman kasing pinagpalit kaming dalawa ng section, hindi ko lang alam na hindi s'ya nainform.







Tumabi agad ako sa pinsan kong hilaw na busy sa pagbabasa ng libro. Sinilip ko ang binabasa nito at napansin kong math ito. Alam kong ayaw n'ya ng subject na ito kaya naman laking gulat ko nang pagtyagaan n'ya talagang i-review.







"Insan, chill. First day ngayon, 'wag mong i-over stress ang sarili mo," hindi na nagulat si Merlyn na nandito ako dahil alam n'ya rin naman ang plano ko. Actually silang dalawa ni Kat ang nakakaalam.







"Iba dito sa section 1, kailangan mong magsipag." Tanging sambit ni Merlyn. Maya maya pa ay dumating na ang adviser namin.







"Good morning class! I am your adviser. This first week is all getting to know each other with your teachers." Pagpapaliwanag ni ma'am. Isa isa rin n'ya kaming tinawag para sa attendance. Nagulat ang iba dahil kasama ako sa list pero hindi ang top 1 namin.







"Ms. Chandria, wala ka talaga dito sa student list ko. Baka nasa ibang teacher ka." Paliwanag ni ma'am.







"Imposible ma'am! Ako ang top 1 sa section namin last year at 'yang si Denise bottom 2 'yan! Tapos ako pa ang wala sa section 1?!" Sinigawan na n'ya ang teacher namin.







"Kung ako ang papapiliin hindi talaga kita tatanggapin sa section 1. Look at your attitude, bakit mo ako sinisigawan? Nag-aaway ba tayo rito? And for your information, I don't care if you're the top 1 or not. Binibigay lang sa amin ang list. Ang trabaho namin dito ay magturo. So, malaki ang pintuan, labas Ms. Chandria." Mahinahong sambit ng teacher namin.







Nagulat ako sa mga pangyayari. Nadamay talaga ako. At kailangan n'ya ba talagang ipagduldulan na nasa bottom 2 ako? Nakakaloka ha. First day na first day.







When math time comes, binigyan kami ng papel ng teacher namin with equation. Pang 3rd year lang naman ito pero masyadong complicated ang mga terms. Masasagutan ko 'to, alam ko sa sarili ko.







"Who wants to give the answer on the paper y'all got?" Our math teacher ask. I silently raised my hand.







"Oh, you, yes, what is the answer?" One look again to the equation and I know the answer.







"It's Zero Ma'am." Mahinang tugon ko. Walang nagbago sa ekspresyon ng teacher ko. Hindi n'ya rin ako pinapaupo kaya naman hindi muna ako umuupo. Pinagmamasdan ako ng mga kaklase ko, isa isa silang tinatawag. Mali ba ako?







"Natanong ko na ba ang lahat?" Tanong ng teacher kong hilaw, ma'am antagal, nangangalay na ako.







"Yes ma'am," sagot ng mga kaklase ko.







"Okay, lahat ng nakaupo..." pinapatagal pa talaga ni ma'am. "Mali ang sagot. Look at her, s'ya lang ang nag-iisang nakatayo. S'ya lang ang may tamang sagot sainyong lahat. Is she your top 1 in your previous years?"  The teacher asked.







"No ma'am," the other student said. "It's Ms. Madriaga but she's in Cali po now, but our top 2 is Mr. Solis. And Mr. Solis in is the covered court for basketball. But here we have Ms. Macaspac—" our teacher cut her off.








"That's a yes or no question. Ang dami mong sinasabi." Hindi mapigilan ng mga kaklase ko ang tawa. May narinig pa akong nagsabi na 'ayan kasi bida bida'.








"So, hija, what's your standing in your class last year?" Biglaang tanong ng teacher namin.








"Uh, bottom 2 in the last section." Nakita ko ang paglaki ng mga mata ng teacher namin sa gulat.








"Woah, look at her. Nakakahiya na s'ya lang ang tama. Dahil dyan, exempted ka na sa mga quizzes buong first grading." Nakangiting sabi ma'am. Shems, Kahit patayuin n'yo na ako ma'am buong first grading kung ganito lang din naman. Charot!








After ng subject na ito ay recess na. Favorite subject ni Merlyn. Kanina pa s'ya nagsasanaol dahil sa nangyari kanina sa math class. Kahit ako ay nabigla. 0 naman kasi talaga 'yon, pero hindi ko alam na 0 pala lahat ng sagot sa mga equations na binigay ni ma'am. Angas.









"Pano mo nalaman na zero ang sagot?" Tanong ni Merlyn.









"Undefined kasi 'yung equation tapos may mga negative exponents so mapupunta 'yung zero sa numerator so at the end kahit hindi mo na isimplify 'yung nasa taas, zero talaga ang sagot." Nakita ko ang pagkamangha ng pinsan kong hilaw. Madali lang naman ang math. Ayoko lang ESP, daming paliwanag nadadagdagan lang kasalanan ko.









"Den, una ka na sa canteen." Biglang sambit sa akin ni Merlyn, tinaasan ko s'ya ng kilay na parang nagtatanong kung bakit pero pinakita n'ya lang ang text ni Asher. Awit, sanaol talaga.










Papasok na ako ng canteen ng mabunggo ko ang isang bagong lalaki sa university. Mukhang kaklase ko ito base sa ID n'ya. 4th year section 1. Natapon sa akin ang kape na hawak n'ya kaya ramdam ko ang pagkapaso ko.










"Potek, ouch," sambit ko. Sobrang init nito kaya napatakbo nalang ako sa locker room. Alangan namang makipagtitigan ako sa lalaki, e basa na ang uniform ko, plus mainit kaya.










Dumiretsyo ako sa locker ko at kumuha ng extra shirt. Agad kong isinuot ang kulay puting damit na may nakalagay na bt21 chimmy sa may upper left side. Tinuck-in ko ito sa may palda naming maikli dahil hindi bagay kapag hindi nakatuck-in. Isinuot ko muli ang blazer ko at bumalik sa room. Hindi na ako nakakain, mamayang lunch nalang ako babawi.










Pagbalik ko sa room ay normal naman ang lahat. Hindi pinansin ng mga teachers na naka t-shirt lang ako. Hindi siguro halata dahil sa blazer? Ah, basta mabuti namang hindi nila napansin dahil ang pangit kung first day na first day, mapapagalitan ako.










Uwian na at papalabas na sana ako sa room ng biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Tinignan ko ito at pamilyar ang mukha sa akin. Ang salamin at ang gwapong mukha ay pamilyar na pamilyar, para bang nakita ko na sa kung saan.










"Sorry," the guy said. Kinunotan ko s'ya ng noo, na parang sensyas sa kanya na I'm asking why is he sorry. "Ah, kasi kanina, a-ano... natapunan kita ng kape, t-tapos bigla kang tumakbo. H-hindi tuloy a-ako nakapagsorry." Utal utal nitong sambit. Nginitian ko nalang ito saka lumabas ng room. Hindi ako nagpasundo dahil lalantak ako ng street foods sa daan pauwi sa bahay. Wala naman akong pake kung late makauwi, basta miss ko na magstreet foods.



~~~~~~~~~
•LIGAYA•

A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now