09

0 0 0
                                    

Panibagong araw, panibagong modules.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

Kasama pala namin sa dinner sila lola Bright at Ivan. May makakasama pa raw kami na nakasama raw noon nila lola sa isang kampo na hindi ko maintindihan kung ano. Habang nasa byahe ay tahimik si lola. Alam kong gusto n'yang malaman kung sino ang naghatid sa akin. Alam kong gusto n'yang magtanong pero pinipiling n'yang maging tahimik.










"Heather!" Sigaw ni lola bilang pagbati sa isang magandang ginang. Mukha lang silang nasa mid 40's nila lola pero ang totoo ay mag si-60 na talaga ang mga ito. Nagyakap silang tatlo.










"Oh, asan si Hernan?" Biglang tanong ni lola Bright.










"It's Falcon, Bright." The guy rolled his eyes on lola Bright. If my judgement is not true, the guy was a gay or is? Pero laking gukat ko nang bigla silang maging sweet ni lola Heather.










"Iw, parang mag newly weds pa rin." Pagrereklamo ni lola Bright.










"Bitter," natatawang sambit ni lola Heather.










"Sanaol, 'yung sa'kin kasi inunahan na ako sa huling hantungan." Natatawang sambit ni lola.










"Hay, nako Ulysses, buti ka nga sa huling hantungan. E, ako? Iniwan ako sa ere. Pinagpalit sa mas malapit." Napafacepalm si lola Bright. Natatawa ako sa mga sinasabi nila. Kala mo ay mga bagets pa rin ang salitaan e.










Maya maya pa ay dumating na si Merlyn, agad akong lumapit dito. Nagulat ako nang makita namin si Jiro, kasama ang mommy n'ya.










"Hello!" Bati ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" Dagdag ko pa.










"Sabi ng lola ko, reunion/mini celebration daw 'to." Sabi n'ya habang tinuturo sila lola Heather. Wow, small world. Biglang tumikhim si Merlyn kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ko.










"New crush?" Tanong nito sa akin na kaagad ko namang kinunotan ng noo. "Bakit? Iba kaya pagtingin mo sa kanya." Dagdag pa nito. Iba nga ba? Paano ba ako tumingin? Gusto ko ba 'tong lalaking 'to? Kailan ko lang naman 'to nakilala e. Umiling nalang ako sa kanya. Imposible.










"Wow, ang mga apo pala natin ang top 1-4!" Masayang sambit ni lola Heather.










"Oo nga, ang gagaling!" Napapalakpak pa si lola Bright. Ang galing ni Mr. Coincidence, napakatiming ng lahat.










Masaya kaming kumain ng dinner. Madami silang mga kinukwento na hindi naman kami makarelate. Gaya ng mga kwentuhan sa kampo na hindi naman namin alam. Pero sabi nila lola, 'pag daw kami nabroken, punta lang daw kami doon. Ang kaso, hindi na alam nila lola kung bukas pa ba iyon sa panahon na mabroken kami.










"May mga girlfriend na ba kayo?" Pag-iiba ng usapan ni lola. Tinatanong n'ya si Ivan at Jiro. Parehas naman silang nagsabi ng wala. "Ah, nililigawan?" Dagdag na tanong ni lola.










"Wala po, lola." Sabi ni Ivan. Sinungaling, girlfriend n'ya nga 'yung captain ng cheerleader.










"Wala po, nahihiya po kasi akong ligawan s'ya." Sagot naman ni Jiro. Hindi ko alam pero parang gusto kong alamin kung sino iyon.










"'Yun oh! Sino 'yan?" Malisosyong tanong ni Merlyn. "Spill, promise 'di namin ipagkakalat!" Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Merlyn. Parang tanga.










"Ah, eh, w-wala." Nauutal na sambit nito. Nagpatuloy lang ang lahat sa pagkain at kung ano ano pang kwentuhan tungkol sa mga babaeng hindi naman namin kilala. Meron pa silang nakwento na ang name ay Fatty na ngayon ay supermodel na. Grabe, hindi ko magets 'yung ibang sinasabi nila pero nakikinig pa rin ako.










"Shems," biglang sambit ni Merlyn. Agad ko itong tinignan at pinakita n'ya sa akin ang text ni Asher. "Meet daw kami. Wala raw s'yang readings. Paano 'to?" Nag-aalalang sambit nito.










"Sabihin mo 'yung totoo kung nasan ka." Tanging sambit ko. Dahil totoo naman, hindi naman sa lahat ng oras na free si Asher ay tatakas s'ya sa mga ginagawa n'ya.










"H-hindi pwede. Baka magalit 'to, ayokong manuyo. Masyadong malayo ang university n'ya." Tanging sambit nito. Hays, tanga sa pag-ibig.










"Bahala ka, choice mo." Sabi ko rito. Alam kong walang nakakaalam ng relasyon nila ni Asher. Yari ito kapag nalaman ni tita na tatakas s'ya para sa isang lalaki. Hindi ko rin ba alam sa pinsan ko, masyado n'yang binibigay ang sarili n'ya para sa isang lalaki.










"Ano? Aalis ka?" Tanong ko rito. Nasa CR kami ngayon dahil hindi na s'ya mapakali sa table. Kanina pa kasi sila shiniship ni Jiro, sanau naman na akong iship kay Ivan kaya wala na akong pake.










"H-hindi ko alam kung pano. Hindi pa naman ako nagdala ng pera pamasahe. Hindi ko naman inexpect na ganito e." Pagdadahilan nito.










"Paalala ko lang sa'yo. 'Pag 'to nalaman nila tita, yari ka talaga Merlyn. Ayusin mo desisyon mo." Pagbabanta ko rito. Ilang beses pa s'yang nagpalakad lakad sa restroom bago s'yang magdesisyon na magtext kay Asher kung nasaan s'ya. Hindi ko alam kung nagalit ba o ano, pero mukhang pang semana santa na ang mukha ng babaeng ito.










"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya nang makabalik na kami sa table. Nagkukwentuhan nalang ang lahat dahil tapos nang kumain. Umiinom sila ng wine, samantalang kami ni Merlyn ay hindi. Hindi naman nila alam na umiinom kami.










"Medyo, nagtampo e. Hindi ko alam panong gagawin." Problemadong tugon nito. Tanga talaga sa love.










"Ask Kat, I know she knows her kuya well." Payo ko rito. Totoo naman, kapatid n'ya 'yon kaya for sure kilala n'ya 'yon.










"Nah, Kat knows nothing about us. She only knows that I have a crush on her kuya. That's all." Pagpapaliwanag nito. Nagulat naman ako. Akala ko ba bestfriend n'ya si Kat? Bakit may pasecret. "I can't tell her e. Nahihiya ako. Kuya n'ya kasi 'yon." Dagdag pa nito.










"O...kay, it's your choice. Keri mo na 'yan malaki ka na legit. Tangkad mo e." Natawa naman s'ya sa sinabi ko. Totoo namang ang tangkad n'ya. Mas matangkad silang dalawa sa akin ni Kat e. Parehas na ata silang 5'7 or 5'8 samantalang ako nastock sa 5'5.










Nagtagal pa kami ng slight bago magpaalam sa isa't isa sila lola. They were all happy seeing each other again. Sa susunod daw mas madami na raw silang magrereunite. Sama raw ulit kaming mga apo para masaya. E, sila lang naman masaya. Hindi naman kami belong. Edi wow.



~~~~~~~~
•LIGAYA•

A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now