18

2 0 0
                                    

GTKTA: ekis sa milktea.

~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

After a month, my lola died. Mas lalo akong nahirapan sa studies ko. Inalok ako ni Ivan na itutor n'ya ako pero hindi ako pumayag. Okay na ang 2 kesa naman matagal ko s'yang makasama para lang sa 1.










Nang makauwi ako sa bahay na ipinagawa para sa amin ay wala pa rin si Ivan. Mas maaga akong umuuwi sa aming dalawa. O minsan, hindi ko alam kung umuuwi paba ito sa bahay namin. Weird, pero oo, bahay namin.










Huling balita ko kay Jiro ay ipinagpatuloy n'ya ang pagiging neuro surgeon n'ya. I'm happy for him. At least, he does what he wants. Ang alam ko kasi noon bago kami magpakasal ni Ivan ay magpepedia nalang daw s'ya kahit iba naman talaga ang gusto n'ya. Hindi ko alam kung bakit pero at least he's going to pursue his dream, while mine... next time nalang siguro.










"Ma'am, a-ano po—" hindi ko na pinakinggan si manang. Umakyat ako ng kwarto namin ni Ivan at nagulat ako nang makakita ako ng babaeng hubad na nakapaibabaw sa asawa ko. Agad kong sinarado ang pinto.










"Shems! Kadiri!" Sambit ko sa sarili ko. Kadiri talaga, hindi ko maimagine na gaganon ako. Bakit sa kama pa namin? Nakakainis. Ako nalang ang nag-adjust, at simula noong araw na 'yon ay hindi na ako umuwi sa bahay namin. Sa condo ko nalang... at least maayos ayos naman don. Wala akong makikitang nagsi-sex.










After a weeks, sinundo ako ni Ivan. He told me that he's sorry. Tahimik akong tinanggap 'yon dahil wala akong choice. Bumalik ako sa bahay pero sa guest room ako natutulog. Naging mabait ulit si Ivan sa akin. Parang bumalik s'ya sa dating Ivan. 'Yung Ivan na nagustuhan ko. Pero ayokong umasa, baka ako nanaman ang maging talo sa dulo.










"Girl! Ayoko na talaga, ang hirap nung exam!" Pag-iinarte ni Sam. She's a new friend of mine. Law student s'ya na walang friend kaya nag-click kaming dalawa. Pareho kaming walang friend e.










"Grabe, pang sampong beses mo na sinigaw sa akin 'yan." I rolled my eyes on her.










"Naiinggit ako sa'yo! At least ikaw, married ka na. May stable job. Kahit hindi ka na mag law or kahit bumagsak ka, ganda pa rin ng life mo. E, ako? Kailangan kong magtapos kasi magpapaaral pa 'ko ng tatlong nakababatang kapatid ko!" Lagi nalang n'yang sinasabi ito sa akin. Kala mo talaga mahirap sila, e may business nga ito na chicken wings tapos ang dami pang bumibili.










"Bibigay ko nalang kay Sayee chicken wings shop ko," natatawang sabi nito. Si Sayee ang sumunod sa kanya. "Kaso 'wag nalang baka imbis na may mabenta, maubos n'ya lang lahat ng chicken wings don!" Tumawa pa ito na parang baliw.










"Beh, andyan na 'yung yummy husband mo oh, rawr." Parang sira talaga 'to at tinawanan ko lang. Hindi naman kami sabay na umuuwi ni Ivan e. Hinihintay n'ya lang ako sa room para sabihin palagi na late na s'yang uuwi.










"Siraulo," tanging sambit ko rito. Tahimik akong pumunta kay Ivan. Tinignan ako ni Ivan na parang kinakabahan.










"N-nakabuntis ako." Tanging sabi nito. Expected ko naman. Ang dami kayang babae nito. Hindi na ako nag-expect masyado.










"Okay, panagutan mo. Let's cut our fake marriage off. Wala na rin naman both grandparents natin e." I told him. Totoo naman e, peke lang naman ang lahat.










"Okay, that fast?" He assured me.










"Oo, pakilala mo 'ko sa baby mo ha? Sure ako na magiging katulad ni Ivon 'yon hindi katulad mo." Natawa ako sa pinagsasasabi ko.










Umalis na ako sa harap n'ya. For the first time I don't feel anything. Para akong namanhid na ewan. Parang sa sobrang daming damdamin na nag-aaway sa puso ko ay wala nang maramdaman 'to.










"Hoy! Kala ko uuwi ka na," nagulat ako nang sumulpot sa likod ko si Sam. "Nakita ko 'yung Yummy mong husband may kasamang ibang babae." Sabi nito. Siguro 'yung kasama n'ya ay 'yung babaeng nabuntis n'ya.










"Okay lang, alam mo naman na our marriage is fake." Tanging sinabi ko rito.










"Arat inom, tapos na rin naman na 'yung last exam. Bar nalang hinihintay natin e. For sure namang gragraduate tayo kahit pasang-awa." Natatawang sabi nito.










"Libro mo?" Nagbibirong tanong ko rito. Agad ako sinamaan ng tingin.










"Alam mo, 'yung pera mo hindi mo dapat hinahayaan lang nakatago. Loosen up girl! Ikaw ang manlibre. Milyon milyon kinikita mo araw araw e!" Natawa ako sa kanya. Akala mo hindi s'ya kumikita ng milyon sa chicken wings n'ya. E, sikat na sikat nga ang chicken wings n'ya to the point na dinadayo na s'ya ng mga turista.










"Girl, sinasabihan mo ba sarili mo? Paalala lang na may chicken wings resto ka n sikat worldwide." I winked at her.










"Kala mo, hindi sikat ang fashion line mo worldwide." Inirapan ako ng gaga. Tbh, pareho lang naman kami ng estado sa buhay. Ang kaso lang sa kanya ay may mga pinapaaral s'yang kapatid. While me? Wala nga akong parents e, kapatid pa kaya.










Pumunta kami sa club ng isa sa mga kaibigan ko? Hindi tayo sure kung friend ko ba ito basta ang sabi n'ya ay welcome ako sa club n'ya.










Pagpasok namin ay puno ng mga VIPs ito. Grabe, puro anak ng mga politiko, mayayamang mga angkan at kung ano ano pa. Sure na ako ngayon kung bakit napakayaman nitong mokong na 'to.










"Supp, Faithy~" pakantang bati nito sa akin. "And a friend of her." He held Sam's hand ang kissed it. Nagblush naman si Sam sa ginawa ni Justin. Well, I need to warned this girl because I know how playboy Justin is.










We party all night, we party like it there's no tomorrow. We party like an animal. Inom lang ng inom. High tolerance kami pareho sa alak, but I know we're both wasted. Feeling ko nga may hinalo pang kung ano sa iniinom ko si Justin e. Siraulo talaga 'yang Dela Cruz na 'yan.










All I remember that night was Sam's black out. Dinala ako sa kung saan ni Justin and Sam is nowhere to be found. Ang taas ng feeling ko na may ginawang hindi maganda si Justin kay Sam. They both type each other, kilala ko sila e. Jusko, 'wag lang sanang tanga ang kaibigan ko.










Someone's with me. I don't know where are we going. Basta ang alam ko ay mahimbing akong nakatulog sa kotse n'ya na para bang komportableng komportable ako sa sasakyan nito.



~~~~~~~~~
•LIGAYA•

A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now