19

0 0 0
                                    

GTKTA: I have different kind of friends. But they are all fun to be with!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

"Bitch!" Sigaw sa akin ni Sam. Nandito ako ngayon sa library at ang gaga naman ay napagalitan ng librarian dahil sumigaw. "Let's go to mini park here in University. Umay sa librarian laging gg." Maarteng sambit nito. Napapadalas ang pagkikita nila ni Justin. And I know what they do everytime they meet.








Sumunod ako sa kanya dahil no choice ako. S'ya lang naman ang kasama ko rito sa Law school. Alangan naman forever lonely ako!








"I hate Justin!" Biglang sambit nito nang makarating kami sa mini park. Konti lang palagi ang tao rito, madalas kasing nasa library para mag-aral ang mga estudyante dito. "Kabit pala ako, potek!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Alam kong playboy 'yung kaibigan ko pero hindi ko alam na ganito.








"Paanong kabit? I mean, alam ko naman meaning ng kabit pero hindi ko naman inexpect na ganito." Sabi ko sa kanya. Naguguluhan pa rin ako dahil hindi ko inexpect na magiging kabit ang kaibigan ko.








"So, nagkita kami kagabi. As usual, making a dinner date before making me his dinner," agad akong nandiri sa narinig ko. Siraulo. "So we ate happily. Ang dami ko pang kwento sa kanya about law school. Pinapakinggan n'ya ako ng mabuti like I was the only one he needed to fulfill his day," bumuntong hininga ito.








"Naputol 'yung story ko about sa law school kasi may pangit na babaeng dumating. Sinabuyan ako ng tubig girl! She shouted at me. Tapos ayon napahiya ako," she crossed her arms in her chest.








"Alam mo ba kung ano ang ginawa ng mokong? Iniwan ako. Tapos sinabihan ako ng babae na 'yon na kabit daw ako! Shems. Grabe lang 'yung kahihiyan ko kahapon. Tapos ayon, hindi ko pa rin kinakausap si Justin." Sabi nito sabay tayo at nag-ayang kumain ng fishball, kailangan n'ya raw ng pampatanggal stress.








"Ate dalawa pong 20 pesos na fishball," sabi ni Sam. "Don't worry, sagot ko 'to kasi stressed ako. Shit, meron pala tayong recit bukas 'no? Final recit? Final ba 'yon? Ah basta kailangan ng review para sa boards!" Stress na sambit nito.








"Kalma ka nga, wala kang maiintindihan kapag stress ka. Wala kang magagawa ng ayos kapag stress ka. Kaya chill Samantha Cleopatra Montecarlos-Ramos." Sambit ko rito. Totoo naman, wala talaga s'yang mage-gets kung stress s'ya. Dapat chill lang ang utak n'ya at hindi nagmamadali.








"Punta tayo sa isang shop ko, tapos kunin mo lahat ng gusto mo. Libre na 'yon," pag-aalok ko dito. Nanlaki ang mga mata nito at agad na humindi. Ang sabi n'ya ay ang negosyo ay negosyo hindi dapat sinasama ang kabaitan masyado, baka malugi lang ito.








"Sige na, ngayon lang naman e..." pagpupumilit ko. Ganito kasi ako e, pampatanggal stress ang shopping. Sa huli ay pumayag ito pero konti lang daw ang kukuhanin n'ya.








"Grabe, hindi ako makamove on sa pangyayari kahapon. Hanggang mamatay ako ay isusumpa ko 'yang punyetang Justin Dela Cruz na 'yan!" Naiinis na sambit nito. "Basta Dela Cruz, babaero!" Sigaw pa nito.








"Gago," natatawang sambit ko rito. Totoo naman, ang gago lang. Isang Dela Cruz lang naman ang nanloko pero nilalahat na n'ya.









"Ice cream muna tayo bago tayo pumunta sa shop ko," sabi ko rito. Tumango naman ito dahil libre ko raw. Kumain kami ng cookies & cream na ice cream. Fav namin pareho e. Dadaan ulit ako rito at bibilhan ng Vanilla at chocolate ice cream sila Merlyn at Kat.










Pagkatapos namin sa Ice cream parlor ay dumiretsyo na kami sa shop ko. Agad kaming pumunta sa korean section. May iba't ibang section kasi ito para madaling makita ang hinahanap ng isang babae. Dapat organize.










"Shiz, gusto kong kunin lahat ng palda kaso meron na ako nung iba!" Naiiyak na sambit ni Sam. I know how shopaholic she is. Pero pinipigilan n'ya dahil last year, nakaubos s'ya ng 5 million dahil lang sa stress s'ya.










"Go girl, it's free anyway." Tanging sambit ko rito. Umupo ako habang hinihintay s'yang makapili. I open my phone and go to my IG acc. I saw a story from Jiro. There's a plane and a caption telling 'goodbye my sister'.










Ngayon pala ang alis ni Jayra. Sayang at hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Hindi ko rin naman kayang harapin ang kuya n'ya... parang ang hirap n'yang harapin.










"Girl! I'm done!" Masayang sambit nito. Mukhang nawala na ang stress n'ya. 'Wag ko lang mabanggit si Justin ay ayos na ito.










"Okay, tara na," sabi ko at tyaka umuwi sa bahay. Napadala ko na rin naman sa kanya-kanyang bahay nila Kat at Merlyn ang Ice cream na binili ko para sa kanila. For two people 'yon dahil alam kong may anak sila both.










Para akong naiinggit na parang gusto ko rin ng anak. Pero paano ako magkakaanak kung hindi ko pa nabubuka? Hindi rin naman ako willing na basta bumuka e. Dapat syempre dun sa mahal ko.










Lumabas ako ng condo ko para kumain sa labas. Wala akong ganang kumain sa condo ko e. May nakita rin naman akong magandang kainan. Unli rice ito tapos maganda pa ang view. Ta-try ko muna bago ko ayain sila Merlyn at Kat together with the bagets.










Nang makarating ako sa kainan ay agad akong humanap ng pwesto. Nakakita ako ng magandang pwesto sa may gilid. Okay rito, para hindi ko gaanong dama na ang lonely ko. Umorder na rin ako. More on sizzling sila kaya pork sisig nalang ang inorder ko.










"Kuya, parang tanga naman 'yung story mo! Hindi naman ako natuloy." Napatingin ako sa bandang kanan ko at nakita ko sila Jayra at Jiro.










"'Wag kang makialam." Malamig na sambit ni Jiro. Napakalapit ko lang sa kanila. Hindi siguro nila ako napansin dahil busy rin naman sa cellphone ang dalawa. Tinuon ko nalang ang paningin ko sa bandang kaliwa. Nandito kasi ang view e. It looks like we're on the top of the city.










"OMG! Ate Faithy!" Nagulat ako nang may sumigaw ng pangalan ko. Nakalimutan ko atang nandito si Jayra. "OMG! Ikaw nga! Hala, wala kang review today? Wala kang kasama? Join kami dyan sa table mo! OMG! I miss you!" Tuwang tuwang sabi nito sa akin. Nginitian ko nalang ito dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.










"Btw, thank you for helping Amethyst," a sad smile flashed on her face. "And I know your secret." She winked. Anong secret naman kaya iyon?










"What secret?" Tanong ko rito habang nakakunot ang noo. Hindi naman ako masekretong tao, slight lang.










"Duh, fake marriage!" She rolled her eyes on me.










"Ah, hehe," tanging sinambit ko. Mabuti nalang at hindi gaanong nagsasalita si Jayra dahil kumakain kami. Wala s'yang masyadong kinuwento. Hindi ko alam pero ramdam ko ang tingin ni Jiro sa akin. Para bang pinagmamasdan n'ya ang bawat galaw ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang tumatagal ang oras na magkakasama kaming tatlo.


~~~~~~~~~~
•LIGAYA•

A thousand Sunset with DeniseWhere stories live. Discover now