"I hate to break this mama, but I have no plans to be with Annalise."

"Pero paano ang bata? Gusto mo bang maging bastardo ang magiging anak nyo?"

Hindi ako nakaimik sa sinabi nito. Naranasan kong lumaki na walang ama at ayokong mangyari iyon sa magiging anak ko kung ako man ang ama ng dinadala ni Annalise.
Pero hindi ko yata matatanggap kung hindi sya ang babaeng magiging ina ng mga anak ko.

"Please anak, makipag usap ka lang sa kanila, basta tandaan mo nandito kami ng pamilya mo para suportahan ka."

Napasabunot nalang ako sa buhok matapos makaalis ni mama.

Hindi ko na alam ang gagawin ko!

_________
Amanda's POV

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa mansyon.

"I miss you kiddo."

"Kuya Lawrence! Bakit hindi nyo sinabing pauwi na kayo?" Niluwagan nito ang braso at hinalikan ako sa pisngi.
Weird. Masyado yatang OA itong si kuya ngayon.

"Hija, kamusta ka na?" Lumapit si tito Fernan at yumakap din sa akin. Napangiti akong gumanti ng yakap.

"I miss you too tito Fernan." Napansin ko na nakatayo lang sina senyora at tita Mabel na nakatingin sa amin.
Iginala ko ang tingin ko.
Nasan si Bryan?

Baka nasa kwarto ko kaya para sorpresahin ako?
Napangiti ako ng lihim. Sobrang miss ko na sya.

Bumitiw ako kay tito Fernan at yumakap din sa dalawang ginang at mabilis na nagpaalam sa mga ito para pumunta sa sarili kong kwarto.

"Bryan?" Excited kong tawag dito pero walang tugon. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko sa pagbabakasakaling nagtatago lamang ito, pero wala ito dito.
Lumabas ako at agad tinungo ang kwarto nito pero wala rin ito.
Nasaan sya?
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagtatampo dito.

Mabigat ang loob na lumabas ako ng kwarto niya. Nakasalubong ko si kuya Lawrence ba nag iwas ng tingin sa akin.

"Kuya!" Hindi ako nakatiis na hindi magtanong dito.

"Nasan si Bry kuya?"

Dinig ko ang malalim nitong buntong hininga bago sumagot.

"Kiddo, naiwan pa sila ni tita Allysa sa states, pero babalik din sila after a couple of days, may inaasikaso kasi tita at nagpaiwan din si Bryan."

Tumango ako sa sinabi nito.
Sana man lang tawagan nya ako.

"Ganun ba, thank you kuya." Tumalikod na ako at bumaba papuntang kusina para tumulong sa paghahanda ng dinner ng mga Guevarra.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ang sama sama ng loob ko.

_______
Lawrence POV

Gusto kong yakapin ang kapatid ko pero hindi ko magawa. Alam kong nasasaktan ito sa kaalamang hindi namin kasabay umuwi si Bryan.

Paano pa kaya kapag nalaman nya ang tungkol kay Annalise? Ang tungkol sa pagkatao nya?
Naaawa ako sa kanila ni Bryan pero wala akong magawa.

Uuwi bukas sina tita Allysa at Bryan kasama si Annalise. Nang mag usap ang pamilya nito at ang pamilya namin tungkol sa pagbubuntis nito ay isang salitang lang ang sinabi ni Bryan. 'Bahala na kayo' na matinding ikinagalit ni Mr dela Vega.

Nagdesisyon sila lola na sa condo ko muna ito tumuloy pansamantala para makaiwas kay Amanda.

Isa si Amanda sa dahilan kung bakit tinanggihan ni Bryan na ibili sya ng condo ni lola. Ayaw nitong bumukod dahil nandito si Amanda sa mansyon.

Kahit ako ay hindi pabor sa mga demands ni Mr dela Vega na pakasalan ni Bryan si Annalise. Maging si lola ay tutol at sinabi na susuportahan ang bata at hindi kailangan ng kasal, pero matigas ang ama ni Annalise at ipinilit ang gustong mangyari.

______
Fernan's POV

Pumasok ako sa kusina para sana uminom ng kape nang makasalubong ko si Amanda na nagsusuot ng apron.
Tumalikod ako para umalis. Hindi ko yata kayang tagalan na makita ang anak ko sa ganoong kalagayan.

"Tito, may kailangan po ba kayo?" Tinawag ako nito kaya wala akong nagawa kundi ang humarap uli dito.
Ngumiti ito sa akin pero hindi iyon umabot sa mata nito.

Kung hindi lang nangyari ang tungkol kay Annalise at Bryan ay ipagtatapat ko sa kanilang dalawa na pwede silang magmahalan at wala akong pakialam kung magalit man sa akin si Allysa, pero malupit ang tadhana sa mga bata. May isang inosenteng buhay ang madadamay. Ang anak ni Bryan at Annalise.

"Coffee sana hija." Umakbay ako dito.
Bigyan mo pa ako ng konting panahon anak.

"Black coffee as usual? Upo ka nalang dyan tito ako na ang gagawa." Inakay ako nito at pinaupo sa seat ng dining table at mabilis itong nawala sa paningin ko nang pumasok ito sa kusina.

Tumingala ako para hindi malaglag ang luhang kanina ko pa pinipigil.

Sobrang sakit sa dibdib.

__________

Thank you for reading!

Please vote and comment!

Follow me: lovingly_yours007

Updated: February 10,2015

But I Sent You away, Oh Mandy (completed)Where stories live. Discover now