"Para ka ring si Ma'am Ingrid ano..." ani ko.

"Bakit mo naman nasabi 'yon?"

"Ayaw niyo pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig. May allergy ba kayo sa usaping pag-ibig, ha?"

"Hindi mo pa rin ba alam ang kuwento ni Ingrid? Hindi ba sa iyo na i-kuwento ni lucas?"

Umiling-iling lang ako sa kaniya. Inalukan niya ulit ako ng apple at kumuha ako. Umupo ako sa isang upuan na malapit sa desk niya. Nakatingin lamang siya sa PC niya at nagta-type. Ang cute niya kapag seryoso siya sa trabaho niya. Tama lang talaga ang desisyon kong pumasok ng maaga.

Pakonti ng pakonti ang mga estudyante dito sa library dahil siguro lunch time na.

"Ichismis mo naman sa akin, Anna! Hindi ko ipagkakalat na ikaw nagkuwento! Promise! I swear with all my life, kidney, and liver!" panata ko para lang makasagap ng chismis.

"Sigurado ka, ha? Hindi mo ipagkakalat talaga?"

Tumango-tango ako sa kaniya. Nag puppy eyes nga rin ako eh para mas effective. Baka makakuha ako ng puwedeng gamiting pangblackmail kay Ingrid din.

"Kung tungkol sa love, ibang-iba ang kuwento namin. Si Ingrid kasi wasak."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Napatakip rin ako ng aking bibig dahil sa pagkakabigla.

"Wasak na siya!? Wow! Wild pala siya eh!"

"Hindi 'yong wasak na iniisip mo! Hahahaha baliw ka talaga niccolo!"

Gusto ko talaga 'yong pagtawag niya sa akin sa pangalan ko eh, ang cute pakinggan hindi nakakasawa!

"Gano'n ba...bakit mo naman kasi sinabing wwasak Iyong choice of word mo kasi..." sabi ko.

Sayang, magandang pangblack mail pa naman 'yon kay ingrid kapag aasarin niya ako kay anna!

"I mean, bigo siya sa dating asawa niya." pag explain niya ng medyo malinaw.

"Asawa? Kasal na siya?"

Tumango-tango si anna pero ang focus niya pa rin ay 'yong sa monitor.

"Oo, maaga siyang kinasal...twenty-two yata siya no'n?"

Twenty-two? Masyado pang bata 'yon para ikasal, ha? Grabe naman excited no'n magkaasawa. Ayaw magpahuli!

"Ang bata niya pa...tapos?" wika ko, lumalalim ang pagka-curious tungkol sa usapin.

"Last year lang no'ng nagfile siya para sa annulment." 

"Bakit? Hindi na niya mahal 'yong lalaki? Abusive ba?"

"Hindi abusive. Atsaka mahal niya 'yon...sobra. Pero kasi...para bang mali lang siya ng taong minahal...parang gano'n."

"Huh? Ang gulo ha! So, hindi niya mahal 'yong ex niya na 'yon?"

"Mahal niya nga ng sobra, eh!" medyo naiirita niyang sabi.

"Sabi mo kasi mali lang siya ng taong minahal, e di hindi niya mahal? Ang gulo mo ha!" pagkairita ko naman.

Oo, crush ko siya pero ang gulo rin niya kausap ha! Bobo na nga ako sa lahat ng bagay pati sa pag-ibig tapos pinapabobo niya pa ako lalo! Tapos wala pang math sa usapan na ito!

"Hahahahaha pasensya na niccolo," malambing niyang sambit.

Aysus, akala niya madadaan niya ako sa malambing na boses? Lambingin niya pa ako!

"Hindi ako tumatanggap ng pasensya na...bahala ka d'yan." pagtatampo ko kunwari.

"Hahahaha ayaw mo ba ipagpatuloy ko 'yong chika?"

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now