Rouge

2.3K 107 0
                                    

"Beta Galvin Pov"

Abala ang lahat sa kanya kanyang ginagawa.

Kahit si Alpha Darius sobrang abala sa kanyang opisina.Hindi rin sya masyadong lumalabas...
Ako ang naatasan nya sa maraming bagay...

Pag pinupuntahan ko sya para sa mga report subsob sya masyado..

Sa pagkakaalam ko naman....
Ng sinilip ko ang mga binabasa nya..
Kung hindi ako nagkakamali,para iyon sa susunod pang tatlong buwan na trabaho.

Sobra ko yung ikinataka...

Papunta ako ngayon sa training ground.

Dahil siguro sa pagiging occupied ng utak ko.Hindi ko agad napansin ang paparating,.

"Beta,anong pinagkakaabalahan ng Aking Luna .??"
Ang Alpha King!!...

Isa pa itong Alpha King sa dagdaging isipin ng Aming Alpha.

"Magandang umaga Alpha King"lumuhod ako at yumuko sa kanyang harapan pakita ng paggalang.

"Ang Aming Alpha ay nasa kanyang opisina...dahil sa ilang araw na hindi nya nagawa ang trabaho.Ngayon nya po hinahabol ang mga taposin ."
Dagdag ko pa dito.

"Pero hanggang kailan??.,ilang araw na syang hindi man lang lumalabas ng opisina.Ganon ba ka importante ang ginagawa nya.,ni kitain ako hindi nya magawa.!!"galit nitong sabi....

Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mata...

Dahil pakiramdam ko,kakainin nya ako ng buhay.

"P--Pag pa-sensya nyo na po ang aming Alpha.,
Nag ka problema po kasi sa silangang bahagi ng Aming pack .
Kaya naman po sinusolusyonan pa ito ni Alpha"
Pag gagawa ko ng kwento dito.

Hindi ko talaga alam ang nangyayari pero mas mabuting pagtakpan ko muna ang Alpha.
At isa pa totoong nagkaproblema sa silangang bahagi,pero malapit ko ng matapos ang problema don...
Sakin pinaasikaso ng Alpha ang problema sa mga bagay nayon.


Umangil ito ..Hindi man lang ako nakapag handa....

Bigla nya akong Sinugod at sinakal.
Namutla ako sa takot,kataposan ko na ba?
Hindi ko pa nakikilala ang mate ko.
Hindi ito maaari.

Nagpumiglas ako sa pagkakasakal nya.
Nang pakiramdam ko'y mauubusan na ako ng hangin...
bigla niya nalamang akong binitawan.Akala ko katapusan ko na.
Grabe ang takot ko...
Anlakas ng tibok puso ko.
Nakakapanghina...

Sa aking Alpha ko lang ito naramdaman dati.

Magkapantay sila ng aking Alpha...Yung kaibahan lang .....
Para syang tripleng si Kamatayan.

5 minuto bago ako nakaalis sa pwesto ko...habol ko ang aking hininga,hawak hawak ko pa ang leeg kong nasaktan...

Iisa lang ang naisip ko ngayon ...
Kailangan ko pang magpalakas...Isa akong Beta,hindi ako maaaring tumayo sa tabi ng aking Alpha kung mahina ako.

Huminga ako ng malalim at dumiretso sa training ground...

May mga deltang nag-iinsayo..

Lumapit ako sa punching bag...

At nagsimulang banatan ito.
Hindi ko ito tinantanan hanggang hindi ko masira ito.Inisip ko na kalaban ko ay mga masasamang rouge.
Na kumitil ng buhay ng mga magulang ko.....

"Beta!pumunta po kayo sa kanlurang bahagi ng hangganan.
.may problema tayo.!" Delta.

Dali dali akong tumakbo papuntang sa lokasyon na minidlink ng isang Delta..

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now