Joncelle

2.1K 102 1
                                    

Nakarating ako sa aking papatunguhan,malayo-layo palang ako ng makita ko ang mga napinsalang bahay...

Hay...
Mga aksedinte nga naman walang pinipili..

Sa hindi kalayuan nakita ko rin ang mga bagong gawang bahay...

Hindi ako nagkamaling,piliin si Galvin sa pagiging Beta.
Talagang maaasahan sya...

Una kung pinuntahan ang mga nasunog na parte...

Bumigkas ng mahinang  salita ng mga natutunan ko sa aking Grandma.

Ilang araw lang , magiging maganda na ulit ang parting ito.


Napagpasyahan ko namang puntahan ang mga bagong tayong bahay..

Hindi pa man ako nakakalapit..
Sinalubong ako ng isang batang,naka costume.

Na ikinasalubong ng kilay ko..

"Alpha! Alpha!!"tawag ng isang batang lalaki na ,may balahibo sa taas ng ulo.Sa damit naman nito
Tila ba'y taga tribo.

"Alpha,mag shift po kayo."nakangiting  sabi nito.

Umupo ako para pantayan ko sya.

"Bakit bata?"tanong kong wala man ngiti sa labi ko.

"Alpha,idolo po kita!!,sabi po kasi ng mama ko,super hero daw po kayo.Lalo na po pag nag shift po kayo."

Superhero???..may bigla akong taong naalala...
Napailing nalamang ako.
Pare baliwalain ang nasa isip ko.

"Alpha, ayos  lang po ba kayo??"
Makasalubong ang kilay nito,at may nagtataka sa mukha.

"Oo naman,ayos lang ako"

"Pero bakit po kayo umiiling?"

"Tss,...anong pangalan mo?malumanay kong tanong.

"Ako po si Joncelle,,...ang gwapo,ang astig at number 1 na tagahanga nyo."Napangiti ako dahil sa nakulitan nito ,wala din syang ngipin sa unahang bahagi,samadaling salita ,bungi sya.

"Hindi ba itinuro ng mga magulang  mo huwag mag sinungaling??"

"Huh?Pero hindi po ako nagsisinungaling...nagsasabi po ako ng totoo."inosenting sagot niya

"Sigurado ka?"dagdag ko pa dito

"Opo,.."kita ko sa makulit nyang mukha ang pagiging determinado nito.
Hahahaha...

Nakatingin lang ito saking mga mata ng deretso,...pero naluluha narin mata  nya...
Nakakahangang bata.

"Hahahaha,Hahahaha ... nakakatuwa kang bata ka.
Ok,naniniwala na ako sayo."

"Talaga po,ako na po ngayon # 1 fan nyo????"

"Oo na.sige ikaw na bata"

"Yes!!!!"tumalikod ito at nagulat ako sa susunod nyang ginawa.

"Hoy!!kayong mga bata!ako ang # 1  fan ni Alpha,..mainggit kayong lahat!!!"

Sigaw niya sa mga kalayo-ang mga bata...
Tss,saan nya kinuha ang malakas na boses niya.sa liit nyang yon.
Nasusupresa talaga ako sa mga pinag gagawa ng batang ito...

Nagshift ako habang nakatalikod siya.
Umangil ako ng kaunti..para tawagin ang atensyon niya.

Unti-unti naman itong humarap.

"Wow,..Alpha.Ang laki nyo....ang ganda ganda nyo po.."
Hinawakan nya balahibo ko...
At yumakap...

" Alpha,pwedeng pasakay...?"
Nakatingin lang ako sa mata nya at umangil ng kaunti...

Umupo ako at dumapa para makasakay sya.

"Yes..!!!"magiliw na sigaw nito.

Ng makaayos na sya ng sakay...Dahan dahan akong tumayo.
Ang higpit ng hawak nya,.. napangisi tuloy lalo ako...

"Woohoo.!!,ang galing...ang taas ko na.!,"

"Alpha,pwede po kayong tumakbo?sabi po kasi ng kalaro ko,ng sumakay daw sya sa likod ng wolf ng Papa nya.Sobrang saya daw po.Pakiramdam nya po lumilipad daw po sya."

Dahan dahan akong tumakbo,hindi ko pwedeng bilisan dahil baka mahulog ang bata..

"Yey!!,ang saya... haha haha,totoo pala talaga ..salamat, Alpha"biglang yakap nito..sa likod ko...

Pasalamat nalang ako at hindi sya nahulog..... napahinga ako ng maluwag...

Hay... Ang kulit..

Nakarating kami sa bahaging mga bahay...

Unti-unti din nag silabasan ang mga taong lobo mula sa mga tahanan nila.


"Alpha,magandang araw po"
Sabay tungo nito,bilang paggalang

"Lolo!!!..nandito po ako,hanapin nyo po ako.!."makulit na sigaw ng batang makulit na si Joncelle sa likuran ko.

Nakatinginan ang mga taong lobo.
Nakikita kong naghahanap ang mga mata nila.

"Si Joncelle ba iyon?"
Tanong ng isang may edad na ginang.

"Oo nga po Lola,si Joncelle nga iyo."sabi ng batang tingin ko kaedaran ni Joncelle
..

"Apo,nasaan ka??., Nandito si Alpha.Magpakita ka muna,mamaya na ang laro."

"Haha haha,nandito po ako"

Napailing nalang ako sa ginagawa ng batang ito...

Umupo na muna ako at dumapa...
Para makita nila si Joncelle

"Jon--Joncelle!??,ikaw ba yan?!

Nako,
ang kulit mong bata ka.Halika nga rito...
Kinulit mo ba si Alpha?,nakakahiya kang bata ka...
Humingi ka ng tawad,ngayon na.."

Umalis muna ako saglit...
Nag shift muna ako...at binigyan naman kaagad ako ng damit ni Lytania,na akala ko,umalis sa tabi ko kanina pa.

Ng matapos akong magdamit ,muli akong lumapit sa mga taong lobo.

"Huwag kayong humingi ng tawad,wala po iyon.Nakakatuwang bata si Joncelle."

"Ganon po ba?,salamat po."nakahinga ng maluwag ang matanda...Na kanina'y balisa ang mukha.

"Lolo ang saya   ko po,sabi ni Alpha,ako ang # 1 fan nya.. at totoo po ang sinabi Nina mama superhero po sya.Ang bilis bilis nya pong tumakbo,parang lumipad po kami.at ang lambot po ng balahibo ni Alpha."

Napatingin sila sa batang si Joncelle..at napatingin din saking pwesto...

Gulat at hindi makapaniwala ang mga reaksyon nila..


Napailing na lamang ako sa kakulitan nito.
Hay .....bata nga naman..























































Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now