Reason

1.5K 78 5
                                    


"Ano,tatayo ka nalamang ba..?,kung ako sayo susuko na ako,dahil sa territoryo ko,hawak ko ang lakas ng buong lugar na ito.."

Iniikotan niya ako,habang may dala dalang patalim..

Malapit na na katapusan mo halimaw , maghintay ka lang...

Napangiti ako  ng matalim na nakatingin sa kanya..

"Nagkakamali ka..Hindi mo  ito territoryo,kundi lugar ito ng mabuti kong lola at Ina."sabay kinontrol ko ang mga ugat ng mga punong nakatanim na sa paligid niya..

Nabiyak ang lupa at mabilis na umalsa ang mga ugat...

Sa hindi niya inaasahang pagkakataon
Itinali ko sa buong  katawan niya ang lahat ng ugat ,..

Naririnig ko ang pag tawag niya sa kanyang kapangyarihan..

At hindi ko inasahan ang kanyang balik na pag atake.

Lumipad ang lahat ng gamit at ibinato sakin,may ilang napigilan at naiwasan ko , pero may nakaligtas upang ako'y may matamong sakit sa katawan..

Ang kapalit ng paggamit ng mahika ang hindi mabilis na paggaling ng mga sugat at pinasala sa aking katawan.

Narinig ko ang pagtawa niya..
Nasugatan ako sa mukha,at naging Pula na ang paningin ko sa isang mata...

Halakhak niyang nagpapainit lalo ng dugo ko ang umalingaw-ngaw sa paligid

"Ano bata akala ko ba malakas ka na..ito pa!!"muling may tumama saking likuran...
.Pero hindi ko makita kong saan nagmumula..at kung anong klaseng  umaatake saakin..
Dahil wala itong kaanyuan at presensya..

Napaluhod ako ng matamaan ako sa likod  ng dalwa kong tuhod,parang kutsilyo itong matalim...

Napangibit ako ng maramdaman ko ulit iyon sa kanan kong dibdib..
At muli may tumama saakin sa likuran,tumagos ito sa aking gitnan dibdib.

Napahiga ako sa sahig...
Alam kong naliligo na ako sa sarili kong dugo..

Kahit puno ng pinsala ang aking katawan,nagawa kong  igalaw ang nanakit na katawan at tumayo..
Muntik pa akong matumba sa aking pag hakbang buti nalang naibalanse ko ang aking katawan..

Anong kapangyarihan ang taglay na gamit niya??

Ipinikit ko ang mga mata ko ,sa pamamagitan ng tunog na nagmumula sa hangin, pinakiramdaman ko ang  paligid,nakita ko kong saan iyon magmumula..

Pinahaba ko ang  aking kuko.Mabilis kong nasangga ang iba,pero hindi ko na iwasan ang iba pa,na muling ikinabagsak ko sa sahig..

Narinig ko ulit ang pagkilos ng  sandata niya,mabilis kong itinaas ang mga mga baging. At ginawang pang harang pero agad itong nasira,naputol lang mga ito sa lakas ng sandata  nito.

"Naitali mo nga ako dito,pero hindi mo ako mapipigilang  kontrolin ang mga bagay"sabay tawa ng malakas

Napatigil siya sa pag tawa ng hinigpitan ko ang pagkakagapos niya..

Ako naman ang napangisi
...

Pero muli akong napangiwi ng may maramdaman akong tumama sa tyan ko...

Tumayo ako,isa lang ang dapat kong gawin..

Pikit mata ko itong iniwasan,umatras at umiwas ako hanggang sa umipod sa nasa likuran ko na ang babaeng halimaw na na pinupuluputan ng baging ko.
Hinintay ko ang pag lapit nito sa aking pwesto,at ng alam kong tatama na saakin

Mabilis akong umiwas ,rinig kong  ang pagdaing niya sa sakit.
doon tumama sa babaeng halimaw..
Hindi ako nagkamali ,mga kutsilyo ngang invisible  na patalim  ang kanyang nakukutrol nagpakita kasi ito ng anyo ng tumama ito sa kanya....

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now