The Beta Female

3.6K 144 0
                                    

Malalim ang iniisip ko ng may biglang  kumatok,..

Hindi ko mapigilang mapabungtong hininga.

"Pasok"

Pumasok ang isa sa mga Delta,at may kasama siya...
Maganda at astig na babae...

Yumuko sila bilang paggalang.

"Alpha ,siya po  ang Beta ng Black Solemnia pack,.."

"Sige,pwede ka nang umalis"sabi ko sa aking Delta.
yumuko naman ito,bago umalis

Hinintay ko siyang makalabas  bago mag salita sa bagong dating...

"Ako  po si Alpha Darius Kenn Kendreed .Alpha ng pack na ito.Ikinagagalak kitang makilala,.."naglahad ako ng kamay

Ngumiti siya,at kinamayan ako.

"Ako si Jade Silva,ang pinaka magandang na nilalang na nilikha na Beta ng Black Solemnia pack,"  sabi nito na nakangiti napangiti nalang din ako sa pagiging magiliw niya

Bago umupo sa upuan na tabi kong table.

Napakunot ang noo ko,hindi kaya niloloko lang ako ng babaing Ito?baka naman kasi hindi talaga beta ito,..

Sa pagkakaalam ko kasi,seryoso at hindi marunong magbiro ang Beta ng Black Solemnia pack,ayon sa pag-aaral ko.

"Maaari ko bang malaman kung nasaan ang kapatid kung walang kwenta??"
Napa tanga ako sa pag kakasabi niya

"Huh?sino??"takang tingin ko dito.

Ano bang sinasabi niya,at sinong kapatid?hanapan na ba itong Pack namin??
Pagkatapos nito.Kailangan kong makausap si Beta Galvin.Baka kung sinu-sino na ang nakakapasok sa pack namin hindi ko pa alam.

"Si Venedict,ang kuya kung talunang aso"maarte nyang sabi , sabay irap

Bakit ganito ang Beta na Ito?Hindi ba parang sobra naman yata siya.
Pero nakakuha ng atensyon ko,.
Kapatid nya pala ang Alpha King..

Tumikhim muna ako..

"Ang  Alpha King,ay nag papahinga ,sa isa sa mga silid namin dito sa pack house."

Mag sasalita pa sana si Beta Jade ng
naputol ang sasabihin niya,na pabalyang bumukas ang pinto...

Sa lakas nito pareho kaming nabigla ni Beta Jade,akala ko'y bibigay ang aking pintuan, nag karoon ito ng bitak sa pader.

Huminga ako ng malalim at inisip na kailangan ko siyang respetuhin  dahil siya ang Alpha King.Kahit na sinira nya ang ganda ng pader ko na ako mismo ang nag desinyo.

Napabungtong hininga nalang ako,sa mag kapatid na Ito.

"Anong ginagawa mo dito, babaeng bubwit ??"
Asar na usal ni Alpha King.

Napa irap naman si Beta Jade

"Para gisingin ka sa kahibangan mo,nag kakagulo na sa kaharian sa pagkawala mo,tapos ikaw uumpph"sa isang iglap tinakpan ni Alpha King ang bibig ni Beta Jade.

Nagtaka ako biglang pagkilos ni Alpha King... siguro nga , sobrang sikreto at hindi pwede marinig ng iba  ang problema tungkol sa palasyo.

Kinaladkad ni Alpha King si Beta Jade,habang tinatakpan parin ang bibig palabas ng opisina ko.

Ng kalabas sila,saka lang biglang tumahimik  ang buong lugar.

Umupo nalang ulit ako sa upuan at sumandal.... sigurado naman babalik  sila.Pero sa ngayon, kailangan ko ng katahimikan

Lumampung minuto ang lumipas,bumukas muli ang pinto,at nag iisa lamang pumasok si Alpha King.Nasan na kaya si Beta Jade?.

Lumapit ito sa akin,at umupo sa isang sofa,na pinakamalapit sa aking lamesa

"Pasensya ka na sa kapatid ko aking Luna.huwag mo na syang intindihin."

"Alpha King,pasensya narin po ha kung itatanong ko ito,pero mula sa narinig ko  Kay Beta Jade,nagkakagulo  sa palasyo,hindi po ba kayo,nag aalala?"

Ngumisi lang ito na para bang biro lang ang sinabi ko...

"Huwag mong intindihin iyon aking Luna,sa ngayon gusto ko munang mag pagaling kasama mo."

Teka,ibig sabihin magtatagal pa sya dito??

Paano naman ako ha?

Parati nalang ba syang aasikasuhin ko?may trabaho din ako.
Ayos lang sana kong siya nag papahinga lamang sa pagamotan,pero sa palagay ko hindi mangyayari iyon.

Lalo pa't gusto nya akong maging Luna.At hindi yun maaari dahil,isinilang akong Alpha at dapat mamamatay lamang akong isang Alpha.
Isang araw palang syang nandito,pero gusto ko ng dumistansya sa kanya sa ilang.

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now