His Pack Member

2.2K 108 0
                                    

"Beta Galvin Pov"

"Grabe si Serenity noh?,pasalamat sya  mabait si Alpha"Delta 1

"Oo nga eh,nagawa pa nyang sugurin ang Alpha kanina,kung ako don kay Alpha lagot yun sakin,hindi ko sya sasantuhin kahit pa babae pa sya at omega"Delta 2

"Hoy!mag sitahimik nga kayo.Naturingan kayong mga lalaki,dinaig nyo pa ang mga babaeng nag chichismisan  don sa likuran ng bahay.."Delta 3

"Pare wag mo naman kami Itulad sa mga chismosa."Delta 2

"Pare,mahiya nga kayo kasi nandyan si Beta sa likuran nyo."Delta 3

Sabay sabay lingon sa pwesto  ko ang mga kanina pang nag uusap na mga Delta...

Hinihintay ko ang Alpha dito sa training ground,Dahil gusto daw akong makausap.
Ayaw ko man ewan ang mate ko.Ngunit kailangan ako ng Alpha.
Kanina pinapunta ako ng Alpha sa Green house,..
At doon ko na abutan ang mate ko na nakaupo at hawak hawak ang kambal.
Nakayuko ito at ayaw humarap sakin.
Alam ko may problema,pero parang ayaw nitong ipaalam.

Dahil hindi pa kami nag mating.Hindi ko mabasa ang kanyang isipan...

Hindi mapakali si Asher,sya ang wolf ko.
Gustong lumabas ,pero pinigilan ko.Ramdam nya na may maling nangyari sa mate namin.
Kalmado ang mukha at kilos ko..
Pero sa kalooban ko ay para ng binabagyo.

"Alpha"
Bati ng mga Delta

Napatingin ako sa aking Alpha...
Yumuko din ako.

"Nasaan ang Mate mo?"Alpha

"Nandoon po sya sa aking tahanan at nagpapahinga."nagtatakang sagot ko.

"Alam mo na ba?"

"Ang ano po Alpha?'

"Ang ginawa ni Serenity sa mate mo"

"Anong ibig nyong sabihin?"ako na naguguluhan at kinabahan

"Kanina hindi kita pinapunta sa punishment hall,.
Ang totoong dahilan nyan ay inilalayo kita kay Serenity"

Tahimik akong nakikinig sa susunod na sasabihin ng Alpha.

"Sinaktan ni Serenity ang Mate mo.Tinangka nya rin paslangin ang isang sanggol."

Dumilim ang paningin ko sa narinig..
Lalong nagpupumiglas lumabas ni Asher.Kumulo ang dugo ko sa galit...

"Kumalma ka Asher,alam kung gusto mong ipaghiganti gamit ang sarili mong paghihiganti.
Huwag kang mag alala ,inalisan ko na sya ng posisyon at pinatalsik sa ating pack."gamit ang maoturidad na tono nito Bilang Alpha.
Kaya nag tago sa sulok si Asher na nag wi-whimpered.
Kaya nakabalik ako ,..

"Pagpasensyahan nyo po si Asher,humihingi ako ng tawad."yumuko ako..

"Naaiintindihan kita,bumalik ka muna sa mate mo ngayon,ako na muna ang bahala dito.
Isang linggo ang iibigay ko sayo.Sulitin mo."

Lumiwanag ang buong mukha ko.
Pansamantala kong nakalimutan ang problema at galit na nararamdan ko.

"Talaga po!, maraming salamat po,Alpha!!
yes!"parang bata kong pagsasaya.
Ng napatingin ako sa paligid ko,nakaramdam ako ng hiya.

Maraming Delta ang nakatingin pati narin si Alpha.

Tumikhim muna ako.
At muling nag seryoso.
"Alpha,salamat po.Aalis na po ako."
Yumuko ako sa harap nya.

Tumango lang ito sakin.

Sa sobrang excited ko.Tumakbo ako pauwi.

Mis ko na agad ang mate ko.
Pati ang mga  baby  namin..

Napagpasyahan ko narin kasing ituring namin na anak namin sila...

May ngiti ako sa labi habang pauwi.
Maraming plano ang aking naiisip.
Salamat sa Alpha at wala na ang babaeng iyon.Kung hindi,hindi ko maiwasang ako mismo ang papaslang sa kanya...






"Alpha Darius Pov"

Lahat kami sa training ground ay  na patigil sa kakaibang inakto ng aking Beta.

Napangisi at napailing nalamang ako.

"Kayo,pagbutihan nyo ang pag tatraning nyo."

"Masusunod Alpha"
Sabay sabay nitong mga tugon.

Iniwan ko silang lahat don at tumungo naman ako sa  taniman,para icheck kung anong lagay.

Dahil malayo layo ang taniman,ginamit ko ang kakayahan ko sa bilis gamit ang wolf form.

Nakakatuwang isipin na nandito parin ang mga myembro ng Black Solemnia Pack.
Magkasamang nagtutulungan at nagsasaya ang bawat isa.

Para bang matagal na silang magkakakilala kung magturingan.

"Alpha,magandang araw."sabi ng isang nakangiting batang babae

"Magandang araw din"

"Gusto nyo po ba?"alok nitong bagong pitas na mangga

Hindi ako palakain ng mangga,pero tinanggap ko na rin ito.

"Salamat" matamis na ngumiti ito sakin.
Sabay takbo papuntang taniman mukhang bumalik ito sa kanyang kasamahan at itinuro ako.

Lumapit sakin ang ilang  mga nakakatandang namamahala sa taniman.

Yumuko sila pag lapit.

"Alpha,salamat po sa pagpunta dito"sabi ng isa sa mga lumapit

"Salamat din sa inyo,kung hindi dahil sa inyo,hindi magiging masagana ang ating pananim."

sagot ko Kay  Mang Koren,isang omega.At sa tingin ko apo nya ang batang babaeng nagbigay sakin ng mangga..

"Karangalan namin Alpha.Ito lamang ang aming ma ihahandog na kabayaran sa  pagpapasalamat sa magandang lugar na binigay nyo saamin."si Mang Nelson isa din omega.

Sila ang mga naliligaw at walang matirahan.Nong panahon na maging Alpha ako.Mas pinili ko nalang na isali sila sa pack.

Masasabi kong naging masaya sila sa pagtanggap ko sa kanila bilang myembro dito sa pack.

Muli kong inikot ang aking paningin sa aking paligid ,
salamat sa diyosa ng Buwan biniyayaan nya  kami ng masagang kapaligiran...
























Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now