Nobelliarna Pack

3.4K 137 2
                                    

Napakasarap  sa pakiramdam,napaka gaan,parang nasa ulap ka...
Ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko,dati naman tuwing  gigising ako sa umaga hindi ganito ang pakiramdam,pero ngayon parang kompleto at kontento ang pakiramdam.


Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.Isang itim at puti kulay ng silid ko ang bumungad sa akin.

Napatitig ako sa aking painting na nakasabit sa pader ng silid.

Tapos umunat ako,pero hindi ko nagawa,may pumipigil sa baywang ko.Kaya napatingin agad ako don.
Isang matipunong braso ang nakayakap sakin.

Dali-dali kong nilingon..

Ano to?!!!
Ano ba? hanggan dito ba naman?
Parang tuko.
Paano sya nakapasok dito sa silid ko ng hindi ko namamalayan.

Isa na nga ba itong abngungot?!!

Umasim ang mukha ko sa isang iglap.
Akala ko  masamang panaginip lang ang lahat pero yun pala tunay.

Napabungtong hininga nalang ako.
Alam ko namang hindi ako makakaalis dito eh.

"Alpha King,gising na po kayo."
Umungot lang ito.At lalong humigpit ang yakap nito.Kung normal lang siguro akong tao, mauubusan ako ng hangin  sa higpit ng yakap nito.

Sinubukan kong kumawala sa yakap nya kaya lang ,wala eh....pinahihirapan ko lang sarili ko.

"Alpha King,maaari nyo na ba akong bitawan.May trabaho pa kasi ako ngayon."pakiusap ko dito.

"Limang minuto pa,aking Luna."
Inaantok pa nitong sagot.

Naaiintindihan ko naman sya eh, kailangan pa nyang magpahinga,pero ako,kailangan kong mag patrol.









"Alpha King"may asar sa tono ng boses ko.

"Hahaha...Oo na,sige na makakaalis ka na"
Pinaglalaruan ba nya ako?tss.. hindi ka lang Alpha King,kanina pa kita pinatulan at sinapok.

Tumayo na ako,at walang lingon lingon dumiretso na ako sa CR
Kinandado ko ang pinto at naligo ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin

lumabas ako ng CR ng walang damit ..

Ng biglang may nagsalita...

"Ang sexy mo aking Luna"

Natuod ako bigla at dahan-dahan napalingon.....
Nakahiga siya sa kama ko,na nakapalumbaba ang isang kamay sa pisngi nya at nakatingin sakin.

Nagtaasan ang dugo ko sa mukha.Ano bang ngyayari sakin,normal lang ito.Bakit ako nahihiya???...

Kaming mga taong asong lobo ,pagkami nag shi-shift  nasisira mga damit namin.Kaya wala akong dapat ikahiya.

Binawaliwala ko ang pagkakahiya ko,bakit ko naman kasi nakalimutan na may kasama ako sa room ko.

"Maraming salamat sa inyong pag-puri Alpha King."tumango ako sa kanya bago dali daling  pumunta sa silid damitan at kinandado ang pinto muli...

Ay grabe ano ba namang  nangyayari sa unagang ito .
Parang buong mag hapon masisira na rin




"Alpha,magandang umaga"bati ng isang pack member habang nagpapatrolya ako.

"Magandang umaga din,Celisty, kamusta na po pala kayo.?"

"Mabuti naman,bukod sa mga pasaway na bagong alaga ko,sa tingin ko ayos lang naman."

Ngumiti ako,at magalang na nagpaalam.

Isa sya sa mga matatandang mga nag alaga sakin nong panahon na walang gumagabay sakin,ang aming lugar ay masasabi kong isang tagong  paraiso,may sarili kaming  talon ,taniman ng mga bulaklak ,malapad na mayaman  na kagubatan and marami pang ibang tanawin.At ang mas pinaka tagu naming yaman  ang aming buong Pack,ang samahan ng bawat isa samin.Mga tapat at mapagmahal sa bawat isa.
Pero minsan hindi maiiwasan  na may mga nagagalit sa rouge.

May iba naman kasing rouge na bigla nalang na nanunugod ng aming pack member.

Ilang mga pack member ko pa ang naka salubong, may mga bumati at may mga nag rereport tungkol sa mga nangyayari,sa araw-araw..

"Alpha,ito ang bagong report tungkol sa mga ani natin ngayong buwan."

Kinuha ko ang papel,tiningnan ko ito binasa

"Hmm,sa nakikita ko,masasabi kong ,tumaas talaga ang ating ani, magaling, salamat sa inyo"

"Walang ano man , Alpha.Ginagawa lang namin  ang aming trabaho."sagot ng isang  sa mga omegang pack member.

"Sige,kailangan ko ng umalis,"paalam ko sa kanila.

"Sige po Alpha."yumuko sila tanda ng pag papakita ng pag galang

Ito ang araw araw kong trabaho,bukod sa namumuno.Nag patrolya din ako sa buong Pack.ako mismo ang tumitingin ako sa lahat,gusto ko nakikita ko ang pang araw araw na buhay ng pack.
May pagkakataon din namang hindi ko na pupuntahan ang lahat ng parte ng pack ngunit nandon ang aking Beta upang siya ang tumingin para saakin

Nakarating ako sa Training ground

Bumungad sakin ang  aking Beta na tini-train ang mga bagong Delta. Kailangan namin itong gawin,kung hindi matatalo kami kung sakaling lusubin kami ng aming mga kaaway.

















Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now