Special chapter

1.7K 83 14
                                    

Tulad ng inaasahan ko,may  ginawa na naman si Vin.

Tila wala ng dignidad na itinitira sa kanyang sarili

Ako ang nahihiya sa kanyang pinaggagawa.

"Aking Luna,pansinin mo na ako.Patawad na ,pero hindi ako hihingi ng tawad sa pagpaparusa sa hampaslupang nilalang na iyon."
Nanggigil pa siya sa huli niyang sinabi

Nakasimangot at tila wala ako sa harap niya

Pabulong bulong at patuloy na minumura ang kawawang inosenteng  binata na nag tanong lamang ng kong saan matatagpuan ang klinika ng pack.
Malamang isang panauhin siya sa Blue moon Festival.

Sa Laking tao nito,naiisip ko tuloy kong talaga bang spirito ng tamang edad ang nasa katawan niya.
Para kasing bata ang laman eh.

Muli napahilot ako sa sintido sa pinaggagawa niya.
Pinipigilan ko lamang ang aking sarili upang hindi  sumabog sa inis sa harap ng maraming panauhin kanina.Gusto ko na siyang saktan at bigyan ng leksyon sa mga pinaggagawa niya.

"Hindi parin tama ang ginawa mo,kontrolin mo naman ang sarili mo...

Hindi lahat ng lalapit saakin,para makipag usap ay karibal mo."

"Ikaw ang hari,ilagay mo ang sarili mo sa tamang pwesto,at maging mabuting halimbawa ka sana sa kanilang iyong nasasakopan,.

Sa ginawa mo, muntik ng masira ang moon festival,hindi mo alam kong gaanong kahihiyan ito"may inis at diin kong sabi sa kaniya.

Lalong kumirot ang sentido ko,

Napaupo ako sa kanina kong upuan dito sa loob ng Nobelliarna Pack house.
Nahihilo ako...at lalo pa itong tumindi dahil sa Alpha King na gumawa ng eksena sa pagdiriwang.

"M--may masakit ba?"tumayo siya at akmang lalapit siya sa akin.

Galit ko siyang binalingan ng tingin.

Napatigil siya agad.

"Ano sa tingin mo?"

Mabilis siyang lumapit saakin.
At hinawakan ang mukha ko,upang tingnan.

"Namumutla ka,Hindi ka ayos"sabi niya

May sasabihin Sana ako , ngunit napatigil din agad ako sa ginawa niya.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong buhatin kaya napahawak ako ng mahigpit sa kanyang damit.

Sa gulat ko hindi ko napigilan na hampasin siya sa pagkabigla.

"Ibaba mo ako"wala sa mood kong utos

"No,hindi ko iyon gagawin.Kailangan mong napatingnan sa pack doctor."
Seryoso niyang tono

"Hindi na kailangan,kaya ibaba mo na ako.Mas higit kong kilala  ang aking katawan."

"Aking Luna,Kahit ngayon lang,pakiusap sundin mo  ang  nais ko.Hindi na normal iyong karamdaman ngayong nagdaang araw."dagdag pa niya

At  paano niya nalaman?

"Tch"kainis , sumandal nalang ako sa kanyang dibdib.
Ang init ng kanyang katawan...

......

Wala sa mood akong nakatingin sa labas ng bintana ,nandito kami sa pack doctor.
Ibang doctor ang nandito.
Siguro ba baguhan .

Kasalukuyan niya akong sinusuri sa aking nararamdaman at may ilan mga katanungan siyang itinanong saakin.

At naiinis akong tingnan si Vin,nasa tabi ko lamang siya.
Hawak ang aking kamay.

Nararamdaman ko ang kanyang nararamdaman na kaba at pagkabahala.
Gulong gulo din ang kanyang buong kaisipan.Na nakalimutan niyang itaas ang harang.
Nababasa ko tuloy lahat ng naiisip niya.

Unti-unting nalulusaw ang kanina kong nararamdaman na inis sa kanya dahil sa kanyang pag aalala saakin.

Pero ayaw kong ipahalatang hindi na ako galit sa kanya.

"Mahal na Luna Queen at Alpha King,natapos ko na po ang pagsusuri."

"Kong ganon,ano pang hinihintay mo.Sabihin mo na."hindi maipinta ang kanyang expression

"Binabati ko po kayo , kamahalan.
Nagdadalang tao po ang mahal na Luna."
Sabi ng pack doctor

Nagkatinginan kami ni Vin.
Ilang minuto ang lumipas nawala na ganon ang aming reaksyon.
Maya maya pa ay nagulat nalang ako ,sa mabilis niyang pagyakap saakin ng mahigpit.
Naramdaman ko ang panginginig niya.

"Ma-maiwan ko na po kayo kamahalan"nauutal at tila naiintindihan ng pack doctor ang lahat.Siguro gusto niyang bigyan kaming space at oras para mag usap kami ni Vin sa aming narinig na resulta.

Ngumiti lang ako bilang sagot.
Umalis na ito .

Kay Vin ko naman itinuon ang atensyon ko.

May hinala na ako,pero hindi ko pa nakukumpirma.

Hinagod ko ang likod niya , naramdaman ko ang mabigat at naghahabol niyang hininga ,mukhang kinokontrol niya ag kanyang sarili.

Hinayaan ko na ganon nalang siya at wala akong planong magsalita.
Wala akong gustong sabihin.

"Masaya ako"mahina niyang sabi
At sumasabay ang boses ni Jasper

"Hmm"sagot ko

"Akin ka ,akin."madiin niyang sabi

Hay ito na naman,nagsimula na naman siya.
Nangyari din ito nong una niyang nalaman na dinadala ko ang kambal.
Nagiging over protective at possessive.

"Jasper,sa inyo ako ni Vin.Kaya pakiusap huminahon ka."para kasing bigla nalang lalabas ang pangatlong anyo niya.

Narinig ko ang paunti unti niyang pagkahinahon ng paghinga.Ngunit di parin nababago ang bilis ng tibok ng puso niya

Ang mainit niyang hininga ay lumapat sa leeg ko.
Na nag bigay ng mainit at nakakakiliting  pakiramdam saakin.

"Vin,tumigil ka."pigil ko. Sa kanya
Umaatake na naman pagiging napag angkin niya.

Ngunit hindi parin siya tumigil,kaya itinulak ko siya para magkadistanya kami.

Ayaw kong makaharap ang ganitong side niya,baka mapunta kong saan eh.
Mas gusto kong makausap niya ng matino at walang halong mapaglarong side niya.

Akmang lalapit naman siya kaya umiwas na ako.

"Vin,pag hindi ka umayos . Hinding hindi ka makakalapit sa akin ng ilang linggo."
Pagbabanta ko sa kanya

"Aking Luna,wag mong gawin saakin iyon.Gusto kong magkalapit tayo.Wala akong tiwala sa mga nilalang na lumalapit sayo."napangisi ako.

Yan na naman siya, kahit kailan talaga,kakaiba siya.

Pero kahit ganito siya,ito ang minahal kong side niya.

At hinding hindi ko kailan man,nanaisin ipagpalit ang kakaibang  buong pagkatao niya kong bibigyan ako ng pagkakataon baguhin ang buhay ko.
Siya at siya parin ang pipiliin ko.

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now