Chapter 7

36 2 0
                                    

I am currently choosing what to wear that night because I am going to attend a birthday party. it is the birthdate of Alice. We are going to have a dinner party in one of the restaurants around Taguig. Susunduin naman ako ni Chi dito sa condo ko with of course, Ethan. 

After a long few minutes of contemplating on what I should wear ay I chose the plain black puff sleeve mini dress paired with a beige heeled sandal. Since she said the dinner party will be simple and intimate. Obviously family and friends are the only ones invited to it.

After getting ready ay I started packing my things on the small shoulder bag that I got from my sister.  Ang mga nilagay ko lang naman ay ang yung phone, small powerbank, wallet and some makeup. Kumuha narin ako ng overnight bag ko para doon ko naman ilagay yung mga gamit ko para pag-tulog ko kala Alice.

Nagulat ako dun sa biglang pag-tunog ng phone ko. 

From Chi. 

Girl, we are here na ☺

After reading her message, I immediately got up to put on my last accessory to wear. After that, I got down to the lobby to see the car Chi will be using. Mabilis kong nakita yung gagamitin ni Chi dahil ayun yung sasakyan ni Ethan. Mabilis akong pumasok sa sasakayan at agad naman pinaandar ni Ethan ito. 

"Girl, I heard what happened with your org." Chi stated. Napatingin ako sakanya dahil hindi ko ineexpect na malalaman niya and tungkol rito. I mean, she is studying on UP when I am on Ateneo. Hindi ko nakukuha kung paano aabot yung tungkol rito. 

"Saan mo naman nakuha yang information na iyan?" Tumatawa kong tanong rito habang nakatingin sakanya. 

Tumawa muna ito ng tumawa. Halatang ayaw sabihin kung kanino niya nakuha yung information. 

"Hindi nga, saan mo siya narinig?" Seryoso ko ng tanong rito. 

Kaya naman napatingin narin ito saakin. "Kay Joshua." Simple nitong saad. Napatitig ako sakanya sa narinig ko. 

"Joshua, as in yung best friend ni Connor?" Ulit ko rito. Tumango naman ito bilang pag-sabi na oo ayun nga. Nagulantang ang buong pagka-tao ko sa narinig ko. "You still have a communication with him?" Hindi ko napigilang itanong. 

"Diba it doesn't mean naman na just because I broke up with his best friend ay hindi ko narin kakausapin si Joshua. I mean, I formed a friendship with and sayang naman kung sasayangin diba." She casually stated. "Also, I think hindi rin alam ni Connor n may communication pa kaming dalawa ni Joshua." Dagdag nito. 

Hindi ko na dinugtungan pa kasi totoo naman, wala namang mali if she still has a formed communication with him because they are friends. 

Muntik na kaming ma-traffic papuntang Taguig dahil sa meron palang nangyaring aksidente doon kaya naman natagalan kami sa byahe. Nang dumating kami ay nag-sisimula na yung party. 

Malayo rin kasi ang SM Aura, pero hindi na ako magrereklamo dahil makikain na nga lang ako. Also hindi naman ako yung nagda-drive. 

"Ang tagal niyo talaga kahit kailan!" Naiinis na yung mukha ni Alice nang makaupo na kami sa upuan. Tumabi ako kay Reah habang sila Chi naman ay dun sa isang table kasama ng mg friends nila. 

"Meron palang na-aksidente dun sa daan. Sobrang na-traffic kami dun" Dahilan ko, kasi totoo naman talaga na because of the accident kaya kami natagalan. 

Tumango naman si Alice sabay alis narin to entertain her other relatives. They are now waiting for their food while I ordered one for me. While looking over the menu, the cravings suddenly hit me for a burger and an onion ring. With that, I ordered one with a ripe mango juice. 

Mabilis naman dumating ang pagkain kahit papaano. Hindi na muna ako nakipag-usap sa mga kaklase namin. I am currently concentrating on my food. 

"Mace, kamusta na nga pala si Tita?" Concern na tanong ni Kit saakin nang matapos siya ng kinakain niya. 

Nagkibit-balikat muna ako bago ako sumagot sa tanong niya. 

"Hinihintay nalang namin yung pagpayag ni Papa then ipapasok na ulit sa ospital. Yung Papa ni Chi, may kakilala na pwede tumingin kay Mama pagkatapos doon na namin titingnan kung anong mangyayari. Pero gusto na namin ipasok na ulit si Mama sa ospital pero sabi kasi ni Papa pag-iisipan niya daw muna." Saad ko rito nang hindi tumitingin sakanila. Tumango naman yung mga classmates namin na nakarinig sa sinabi ko. Hindi rin nila alam kung ano ang sunod nilang sasabihin. 

Matagal pa kaming nag-stay sa restaurant bago kami lumabas para naman pumunta sa bahay nila Alice. Ang mga sasama lang ay sila yung mga classmates namin so, hindi namin kasama yung ibang friends niya katulad nila Aki. 

"Hindi na sasama si Ethan?" Gulat kong tanong kay Alice nang makita kong paalis na agad ang sasakyan nito ng matapos itong makapag-paalam kay Chi. 

"Oo, may party pa sila ng mga pinsan niya. Inihatid lang kayo dito then susunduin nalang din daw kayo bukas." Sagot nito saakin after nun ay inaya na niya akong pumasok sa loob papuntang rooftop nila. Sumunod na din ako sa mga classmates namin. 

Yung rooftop nila Alice ay yung typical na rooftop na merong isang room na kasya kaming lahat. Then there is a big inflatable swimming pool that was set up for her little cousins. Yung rooftop is also set up as if we are on a camping site dahil may mga naka-hang na hammock and even small trinkets. 

The reason for this is because yung Dad ni Alice is an avid fan camping kaya ganito din yung rooftop nila. May mga maliliit din na camping chairs na nakapabilog at may mga maliliit din na tables. 

Umupo na muna ako sa isa sa mga stools kasi napapagod narin yung legs ko kaka-tayo. Habang naka-upo ako ay nakita ko yung jar na puno ng M&M, na for sure ay inilabas ng Mom ni Alice. 

"Hay naku, nangu-nguna ka nanaman diyan." Sita saakin ni Chi habang inilalabas niya yung mga chips. Tumawa na ako napaka-lakas bilang tugon sakanyang sinabi.

Umupo naman ito dun sa garden swing na naka-set up din dito sa rooftop habang yung iba naman ay nag-aakyat ng mga pagkain galing sa kitchen at nag-aayos ng mga lalaruin namin. 

"Gusto niyo daw bang mag-laro tayo ng Uno?" Malakas na tanong ni Reah mula sa loob ng silid. "Hindi ba masyado na tayong matanda para dito though?" Dagdag pa nito. 

Nakita kong sumenyas yung isang isa kong kaklase na ilabas nalang ito. Totoo naman kasi na wala naman sa edad kung ano ang lalaruin namin. Ilang minuto din ang lumpias bago natapos yung iba kong kaklase sa pag-aayos nung mga gamit na gagamitin namin. Habang ako ay naka-upo at kumakain ng chocolate. Hindi naman nila ako pinansin kaya hindi rin ako tumayo.

Papunta sana ako dun sa rest room nang makita kong may hawak na maliit na box si Alice. Masyado siyang seryoso dun sa hawak niya kaya naman masyado akong naging curious kung ano yung laman nito. Nang makalapit ako para tingnan mula sa likod niya ay until now ay hindi niya manlang ako naramdaman. 

Isa itong leather strap watch. Nang tingnan ko yung reaksyon ni Alice ay seryoso parin ito. 

"Uy Girl, kanina galing yan?" Turo ko dun sa watch pero hindi naman ito sumagot at nagmamadali lang na tinago yung box dun sa paper bag nito at dinala pababa sa kwarto niya. 

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Alice kasi kanina pa ito parang balisa at hindi alam kung paano kikilos. Hindi ko nalang pinansin yung kilos nito at dumiresto na sa rest room. 

Nang makalabas ako ay nagsa-start na yung party. Buti nalang iniwan nilang walang naka-upo dun sa inuupan ko pa kanina kaya naman dun nalang ako bumalik to sit down. 

Umiinom na ng mga beers yung iba, yung iba naman ay kumuha nung mga rum at whisky na inilabas dito para saamin. Ako naman ay kumuha ng isang bote ng soju. 

Nang ininom ko ito ay parang lang akong uminom ng Gin pero okay lang naman. Since it is just the first shot and for sure kapag tumagal na rin ay iiba na ang lasa nito.

Nag-start narin kaming mag-laro ng beer pong pero hindi ako mag-lalaro kasi I prefer drinking soju tonight than beer kaya naman si Kit and Reah ang nag-laban. 



Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now