Chapter 23

28 2 0
                                    

"It's been months na ha." Masaya naming bati sa mga high school classmates namin.

Isa-isang kong binesohan ang mga kaibigan namin bago ako umupo narin sa tabi ni Chione.

"Si Alice?" Tanong ng isa naming kaklase.

Kumuha na muna ang ng isang soft drinks bago sumagot. "May exam daw ito. Hindi siya makakasama."

Tumango naman sila saakin. Pinagpa-tuloy naman namin ang kentuhan habang ako naman ay nag-hanap ng nachos, masarap kasi ang nachos dito at hindi ko rin alam kung bakit.

"Hindi ka ba nag-dinner manlang?" Napatingin ako kay Chione nang sinita nito ako dahil kain ako ng kain ng nachos. Umiling naman ako sakanya bilang tugon rito. "Then order with rice. Ang alam ko meron dito pero I am not sure."

Tumayo naman ako sa inuupuan ko para kumuha ng makakain ko galing sa kitchen. Hindi man ako nakakarating sa kitchen ay nadaanan ko yung right-hand man ni Patrick na si Joel.

"Joel, may food ba diyan si Patrick right now?" Tanong ko rito at agad naman ako nitong ginaya sa bar table para doon na ako bigyan ng pagkain. May dinala itong prok cutlet na alam kong kakaluto lang din. Kinain ko naman ito agad para makabalik na ako sa table namin.

Nang matapos na akong kumain ay agad din akong bumalik na sa upuan namin, nag-paalam narin ako kay Joel bago ako umalis. Nang makabalik na ako ay agad ko namang nakita sina Patrick at Chione ay nagkwekwentuhan. Umupo na ulit ako sa tabi nito.

"Anong kinain mo?" Tanong agad nito saakin nang makaupo ako.

"Pork cutlet." Tumango naman ito saakin at bumalik na siyang makipag-kwentuhan kay Patrick. Kinakamusta ni Patrick si Zoe na kakadalawang tao palang sa pamamalaga ni Chione.

"Girl, na-adopt mo na ba si baby Zoe?" Singit na tanong ni Rei rito.

Umiling naman bilang tugon si Chione. "Hindi pa, pero ang sabi mas madali na yung process ko since I am already fostering her." Sagot nito.

I know how hard Chione wanted to have a family before she turned 25. Then she was given Zoe when they child is only an infant.

"Bakit daw ba may party ngayon?" Tanong ko sa mga kaibigan ko. Di ko kasi talaga makuha at hindi ko rin alam kung ano ang okasyon.

"Wala lang." Tawa ni Patrick saakin. Tumawa nalang din ako dahil sa sinabi nito.

"Sino pa iniintay natin?" Tanong ni Ethan kaya naman ay napatingin din ako kay Patrick dahil hindi ko rin alam kung sino pa iniintay namin kung gayon nandun na kami lahat.

Nakatingin lang din saakin si Patrick na parang ayaw niya akong sagutin. Kaya naman ay tinaasan ko itong ng kilay dahil malamang sa malamang ay may ayaw itong sabihin saakin.

"Si... Si Theo." Sakto binanggit niya ito ay may narinig akong mga yabag na papunta sa lamesa namin. Napatingin ako sa direksyon ng tunog at ito ay si Theo ngayon.

Nang magkatinginan kami ay agad ko naman na iniwas ang tingin ko rito. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi naman nila alam na si Theo ang tatay ni Poppy pero ang alam nila ay may bad experience ako rito at hindi ako handang makita pa ito.

"Girl, hindi ko talaga alam na dadating si Theo." Bulong naman ni Chione saakin. Tumango naman ako sa kaibigan ko dahil alam kong ayaw naman niya ang nangyayari.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pag-inom ng beer na nasa harapan ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi na ako nag-attempt pa na tumingin.

"Hello, Macie." Mahinang bati nito saakin. Wala rin atang nakapansin dahil busy silang lahat na mag-kwentuhan pero dahil katabi ko lang si Chione ay narinig nito kung anong ang sinabi ni Theo.

Tumango naman ako sa lalaki nang hindi na ito tinitingnan. Naramdaman kong nakatingin lang ito saakin pero hindi na ako nag-attempt na tumingin pa rito.

"Mace, nakatingin parin siya sayo ngayon." Mahinang mahinang bulong naman ni Chi saakin. Nilakihan ko naman ito ng mata para hindi na ito magsalita pa. Inabala ko narin ang sarili ko sa cellphone ko para narin may dahilan ako para hindi sila kausapin.

Sumagot na muna ako sa mga messages ng mga co-workers ko at mga boss ko. Marami rin kasing kailangan asikasuhin sa mga susunod na linggo. May bago kasi artifact na nakita ang isa kong workmate and kailangan na namin itong tingnan.

"Macie, kamusta na pala si Poppy? Ang tagal ko nang hindi nakikita iyong bata na iyon." Nagulat ako sa biglang pag-tanong ni Rei.

Napatingin naman ako kay Rei bago naman ko iyo sagutin. "Well, she's okay. She's starting to love Disney characters. Hindi ko alam kung bakit rin. Alam mo ba kung bakit, Chi?" Tumingin naman ako kay Chione.

"What? 'A bakit nahihilig si Poppy sa Disney, I think it is because of Allen. Siya ang palaging kasama malamang ay ayun ang pinapanood nito." Sagot naman ni Chi na sinang-ayunan ko.

"Allen? Sino si Allen?" Napatanong naman ulit si Rei. Hindi pa nga pala nila nakikilala si Allen.

"Ikaw, Rei. Kamusta ka na?" Biglang singit naman ni Ethan nang ma-sense siguro nito na ayaw namin pag-usapan pa ito. Dahil naman sa sinaad ni Ethan ay hindi na nila tinuloy pa yung tanong saakin. Palihim ko naman nginitian si Ethan dahil sa ginawa niya.

Tuloy tuloy lang ng kwento si Rei sa mga nangyayari sakanya ngayon. Matagal-tagal narin kasi ang huli naming get-together. Umiinom naman kaming dalawa ni Chione even if meron na kaming mga babies because may nagbabantay naman sakanila ngayon.

Tumayo ako para pumasok ng restroom nang matapos na ako at pabalik na ako sa table namin ay napansin kong naghihintay si Theo saakin ata sa gilid. Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niya akong tinawag.

"Macie." Tawag saakin ni Theo. Hindi ko na ito nilingon dahil ayaw ko itong kausapin. "Macie." Ulit nito. Nilingon ko na baka kung anong gawin.

"Ano nanaman ba, Theo?" Naiinis kong tanong sa lalaki.

Lumapit naman ito agad saakin nang sinagot ko.

"May anak ka na pala. Bakit di ko alam?" Napa-tanga ako sa sinabi niya dahil narin sa hindi ko makuha kung anong ibig sabihin nito.

"Anong ibig mong sabihin? Kailangan ko pa bang ipaalam sayo na may anak ako o magkakaroon ako ng anak? Asawa ba kita? Kaano-ano ba kita at mag karapatan kang magtanong ng ganyan?" Mainit ang dugo ko sa pagkakasabi sakanya. Dahil narin sa nangyari dati. Hindi ko na napigilan sarili ko pa.

"Sino yung tatay ng anak mo? Si Allen ba?"

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now