Chapter 29

32 1 0
                                    

Mabilis naman akong nakabalik sa ospital dahil ang mga kinuha ko lang naman ay ang mga gamit ko at yung mga pajamas ni Poppy. Ang sabi rin kasi ng mga doctor na highly encourage ang pag-suot ng sariling mga damit para komportable sila.

Nakita ko parin silang nag-uusap na ngayon.

"Nasaan sina Kuya?" Tanong ko rito.

Nakangiti pareho ang mag-ama.

"Kailangan na daw po kasing mag-pahinga ni Tita Kayla tapos si Tito Maki po meron daw work tomorrow." Nakangiting sagot saakin ni Poppy.

Ngumiti naman ako dito at inayos na ang gamit namin mag-ina.

"Macie, kumain ka na ba?" Napatingin naman ako kay Theo na nakatingin din saakin.

Umiling naman ako dito dahil nag-mamadali rin akong bumalik dito sa ospital.

"Then, anong gusto mong pagkain?" Agad naman itong tumayo sa upuan niya.

"Parang masarap yung KFC Chicken." Sagot ko naman dito. "Pero ang alam ko pwede naman atang magpa-deliver dito."

Nagkalikot na siya sa phone niya para mag-order ng pagkain namin.

"Kumain na ba si Poppy?" Nag-lalaro na kasi ito ng cellphone ni Theo.

Tumango naman ito saakin. Kaya naman ay agad kong nilapitan si Poppy nang pumasok ng restroom ang lalaki.

"Poppy." Tawag ko dito.

Agad naman itong tumingin saakin mula sa cellphone.

"Poppy, are you happy?" Alinlangan kong tanong rito.

Never din kong tinanong kung nag-hahanap ba ito ng ama dahil wala siyang nabanggit na kahit ano saakin. Kaya akala ko okay lang siya.

"Yes po. Papa asked me what happened nung wala siya. So kunuwento ko sakanya." Masaya niya sagot saakin.

Napangiti naman ako sa narinig ko dahil alam kong masaya na ito sa nangyayari. Tumahimik na din kami nang makabalik na si Theo galing sa restroom.

"Baby, sleep na. It is past your bedtime o." Turo ko sa orasan dito.

Umiling ilang pa ang bata dahil ayaw pang matulog.

"Listen to your Mama, Poppy." Malambing na saad ni Theo sa bata. "I'll stay beside you."

Ngumiti naman si Poppy na parang nakuntento na sa sinabi ng ama niya. Ilang minuto namin itong binantayan para hintayin na matulog ito. Nakatulog rin naman.

Nang masigurado ko ng tulog na si Poppy ay doon ko na kinuha yung baby book at photo album ng bata. Agad ko naman itong inabot kay Theo.

"I brought it from our home, baka gusto mong makita."

Halos hablutin na nito ang mga photobook mula sa kamay ko para makita niya.

"Thank you." Mahina ang pagkakasabi nito.

Unang bumungad sakanya ay ang mukha kong kaka-anak lang kay Poppy.

"How was it? It must be hard."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Medyo. I found out that I was pregnant summer before my last year. That time I was really hoping na false alarm lang siya and mali lang yung OB that time pero it was obvious na hindi. Alam mo naman na estranged ako sa pamilya ko because of the circumstances kaya throughout my pregnancy my other girl siblings are not with me."

Nakatingin lang ito ng maigi saakin. Masinsin na nakikinig sa mga sinasabi ko.

"Sino ang kasama mo throughout the process?"

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now