Chapter 2

70 5 0
                                    

"Hay Naku! Ang sabi niya malapit na siya. Kamusta naman ang Rotonda niya." Naiinis na saad ni Chione. Nakakainis naman kasi talaga kasi sinabi na ni Alice na malapit na siya pero yun pala hindi pa siya nakakasakay. 

Since we are still waiting for Alice, inaya na muna ako ni Chione sa Mango for her to shop kasi may pupuntahan kaming birthday party this weekend. 

"Girl, bibili ka rin ba?" Tanong nito saakin while she looking for the dress she wants. 

Umiling naman ako sakanya dahil marami namang pinadala na damit yung girlfriend ng ate ko saakin. Yung iba dun ay hindi ko pa nagagamit. 

Sunod lang ako nang sunod kay Chione natatawa narin ako dun sa mga binibili niya. Kasi ang sabi lang niya ay dress lang for the birthday party pero mukhang hindi lang dress ang bibilhin nito.

"Chi, sabi mo dress lang diba. Mapapagalitan ka nanaman ng parents mo kapag nakita nila yung statement of account mo." Paalala ko rito. Tumawa lang ito sa sinabi ko. 

"Sanay naman na sila na ganito yung mga binibili ko. Also once in a while narin naman ako kung bumili." Katwiran nito saakin. Hindi ko nlang siya pinansin sa kanyang sinabi kasi tatagal lang kaming dalawa. 

With her shopping alone, pwede nang makabili ng a month of grocery ng isang pamilya. Within the years I know her alam na alam ko na ganun na talaga siya because of how she was brought up. Her lifestyle is the total opposite of mine. Because growing up, the money is always short and I need to adjust within it. 

"I didn't expect for the lack of transportation 'no." Nagulat kaming dalawa na bigla nalang lumitaw si Alice sa harapan namin. Palabas na kami ng boutique nang makasalubong namin ito. "Ano nanaman ito, Chi?" Gulat niya tanong nang makitaniya yung mga paper bags na hawak ni Chi. Tumawa naman ako ng mahina dahil alam kong si Alice na ang magsasalita para saakin sa gusto kong sabihin.

"Diba, may party sa weekend. Wala na akong damit na pwedeng gamitin." Dahilan nito. Nakatingin lang kami pareho ni Alice ng masama rito.

Napabuntong-hininga nalang ito. "And you know it is not the reason for you to splurge so much money just for a birthday party." Mahina pero matigas nitong saad. Nakakahiya kung laksan namin ang mga boses namin dahil madaming tao.

"I know. I know. This is wrong pero alam niyo naman kung bakit ganun." Nagapakawala nalang ako ng hininga dahil alam nga namin kung bakit siya nagiging ganito. Shopping is like her therapy for all the stress she is going through from her home. She is having a hard time coping now that her siblings all moved out and she was left alone. 

"Then change that." Matigas na utos ni Alice. Tumango naman si Chione, alam kong matagal na pakiusapan pa yung gusto naming mangyari pero it is possible. "Also, collect all the things you wouldn't need. Then lets donate those to the charity. Hindi na daw nagkakasya gamit mo sa closet mo sabi ng kasama niyo." Dagdag nito. 

Natawa ako sa inuutos ni Alice kay Chione dahil alam ko once she is going to dispose her things then she will ask me if I want something from her things para makuha ko na at hindi na masama pa sa idodonate.

"Go to my house this Friday." Ayun lang ang narinig mula kay Chione then mas binilisan pa niya ang kanyang lakad.  

We deposit all of the paper bags sa baggage counter muna since we are going to walk around muna dito sa mall. 

"Saan ba tayo kakain? Libre daw ngayon ni Gavin." Sabay pakita ni Alice yung card ni Gavin. Tawa ng tawa si Chione sa pinakita ni Alice. 

"Well, buti nalang nag-bayad na siya dun sa mga ginawa kong homework niya." Natatawa nitong saad sabay narin sa pag-kuha nito sa card ni Gavin. 

Since libre ni Gavin yung food namin pero ayaw ko rin na masyado kaming gumastos since it is not our own money. We decided to just eat on Yellow Cab and nag-dessert naman kami sa DQ.

After eating we decided to play at Timezone para naman ma-unwind kami. Pero hindi kami nag-tagal sa paglalaro dahil may mga pasok pa kami kinabukasan.

Nagpaalam na ako kala Chione and Alice because hindi na ako sasabay pag-uwi kay Chione. May malapit na sakayan naman na sa SM North papuntang Katip. While Chione will be dropping Alice off on PhilCoa because it is easier to catch a ride there. 

Paakyat ako ng condo unit ng ate ko nang makasalubong ko yung girlfriend niya. 

"Mace, pwede bang bantayan mo muna ate mo?" Nag-mamadali ito at halata sa mata nitong hindi ito naka-pokus. 

"Po?" 

"I just need to do something. Babalik rin naman ako agad." Hindi na nito hinintay yung sagot ko at umalis narin ito agad. 

"Hay naku, ano nanaman kaya ang nangyayari?" Bulong na tanong ko sa sarili. Entering the unit ay nakita ko agad yung pair of shoes na naka kalat lang na tipo bang nagmamadali yung nag-hubad. While removing my shoes, I heard faint noises from my sister's room. It sounds like she is crying. Bumilis ang takbo ng puso ko dahil sa naririnig ko. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto nito at tama nga ang hinala ko. Umiiyak ito.

"Ate? Ate??" Lapit ko rito. Pero mas tinalikuran pa ako. "Ate, bakit? What's happening?" Nag-aalala kong tanong. Hindi nito ako pinansin. 

I stayed at her room for a few minutes para sana hinatayin kung sakaling magsasalit siya pero hindi naman. Kaya I decided to walk out of her room muna to wait for Ate Kyle. 

True to her words. Bumalik siya for about a few minutes and nilapitan ko siya agad after she removed her outside slippers. 

"Ate, what's happening ba? Hindi ako pinapansin ni ate." Demand ko rito. Ayaw ko kasing nakikitang nahihirapan because she is the reason why I am still coping for what happened last year. 

"She finally had her breakdown. Wag mo nalang munang pansinin. Ako ng bahala dito. Diba may class ka pa tomorrow." Pinapasok na niya ako sa room ko para narin makapag-aral ako for my class tomorrow. 

Even when I really wanted to concentrate ay hindi ko magawa because I am nervous for my sister. Kahit naman gusto kong puntahan siya sa room niya ay hindi ko naman magawa because of nandun sa si Ate Kyle. Since hindi narin naman ako makapag-concentrate, I decided to just sleep. 

Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang pinaka-iintay ko na birthday party. It is also good thing na wala akong pasok ngayon Saturday. It is already 3:30 PM and I already ran all my errand for the weekend para narin hindi ko na iyon isipin pa bukas. 

After re-checking the time, I immediately put on the clothes I put out. Just a tight brown long-sleeves, denim boyfriend pants, and a chunky sneakers. After putting it on ay inayos ko lang yung buhok ko in a twist back. While doing my last touches on my make up ay nag-message na si Chione na nasa baba na siya. 

After reading her message ay nagmamadali akong nag-ayos ng gamit ko in a small bag. Just my powerbank, wallet, phone and some make up. 

Nang makababa na ako ng condo namin ay wala naman yung kotse ni Chione. Well, walang ibang kotse na naka-park sa harapan kundi isang Ford Everest. 

Iniisip ko na  baka hindi na niya pinasok pa yung kotse niya kaya naman I walked towards the gate pero bago pa ako makalayo at may narinig ako sumisigaw ng pangalan ko.

"Mace! Mace! Macie!!!" Napatingin ako sa gawi nung sumisigaw ay nakita ko nga si Chione na nasa loob nung Everest na kotse. Napangiti naman ako sa gawi niya at madali namang lumapit rito. 


Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now