Chapter 18

32 0 0
                                    

"Seryoso na ba na you are going move out?" Hindi ata makapaniwala si Kuya sa sinabi ko sakanya.

Tumango naman ako sakanya dahil sa tinanong niya dahil isang linggo na akong nag-iisip tungkol rito.

"Then kailan mo sasabihin sakanila?" Naka-tingin lang ako rito dahil sa tinanong niya. Kasi wala pa sa isip ko kung paano ako mag-sasabi sakanila.

"Hindi ko pa po alam." Sagot ko rito sa tanong niya.

Nandito kami ni Kuya ngayon sa condo ni Ate Maya, hindi ko pa siya nakikita simula nung dumating ako at wala rin akong planong alamin kung nasaan siya ngayon. Si Kuya lang yung kinakausap ko sa mga kapatid ko and si Ate Kyle, yung girlfriend ni Ate Maya.

"May plano ka ba kung saan ka lilipat? How about your studies?" Interesadong-interesado ito sa nangyayari saakin at hindi ko rin alam kung bakit. Hindi naman ganun si Kuya dati pa.

"May nakita akong murang apartment sa may Diliman. Tutulungan na muna akong mag-bayad nila Chi at magpapa-part time nalang muna ako. Yung sa next sem ko ay hindi ko pa alam kung paano ko babayadan yung iba. Kailangan ko na munang asikasuhin yung scholarship at may mga onting ipon naman ako." Saad ko rito.

"Alam naman na kung ano ang sasabihin nila saiyo kapag nalaman nila yang desisyon mong yan." Maski ako ay alam ko na kung ano ang sasabihin nila saakin pero ayaw ko nalang itong pansinin dahil ayaw ko nang isipin pa kung ano ang mga opinyon nila sa buhay ko.

After noon ay tumigil narin kaming mag-usap at tinulungan nalang niya ako mag-ayos ng gamit ko. Yung mga damit, sapatos, at mga iba ko pang mga knick-knacks ay inayos na namin sa karton. Unti unting nawala ang mga gamit ko naka-kalat sa buong unit. Hanggang sa matapos na kami at napansin kong wala ng kahit anong bakas ng isang Macie Escolanda sa unit.

Inilagay na namin sa gilid ang mga karton na nag-lalaman ng mga gamit ko. Kasi bukas lilipat na ako doon sa apartment na nakuha ko. Si Kuya naman ay umuwi na muna sa bahay at babalik nalang siya dito para tulungan akong mag-ayos ng gamit ko sa apartment ko. Naligo na ako para makapag-pahinga na din ako. Pagkalapat ng ulo ko sa unan ay agad akong nakatulog at hindi ko manlang namalayan yung agad kong pag-tulog dahil sa sobrang pagod ko.

Bigla akong napatayo dun sa sunod sunod na doorbell at kasabay nito ay ang pag-tunog ng cellphone ko. Kaya agad naman akong pumunta sa pintuan para tingnan kung sino yung nasa pintuan at ang nakita ko ay sina Chi at Alice, kasama rin nila sina Theo.

"Kanina pa ako tawag ng tawag saiyo." Naiinis na saad ni Chi saakin nang mabuksan ko na yung pintuan. Sunod-sunod naman silang pumasok na parang wala silang pakialam sa nag-bukas ng pintuan, maliban nalang kay Theo na ngumiti saakin.

Sumunod naman ako sakanila sa living room. At ang mga tutulong saakin ay isa-isang nagsiupuan sa sofa.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa mga bisita ko. Tumango naman sila saakin kaya naman ay saakin lang ang gagawin kong pagkain. Hinanda ko na yung natitira kong chocolate cereal and fresh milk para kainin.

Habang tinatapos kong ang aking pagkain ay inisa-isa na nila yung pag-labas ng mga kahon mula sa kwarto ko papuntang pintuan. Mabilis narin naman akong natapos sa pagkain ko at tinulungan ko na sila sa pag-baba ng mga gamit ko sa SUV ni Chi at yung iba naman ay nasa sasakyan ni Theo.

Nang matapos na namin maayos ang mga kahon ko sa mga sasakyan nila ay inayos ko na for one last time yung unit. Alam ko rin kasi sa sarili ko na hindi na ako babalik pa sa lugar na to.

Agad naman akong pumunta sa parking area para pumunta na dun sa apartment na kinuha ko. Nakita ko naman naka-sakay na sina Alice sa sasakyan ni Chione habang si Theo naman ay nakatayo sa tabi ng saskayan nito.

"Mace, ride with Theo na. Puno na dito sa loob ni Chi." Sabi ni Alice saakin habang naka-baba yung window ng kotse. Ang mga nakasakay sa sasakyan ay sina Alice, Chi, at Ethan. Puno naman na talaga dahil halos yung mga malalaki kong gamit ay doon inilgay.

Tumango naman ako rito at sumakay sa sasakyan ni Theo, nang makapasok na ako sumakay narin ang binata. Nung una ay hindi pa kami nag-salitang dalawa. Hindi ko rin kasi makuha na bakit dito pa ako pinasakay ni Chi.

"Do your siblings know that you are moving out?" Mahina nitong tanong saakin habang diretso ang tingin nito sa daan.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot sakanya. "Only my kuya know na I am moving out. Wala pa akong balak na sabihin sakanila na I already moved out." Sagot ko rito. Nakita kong tumango ito dahil sa sinabi ko at pagkatapos nun ay tahimik na ulit naming binaybay ang daan.

Mabilis din kaming nakarating sa apartment na uupahan ko. Nakita kong nandun na sa labas sila Chi at hinihintay kami.

"Mace, are you really sure you are going to live here?" Tanong saakin ni Alice habang nakatingin sa kabuuan nang apartment. Halata nang may katandaan ang apartment pero wala naman akong magagawa dahil kailangan ko ng makaalis dun sa condo ni Ate at mas makakatipid ako kung mag-aaprtment ako, hindi ako magco-condo.

Nagkabit-balikat nalang ako at nilapitan ko yung bahay na alam kong pagmamay-ari ng landlord ko. Kumatok naman ako at kahit mula sa labas ay rinig na rinig namin ang sigawan mula sa bahay. Parang may nag-aaway.

Katok lang ako ng katok hanggang sa may lumabas, yung landlord ko.

"Magandang umaga po!" Naka-ngiti kong bati rito at maski mga kaibigan ko ay bumati narin rito.

"Magandang umaga sainyo." Bati rin nito pabalik saamin pero halata mong piniplit lang niya. "Hija ikaw ba yung kukuha nung sa A1?" Tanong nito saakin.

Tumango naman ako sakanya dahil ayun ang kukunin ko, pero halatang may mali. Naramdaman ata ni Theo yung kaba ko kaya naman ay naramadaman kong lumapit ito saakin at ramdam ko rin yung braso niya sa beywang ko.

"Hija, may kumuha na nung A1. Nag-bayad kasi siya agad." Saad nito. Napa-tunga ako dahil sa narinig ko.

"Ma'am, akala po namin okay na sa kaibigan namin yung apartment. Nag-bigay naman na po siya ng down niya." Tanong ni Chi rito kasi siya mismo yung kasama ko sa pag-bigay.

"Alam ko iyon, hija. Pero nag-bigay kasi iyon ng advance payment at kailangan na kailangan ko lang ito ngayon. Bale ibibigay ko nalang yung binayaran mo saakin. Sandali lang." Wala na akong nagawa dahil hindi narin naman saakin mapupunta yung apartment kaya naman napatingin ako agad sa mga kasama ko.

"Paano na? I already moved out at ang alam ni kuya ay wala narin ako doon. Hindi narin naman ako pwedeng bumalik roon." Tanong ko rito.

"Hanap nalang kaya tayo ulit? Baka pwede ka muna sa hotel." Suhestyon ni Theo.

"No, it won't work. Kaya nga siya mag-aaprtment para makatipid. Ganito nalang, live with me nalang sa condo. You won't need to pay for anything nalang." Saad ni Chi.

Napapa-isip ako doon sa suhestyon ni Chi pero nakakahiya.

"Pero nakaka-hiya."

Tumawa ng medyo malakas si Alice at Chione sa sinaad ko.

"At talagag mahihiya ka pa. Do you really want to live on the streets?" Sabi naman ni Alice.

Tama nga naman siya, ayaw ko naman tumira sa kalsada.

"On one condition, share tayo sa bills."

Be For You and Me (Friends Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt