Chapter 21

27 1 0
                                    

Agad akong umakyat sa kwarto namin ni Chione, nakita ko itong nakahiga na sa pwesto nito at tulog na ito kaya naman ay agad akong pumasok ng CR para maligo at matanggal ang amoy ni Theo saakin. Habang naliligo ako ay binalak ko ng hindi sabihin kahit kanino ang nangyari. Sana pag-gising ko ay wala na ito at umalis na.

Humiga nalang ako sa tabi ni Chione at mabilis naman akong nakatulog siguro narin sa pagod sa nangayri. Buti na nga lang din at hindi ko narin iyon naisip pa ang mga nangyari.

Nagising nalang ako nang naramdaman kong wala na si Chione sa tabi kaya naman ay agad akong tumayo para maligo na. Habang sinusuklayan ko ang aking mga buhok ay bigla kong naalala kung ano ang nangyari kagabi.

Unti-unting tumutulo ang aking mga luha hanggang nag-uunahan na ito sa pag-bagsak mula saaking mga mata. Pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kasi ayaw ko ng isipin pa ang nangyari pa. Ang mahirap lang kasi ay ibinigay ko ang sarili ko sakanya kasi akala ko okay na, mapagkaka-tiwalaan ko siya. Mga ilang minuto ang makalipas nang sa wakas ay nakakalama na ako. Pinunasan ko na ang mata at pilit kong tinatanggal ang nag-mamaga kong mata. Pero alam ko rin na hindi ito matatanggal.

Bumaba na din ako para kumain ng agahan at nakita kong lahat na sila nandun sa ibaba at kumakain na sila. Hindi pa ako tuluyang lumapit hangga't hindi ko nasisiguro na wala si Theo roon. Ayaw ko kasing makita ito. Nang wala nga ito ay agad akong lumapit sa mga ito.

"Good morning." Naka-ngiti kong bati sa mga ito. Agad naman akong umupo sa tabi ni Patrick na para kumuha ng pagkain.

"Good morning." Bati naman nila saakin habang kumakain sila.

Una kong kinain ang garlic bread na kinuha ko habang pinipili kung anong uunahin kong ulam for the garlic rice.

"Diba ikaw ang last na natulog." Napatingin ako kay Chione nang bigla itong nag-salita. Tumango naman ako sa tinanong niya.

"Alam mo ba kung bakit biglang umalis ng maaga si Theo? Nalaman nalang namin na nasa Manila na siya. Baka nga hindi iyon dito natulog." Saad nito.

Nagkabit-balikat ako sakanya. "Hala wala naman siyang nasasabi saakin. Baka may kailangan lang itong gawin." Sagot ko rito.

Tahimik lang ang mga kasama namin habang nakatingin saaming dalawang nag-uusap.

Umiling ito. "Imposible kasi excited pa siya sa trip na ito, diba Ethan." Sumang-ayon naman si Ethan sa sinaad nito. "May nangyari ba kagabi na dapat naming malaman?"

Nagulat ako sa bigla niyang sinabi pero alam ko sa sarili ko na ayaw kong malaman nila ang nangyari kagabi.

"Wala, 'a. Nag-usap lang kami kagabi kung ano ang nangyayari pero wala naman kaming nagpag-usapang iba." Tanggi ko sa gusto nitong iparating.

Tumawa naman ito nang marinig nito ang sinabi ko kaya naman ay sunod-sunod kaming tumawa na din.

"So saan tayo? Uuwi na ba kayo agad, Rei?" Tanong ko rito.

Tumango naman ito saakin. "May game pa si Patrick at may class pa si Kit." Sagot nito saakin. After naming kumain ay nagsi-tayuan narin sila para ayusin ang kanilang mga gamit. Kami nalang tatlo ang naiwan kasi kumakain pa ako.

"Mace, sure ka ba talagang walang nangyari kagabi? Nung umakyat na kami." Pilit nito saakin.

Umiling naman ako sakanya at pinag patuloy ko na ang pagkain ko. Kaya naman ay pinabayaan narin niya ako dahil alam niyang wala siyang mahuhugot saakin.

Mabilis ako kumain at iniligpit namin ang mga kinainan namin lahat, kami nadin ang nag-hugas ng mga pinggan para hindi narin maiwan pa sa caretakers nina Ethan.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now