Chapter 17

27 2 0
                                    

"Macie!" Naririnig kong tawag saakin mula sa likuran pero hindi ko ito tinitingnan dahil alam ko na kung sino ang nag-sasalita. Tuloy tuloy lang ang lakad ko papunta sanang sasakyan ni Etahn pero nakasalubong ko si Theo. Kaya naman ay napatigil ako sa paglalakad at sa kadahilanang ito ay nahabol ako nung lalaking humahabol saakin.

"Macie, can we talk?" Napatingin ako doon sa anak ni Papa na gusto saaking kumausap. Bago pa man ako makasagot sakanya ay napatingin ako kay Theo na malapit nalang saakin at binigyan niya ako ng maliit na tango at ngiti kaya alam ko na senyales ito na okay lang.

"Doon tayo." Turo ko doon sa isang bench na malayo sa mga tao. Kaya naman ay tahimik kaming nag-lakad papunta doon.

"Bakit mo ba ako gustong makausap?" Mahina kong tanong rito. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko itong makausap ay dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

Nag-bitaw ng buntong hininga siya. "I want to apologize for barging at the funeral. I really did not know that it is going to happen."

Napatingin ako sakanya dahil sabi niya ay hindi niya alam na mangyayari ito.

"Anong ibig sabihin mong hindi mo alam na mangyayari yung nangyari?" Hindi ko mapigilan na magtanong. Hindi ko kasi nakukuha kasi mula sa standpoint ko ay pumunta sila ng wake ni Mama kahit hindi naman sila kailangan.

"Kasi hindi saakin sinabi ni Mama na dito pala kami pupunta. Ang sabi lang ni Mama ay may pupuntahan kami na kaibigan niya. Hindi ko alam na sa lamay pala ng Mama mo kami pupunta." Saad nito. Nagulat ako sakanya dahil hindi ko alam na aabot sa ganun.

Tumango naman ako sa sinaad niya. "Then, we didn't introduce ourselves properly yet. I am Macie Anne Escolanda, you can call me Macie." Ngumiti ako sakanya. I resolved to myself na hindi ako magtatanim ng galit sakanya dahil wala naman siyamg kasalanan sa nangyayari.

"Maximus Allen Escolanda, they mostly called me Allen." Ngiti nito saakin. Nang ngumiti ito saakin ay napansin kong halos parehas sila ng ngiti ni Papa. We exchanged numbers to communicate with each other. We both do want to put the past behind us and just move on from what is happening.

Nang matapos na kaming dalawa ay bumalik narin kami doon sa parking area kung nasaan yung kotse ni Ethan. Napansin ko narin na nandun sa yung tatlo at naghihintay saakin.

"Mace, uuwi na daw tayo." Sabi ni Chione kaya naman tumango ako rito agad. Pero gusto ko munang maka-usap si Theo. "Girl, sino pala siya?"

"Ito si Allen." Nag-paalam na rin ito agad nang matapos niyang makipag-kamayan. Umalis narin ito agad at sumakay siya doon sa Grab car nito. We'll be contacting each other if we both have time.

Pumasok na sina Ethan and Chione to let us talk outside of the car. Buti na nga lang at malilim dito sa area nung car.

"What do you want to talk about?" Diretso kong tanong rito.

"Who is he?" Napatingin ako rito nang dahil sa tinanong niya. Hindi ko kasi makuha kung ano yung sinasabi nito.

"He?"

"That Allen guy." Agad ko namang napatingin sakanya kasi hindi ko naman alam kung sasagutin ko ito.

"He is a friend." Diretso kong sagot rito. I finished it immediately dahil ayaw ko na agad itong masundan pa.

Hindi narin naman niya ito sinundan pa. Halata rin naman kasi saakin na ayaw ko nang pag-usapan pa yung nangyayari.

"Well, I do not feel comfortable with him. Hindi ko alam kung anong meron sakanya pero ayaw ko sakanya. But it is still your choice on what you are going to do with your life. " Tumango naman ako sa sinaad niya. "Do you want to eat out today?"

Nabigla ako sa tanong niya dahil hindi ko naman alam kung bakit siya nag-aaya na kumain sa labas. Pero hindi ko nalang ito pinansin pa at pumayag nalang dito.

Kumatok ako sa window ni Chione. "Chi, kakain kami sa labas ni Theo. Do you want to come?" Aya ko rito kahit alam ko namang hindi ito sasama.

Umiling ito sa akin bilang pag-tanggi. " Thank but no, thanks. May pupuntahan pa kami nitong lalaki na ito." Sabay turo nito kay Ethan na nakatingin lang din saamin. Kaya naman ay natawa ako sa kaibigan ko.

Nag-paalam na ako sa dalawa at sumakay sa sasakyan ni Theo na naka-park lang din sa malapit doon sa pinarkingan ni Ethan. Sumakay na kami ng sasakyan nito para narin maka-kain kami ng mas maaga dahil kailangan kong makauwi ng medyo maaga. Sa SM North EDSA na kami pumunta para doon na kumain.

We decided to eat nalang sa isan bukas na Korean Restaurant sa SM North Annex. DOOKKI Korean Topokki Buffet, nagce-crave kasi ako sa isang Korean food. Ang sabi rin kasi nila Alice is authentic daw yung lasa nung resto.

Ang sabi pa ni Chi ay may ganito rin raw na shop sa Korea kaya sobrang excited nga nito nang malaman nito na magbubukas ito ng branch dito sa bansa. She's been raving about it since her trip in Korea last year.

Kumain nalang kaming dalawa ng tahimik dahil ayaw ko rin namang mag-salita dahil hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Maski si Theo ay hindi alam kung ano ang sasabihin kahit siya ang nag-aya saakin dito.

Habang kumakain kami ay na-realize ko na parang kumakain lang ako ng shabu-shabu. We finished eating after we are full kaya naman ay pumunta kami sa Starbucks to drink coffee.

"Anong oras kita kailangan ihatid?" Saad nito habang umiinom ng kape nito.

Napaisip ako sa tanong niya kais alam ko rin sa sarili ko na kailangan kong umuwi ng mas maaga kasi sa condo na ako uuwi. Pero at the same time ayaw ko ring makita si Ate. Kasi hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin sakanya.

"In an hour kailangan ko ng bumalik kala Chi then kailangan ko ng umuwi sa condo. Doon na muna ako. I also do not know until when I am going to stay at my Ate's condo." Nagulat ata ito sa sinaad ko pero matagal ko na siyang naisip na kailangan ko naring bumukod. Ayaw ko ng palaging naka-depende sakanila.

"Why bother moving out? Mas makaka-tipid ka kapag nakatira ka sa pamilya mo. Kesa mag-rent ng isang studio, mahihirapan ka lang mag-bayad buwan buwan." Alam ko naman mahal ang mag-bayad ng renta buwan buwan pero wala na akong choice lalo na't ayaw ko naring makahalubilo si Papa. If I still stay at home then mapipilitan akong makasama si Papa pero ayaw ko na muna ito.

"I do not know what is going my next time but I just want to get out of there."

Tumango naman ito dahil alam rin nito sa sarili nito na hindi pa ako magdi-desisyon agad-agad.

"Let's go. I'll drive you home."

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now