Chapter 27

30 2 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga linggo at hindi ko manlang namalayan na kailangan ko na ulit dalhin si Poppy sa hospital para sa second chemotherapy niya. Kinukulit na din ako ng doctor ni Poppy kung kailan ko daw dadalhin ang dad nito sa ospital to test. Pero until now ay wala parin akong lakas ng loob na magsabi rito.

Naririnig kong may kumakatok sa pintuan ng bahay ko kaya agad ko naman itong tiningnan kung sino ito. Si Alice lang pala. Kaya naman ay agad ko itong binuksan para malaman narin bakit ito nandito.

"Hey." Nakangiti nitong bati saakin. Binigay naman nito rin agad ang dala nitong mga grocery.

"Paano mo nalaman na kailangan ko na ng groceries?" Natatawa kong tanong rito. Halos hindi na kasi ako makaalis ng bahay, kung hindi ako nasa work then nasa bahay ako. Hindi ko kasi maiwan na walang kasama si Poppy dito kahit ilang minuto lang. Baka kasi bigla nalang itong atakihin ng sakit nito.

"Sabi ni Chi, wala ka na daw groceries and I should bring some." Sagot naman nito saakin kaya naman ay mas lumakas ang tawa ko.

"Well, hindi na ako tatanggi pa dito." Sabay pakita ko doon sa plastic bags ng grocery. Tinanggal na muna niya ang sapatos nito at sinuot yung indoor slippers na para sakanila.

"Poppy?" Tawag nito sa anak ko. May narinig naman kaming nagmamadaling yabag galing sa kwarto kaya alam ko na palabas na ito.

"Tita!" Agad na yumakap si Poppy kay Alice nang makita nito ang tita niya.

"Baby, may masakit ba sayo ngayon?" Inuusisa ni Alice ang pamangkin nito. Medyo matagal narin kasi simula ng hindi niya ito nakita. Hanggang sa text at tawag lang nito nakakamusta, masyado rin kasing busy si Alice sa med school niya.

"Wala naman po. Healthy naman ako, Tita!" Masaya nitong balita rito pero alam ko naman na hindi iyon totoo.

"Poppy, I'll talk to Tita Alice. Go play with your Barbie dolls muna ha." Agad naman itong pumunta sa living room para doon mag-laro habang inaya ko naman si Alice sa dining area. Mababantayan ko parin mula sa dining si Poppy kahit hindi niya kami naririnig.

"Girl, ang sabi saakin ni Chione kailangan mo raw kausapin ang daddy ni Poppy." Mahina nitong saad saakin. Kahit alam namin na di kami maririnig ni Poppy ay hindi naman magandang makasigurado.

"Oo, pero di ko parin nasasabi. Di ko din kasi alam kung paano sasabihin sakanya nang may anak na siya at kailangan nito ng atay nito." Diretso ko na ang pagkakasabi ko rito. Hindi ko kasi talaga makuha kung kailan ko sasabihin.

"Pero alam mo na kailangan mo na siyang sabihan. Tandaan mo Macie, ang anak mo ang nakasalalay dito kung di mo pa yan bibigyang pansin." Seryoso nitong saad nito saakin.

Napabuntong-hininga ako dahil alam kong tama sila. "Alice, alam ko naman iyon. Alam ko rin na buhay ni Poppy ang kailangan kong isalba." Nanghihina kong sagot rito.

"Then do it. Ang sabi rin ni Chione ay nandun ito nang maospital ang bata. Bakit di niya pa ito napansin?" Napatanong rin ako sa matagal ko ng tanong. "Hindi manlang ba niya namukhaan ang bata?"

Umiling naman ako sa kaibigan ko bilang pag-tugon rito. Binigyan naman ako nito ng malakas na tawa.

"Bakit ka tumataawa diyan?" Tanong ko agad rito.

Tawa pa ito nang tawa bago niya napakalma ang sarili nito pagkatapos ng ilang minuto.

"Seryosong di niyang niya nakilala manlang yung bata? Diba halos magkamukha ang dalawa." Di ito talaga makapaniwala sa nangyari nung naospital ang bata. Siguro narin ay hindi niya ito masyadong tiningnan kaya di niya manlang ito napansin.

"Basta kapag alam ko na kung anong sasabihin ko sakanya, tsaka ko nalang siya kakausapin." Sumang-ayon naman saakin si Alice dahil hindi rin niya alam kung kailan dapat.

"Right! Then ask Chi kung anong pwedeng mangyari and kung may lawyer ba siyang kilala for a custody battle." Nagtataka ako sa sinasabi nito.

"Why would I need a lawyer and what custody battle?" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan ko.

"Hindi ba't you'll tell Theo na anak niya si Poppy then ibig sabihin nun ay possible na kunin niya sayo si Poppy. That is what we wouldn't want." Sagot naman nito saakin.

Bigla rin akong napaisip sa sinabi nito dahil posible nga na mangyari ito. At hindi ko alam kung anong gagawin kung gayon nga ang mangyayari. Knowing Theo, he has power na gawin niya ito.

"Alice, wag na muna natin yan sigurong isipin. Ang dapat na unahin natin ay alam mo na." Tugon ko rito kaya ay agad itong tumango saakin bilang pagsang-ayon. "Do you think kailangan natin ng proof na anak niya ito talaga?" Dagdag naman na tanong ko.

"What about DNA test? May kilala ang dad ko na clinic for DNA testing, baka pwede ring mas mabilis lumabas ang results." Suhestyon nito at agad naman akong pumayag dahil mas gusto kong may pruweba na ako bago ko pa sabihin sakanya ang totoo. Baka hindi ito maniwala saakin at sabihin pang nagsisinungaling ako.

"Then, I'll ask my dad kung saan ito. I hope pwede natin siyang makuha by two weeks. Dapat by saturday ay makuha na natin yung specimens." Dadgdag pa nito. Napaisip naman ako kung paano ko makukuha yung specimen galing kay Theo.

Kinabukasan ay agad kong tinawagan si Patrick para tulungan ako sa gusto kong mangyari. Pero hindi parin ang siguarado kung aayon ito sa gusto ko.

"Patrick." Unang salita ko nang tawagan ko ito.

"[Uy bago yan! Patrick talaga?]" Natatawa nitong tugon saakin mula sa kabilang linya.

"Seryoso kasi. I need your help right now." Seryoso na ang boses ko

"[Anong klaseng tulong ba?]" Seryoso narin ang boses nito. Siguro ay narinig ang tono ko na hindi na ako nakikipag-lokohan.

"Pwede mo ba akong kunan ng hibla ng buhok ni Theo?" Agad kong tanong rito. Ayaw ko ng mag-Segue pa at sabihin ko na agad ang pakay ko.

"[Ba't mo kailangan ng buhok ni Theo? Anong gagawin mo dun?]" Tanong nito agad saakin.

Natahimik na ako dahil sa hindi ko alam kung sasabihin ko ba talaga ang dahil rito.

"Basta, kailangan ko lang ito for one of the experiments namin sa work." Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga katagang iyon. Basta nalang ito lumabas mula sa bibig ko.

"[Experiments for your work, huh! Okay then, I'll get it later kapag nag-kita na kami.]" Nag-paalam narin ako rito after ng tawag namin dahil kailangan ko narin tapusin ang trabaho ko.

Tinapos ko na ang paper works na mga naiwan ko ng nag-leave ako para bantayan si Poppy. Kailangan ko rin kasing madaliin ang mga papers dahil meron kaming artifacts na nakuha ang kailangan siyang mai-examine.

"Macie, tapos mo na daw ba yang report?" Napatingin ako doon sa katrabaho ko na nakatayo sa tabi ng cubicle ko.

Umiling naman ako dito bilang pag-tanggi.

"Kailangan na daw kasi iyan mamayang hapon sabi ni Ma'am Agot. Nira-rush din daw kasi sila." Dagdag naman nito saakin kaya naman ay agad kong nagmadali para matapos na ang report ko.

Hindi na din ako kumain ng lunch para narin matapos ko na agad ang report ko. Kung hindi ko ito matapos pwede ring hindi mapirmahan ang leave ko kapag kailangan ko na.

Natapos ko na ito bago pa matapos ang work hour ko kaya naman ay agad ko itong naipasa sa boss ko. Buti na nga lang din at tinanggap nito agad ang report ko at wala nang pinabago dahil wala narin akong oras para baguhin pa ito.

Nakasakay na ako ng taxi nang may biglang nag-text saakin.

From: Ate Kayla.

Mace, sinugod namin sa hospital si Poppy.

"Kuya sa Makati Med po." Agad namang pinaharurot ni Kuya ang taxi nang mapansin nito balisa na ako.

Mabilis akong nakarating sa Makati Med at nagmamadali akong nag-bayad para makapunta agad sa emergency room. Nang makarating na ako sa emergency room ay napansin kong nandun na din ang doctor ni Poppy.

"Doc, anong nangyari kay Poppy?" Nanginginig kong tanong rito.

Seryoso na ang mukha nito at alam kong masamang balita ang dala nito para saakin.

"Miss Escolanda, her liver is failing her. Kailangan talaga ng liver transplant sa madaling panahon."

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now