Chapter 20

30 3 0
                                    

"Girl, mamaya pa ito matatapos ha." Saad saakin ni Chi habang nakaupo kami sa isang bench na malapit doon sa event.

Tumango naman ako rito at pinatuloy ko yung iniinom kong soda habang si Chi naman ay kumakain ng turon na hindi ko alam kung saan niya nakuha kasi wala namang nag-bebenta nito sa paligid namin.

"Wala rin naman kaming class ngayon."

Pagkatapos kong maubos na mainom ang soda na iniinom ko ay tumayo narin ako para sumali sa rally muli. Siguro nang mapansin na nito na wala na ako sa tabi niya ay sumunod narin ito dahil napansin ko nalang na nasa tabi ko na muli siya.

Halos dalawang oras rin ang tinagal namin sa rally pero hindi pa ito tapos nang inaya na ako ni Chi umalis kasi may kailangan pa raw siyang gawin at samahan ko nalang daw siya para may gawin daw ako.

Sumama na ako kasi wala rin akong gagawin sa condo nito kundi ang tapusin yung mga research papers na kailangan kong tapusin.

Ang hindi ko na maintindihan sa sarili ko ay halos ayaw ko ng gawin yung mga kailangan kong tapusin sa mga major kahit dati ay pagkabigay-bigay saamin ay tapos ko na agad dahil gustong gusto ko ito. Parang nawawala na ang pagmamahal ko sa Anthropology.

"Girl, bat tayo nandito?" Napatingin ako sa pinaparkingan nito. Nasa Tagaytay kami ngayon.

"You need to relax, tsaka hindi naman tayo magtatagal. Meron rin ako talagang kailangang kitain dito kaya sinama na kita."

Kahit sa sinabi niya ay hindi manlang ako na assure doon sa gusto niyang mangyari. Dahil sa ugali ng kaibigan ko ay alam kong may tinatago ito saakin na ayaw pa niyang sabihin.

Pumasok naman kami sa Starbucks na nandito na raw ang kikitain nito. Dumiretso ito sa likuran kaya naman ay sumunod ako rito para makita kung sino yung kikitain nito. Papalapit na kami ata nang maisipan ko munang bumili ng kape, hindi narin ako nagsabi kay Chi kasi makikita ko rin naman ito.

Pumunta na ulit ako sa likuran kung nasaan si Chione at agad ko naman itong nakita. Kasama nito sina Rei, mga classmates namin nung high school.

"Uy, nandito kayo." Excited kong lapit sa mga ito.

Tawa lang sila ng tawa dahil sa mukha ko. Gulat na gulat kasi ako. Nung huli ko pang kita sakanila ay nung birthday pa ni Patrick na ilang buwan na ang nakakalipas.

"Bakit kayo nandito?" Hindi ko napigilang mag-tanong. Ang alam ko kasi ay may mga pasok pa ito at mga busy sa buhay. Sina Rei ay sinisimulan na ang kanilang thesis and si Patrick naman ay may training for UAAP.

"Chione said we are going to have a staycation this evening." Balita saakin nina Rei. Natuwa naman ako sa binalita nito dahil gusto ko rin mag-relax nang hindi nasa Manila.

"Then sino ang iniintay natin?" Kasi feeling ko ay nandun na kami lahat dahil alam kong hindi ngayon pupunta si Alice dahil may exams siya ngayong araw. Sila Aki naman ay hindi pumupunta sa mga ganito.

"Wait lang, parating nadin sila in 10 minutes." Sagot ni Chione saakin kaya naman ay tumabi naman ako kay Patrick na may kausap ata sa cellphone nito. Tinuloy ko naman iniinom ang kape kong binili ko kanina.

After ilang minutes ay mau mga pamilyar na katawan ang nagpa-kita saakin.

Si Ethan kasama si

Theo.

"Ethan!" Tawag ni Chione na agad naman lumapit sa dalawang binata. "Diba ang sabi ko agahan niyo ang pag-punta, kami pa ang nauna ha."

Tawa lang ang ginawad ni Ethan rito. Tumayo na din kami and until now ay hindi ko pinapansin si Theo na nakatayo na pala sa tabi ko.

Be For You and Me (Friends Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora