Chapter 28

24 1 0
                                    

"Ano na yung mangyayari ngayon?"

Ayan yung agad kong narinig nang pumasok na si Kuya Maki sa kwarto ni Poppy.

"Kailangan na daw talaga yung transplant. Pero hindi parin alam ni Theo na kailangan namin siya." Malungkot kong sagot rito.

Tumango naman ito saakin.

"Bakit ako kailangan?" Napabalikwas ako sa narinig kong boses. Si Theo nakatayo sa pintuan at seryoso ring nakatingin saakin.

"Ano kasi." Nauutal kong sagot rito habang pumapasok ito sa kwarto. Sina Kuya Maki rin ay nakatingin lang saaming dalawa habang si Poppy ay tulog sa kama niya.

Diretso lang ang tingin nito saakin pero nung napansin niya hindi ko pa siya masagot ay lumapit naman ito sa kama ni Poppy. Titig na titig ang tingin nito sa bata. Parang ako naninigas sa pwesto ko dahil baka mapansin na nito na kamukha niya ang bata.

"What's her name?" Tanong nito habang diretso paring pinag-mamasdan si Poppy.

Lumapit na din ako rito. "Penelope Ivy or Poppy." Sagot ko naman.

"Penelope Ivy, huh!"

Halos na manginig ang buong katawan ko dahil sa sinaad niya. Di ko manlang mabasa kung ano ang iniisip nito. Wala ring nag-sasalita sa mga kapatid ko marahil ay hinihintay din nila kung ano ang sasabihin ni Theo.

"Macie, is she my child?"

Napatingin ako agad rito nang marinig ko ang mga katagang iyon. Nang hindi ako makasagot sakanya ay agad niya akong hinatak palabas.

"Mabilis lang ako." Saad ko kala Kuya habang hatak-hatak ako.

Dinala ako nito sa isang coffee shop na malapit sa hospital. Um-order na muna kami bago kami umupo sa pinaka-tagong pwesto sa loob.

"Macie, what the hell is happening? Anak ko ba si Poppy?" Hindi nito napigilan ang mga tanong nito.

Tumango naman ako bilang sagot. Hindi ko mahanap sa sarili na mag-salita.

"Bakit di mo saakin sinabi?" Halos manginig ang boses na nito at ang mukha nito ay hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Hindi ba ayaw mo naman sa nangyari. You said it yourself, it was a mistake. So it just mean na hindi mo naman matatanggap ang anak ko." Salita ko rito. Ayaw ko ng i-filter pa ang nangyari dahil alam naman nito sa sarili nito na sinabi niya ito.

Napa-tanga nalang ito saakin nang marinig nito ang mga ito.

"Ha? Kailan ko iyon sinabi?" Mukha di nito maalala ang sinabi niya.

Napabuntong-hininga nalang ako sakanya. "Remember, after we had done the deed. You said that was a mistake."

Nakita ko sa mga mata niya na parang siyang naliwanagan at naalala na niya na sinabi niya nga ito.

"Yes, sinabi ko na it was a mistake pero... Macie! I have a daughter! Nag-bunga ang nangyari saatin, bakit di mo manlang nakuha mag-sabi saakin." Tumataas na ang boses nito kaya naman ay agad ko itong pinakalma. He was attracting unwanted attention from other people.

"I'm sorry. I really intended to tell you pero nung nagkaroon na ako ng lakas ng loob. Wala ka na daw sa Pilipinas. Pinadala ka daw sa ibang bansa sabi ni Patrick." Mahinang ko sagot rito.

Ayaw ko ng makipag-away dito dahil narin sa wala namang mangyayari kung mag-aaway kaming dalawa.

"Then, ano itong kailangan mo saakin?" Seryoso parin ang mukha nito. Walang emosyon na kahit anong pinapakita.

"The reason why Poppy is in the hospital right now because she has hepatoblastoma, basically a liver cancer. Medyo late narin siyang naapektuhan nito because it is usually on her earlier years but she's now 5 years old nang nakuha niya ito." Parang tumigil muli ang mundo sa mga sinaad ko.

"Hepatoblastoma? A liver cancer." Tumango naman ako sakanya. Mukhang meron siyang idea kung ano ito. "May idea na ba ang mga doctor kung saan nanggaling ito?"

Umiling naman ako rito dahil hanggang ngayon ay wala parin alam ang mga doctor ni Poppy.

"Ano na daw ang mangyayari?" Tanong nito saakin.

"She's having a chemotherapy right now then we are looking for a liver transplant donor. Hindi kasi ako compatible kay Poppy. Ayun din yung kailangan ko sayo. If you are willing to test if you are compatible pero if you are not comfortable with it. Pwede namang hindi narin." Sagot ko rito. Maganda nang isahan nalang ang sabihan sakanya kesa mamaya niya pa malaman.

"Sinong nagsabi na hindi ako willing?" Nag-liwanag ang mukha ko nang marinig ko ito.

"Then, kailan ka pwedeng magpa-test?" Nagmamadali kong tanong rito.

Ngumiti naman saakin ito. "Ngayon na."

Agad ko itong inaya sa hospital to take the test. Natuwa naman ang doctor ni Poppy nang malaman na magpapa-test na ang ama ni Poppy. Mabilis naming natapos ang test at bukas rin ay makukuha na namin ito. Rush na kasi para narin magawa na ang surgery sa bata.

Bago kami pumasok ng kwarto ni Poppy ay pinigilan ako ni Theo. Parang itong natatae na ewan yung itsura niya.

"Mace, alam ba niya kung sino ako?" Kabado nitong tanong saakin.

Nakuha ko naman kung ano ang gusto nitong iparating. Kung kilala ba siya ni Poppy. Umiling naman ako rito.

"Hind niya alam kung sino ang dad niya. Ang alam lang niya ay busy ang daddy niya kaya hindi niya ito nakikita." Sagot ko naman dito.

"Pero kapag nag-tatanong siya?" Hindi ko mawari ang itsura nito. Siguro narin kasi kaka-alam lang nito na may anak ito tapos may cancer pa ang bata.

"Hindi. Siguro narin kasi sina Kuya palaging nandyan saamin. Tsaka si Zoe din kasi walang daddy." Tumango naman ito saakin. Siguro nakuntento na sa sagot ko pero halata parin na kinakabahan ito. "Kung gusto mo, wag ka na munang magpa-kilala kay Poppy ngayon. Settle your emotions muna." Dagdag ko pa.

Umiling naman ito saakin. "I'm ready."

Pagka-sabing pagka-sabing nito ay binuksan ko na ang pintuan ng kwarto. Agad namang tumayo sina Kuya at Ate nang makitang nandun na kami. Napansin kong gising na din si Poppy na ngayon ay nakikipag-laro kay Ate Kayla.

"Mama!" Masaya nitong bati saakin.

Napangiti naman ako agad dahil sa kasiyahan nito. Tumingin naman ako kay Theo na may ngiti narin ang mga mukha.

"Mama, who is he?" Curious na tanong ni Poppy habang diretsong nakatingin sa ama nito.

Bago pa man akong makapag-salita ay lumabas na muna sina Kuya para bigyan kami ng privacy.

"Uh... He's your dad."

"Mama, I have a Papa?" Masaya nitong tanong saakin.

Agad naman na lumapit si Theo sa bata at yinakap nito ang anak.

"Baby, I'm sorry I am late." Lumuluhang saad naman nito. Sabay kong nakita umiiyak ang mag-ama kaya naman ay unti-unti naring bumagsak ang mga luha ko.

"Papa ko. Papa ko." Ulit-ulit nitong banggit habang mahigpit parin ang yakap nito sa ama.

While they are catching up with each other ay inabala ko na mun ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit. Inilista ko narin muna ang mga gamit na kailangan naming kunin mula sa bahay ko. Buti na nga lang din at nakapag-dala si Ate Kayla ng damit ni Poppy para may masuot pa siya ngayong gabi.

Naisip kong umuwi na muna sa bahay namin para kumuha ng mga gamit.

"Poppy, Theo."Tawag ko sa dalawa. Agad naman silang tumingin saakin mula sa kwentuhan nila. "Uuwi na muna ako sa bahay ko. Kukuha na muna ako ng gamit namin. Nandyan naman sina Ate sa labas kung may kailangan kayo." Paalam ko sa dalawa.

Tumango naman ang dalawa saakin at agad ring bumalik sa kanilang usapan. Natawa ako at nalungkot para sa dalawa dahil ngayon lang nila nakilala ang isa't isa. Ibinilin ko silang mag-ama sa mga kapatid ko sa labas at umalis narin ako.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now