Chapter 14

32 3 0
                                    

"Ate, bakit ganun si Papa?" Naiiyak kong tanong kala Ate nang umalis na si Papa. Sanay naman na akong pinagsaalitaan ng ganun pero hindi ko man maisip na dahil ito sa isang lalaki na hindi naman niya kilala.

"Mace, hindi ko rin kasi alam kung bakit naging ganun si Papa." Pinapatahan ako nila Ate. Nakatayo sila Kuya sa harapan ko.

"Ate naman kasi, ang sakit sakit na. Palagi nalang akong pinag-dududahan. Parang wala na akong magagawang tama sa tingin niya. Ginagawa ko naman lahat ng gusto nilang gawin ko at never akong sumuway sakanila."

Hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi kala Ate, alam ko naman na wala silang gagawin na kahit ano dun sa nararamdaman ko. Wala rin silang ginagawa sa mga ganitong bagay since they are also busy with their own lives.

Bale I mostly with my friends kasi wala rin naman akong nakakasama sa mga kapatid ko.

"Pabayaan mo na si Papa. Alam mo naman overprotective sayo kasi ikaw nalang yung nag-aaral niyang anak." Palusot ni Ate Maya. Alam kong hindi nila ako bibigyan ng solusyon sa nararamdaman ko dahil ayaw nilang makialam sa nangyayari.

Lumabas na muna ako para sana magpa-hangin pero may nakita akong pamilyar na pigyura na nakatayo malapit sa isang sasakyan dun sa parking area. Kaya naman linapitan ko ito para tingnan kung sino iyon.

"Macie, what are you doing here?" Nagulat ako na yung tao pala na iyon ay si Theo. Akala ko kasi ay umuwi na ito. Kasi nung tapos na kaming mag-usap nila Papa ay wala na ito dun sa pinag-iwanan ko rito.

"Theo, akala ko umalis ka na?" Napatanong ako rito dahil hindi ko talaga makuha kung bakit nandun parin ito nang hindi niya pa mag-stay.

"Baka kailanganin mo pa ako. Pero papaalis narin sana ako. Ikaw, bakit nandito ka sa labas? Masyadong malamig at di ka pa nag-dala ng panlamig." After nitong sabihin ang mga iyon ay pumunta ito sa likuran ng kotse at may kinuha siya mula roon. Nang pag-balik niya ay isa palang hoodie, agad naman nitong inabot ito saakin ag malugod ko naman itong tinanggap.

Nitong mga nakaraan na buwan ay sobrang nagiging komportable na ako sakanya, hindi na ako nahihiya o kaya naman natatakot sa masasabi niya.

"Kailangan ko lang mag-pahangin. Para nakaka-sakal na kasi sa loob" Saad ko rito. Siya naman ay ginaya ako nito papasok ng kotse niya. Kahit hindi ko pa alam kung saan kami papunta ay pumasok na din ako dahil alam kong kaya ko siya pagkatiwalaan. Hindi ako natatakot sakanya.

After kong makapasok ng sasakyan nito ay pinaandar na niya yung kotse. Umupo ako nang kung saan ako kumportable at pumikat ng sandali.

Hindi ko manlang namalayan na nakatulog na pala ako sa pwesto ko kung hindi ko pa naramdaman na tumigil ang sasakyan. Nang tumingin ako sa paligid ay napansin kong nasa Antipolo pala kami. Hindi ako nito pinansin at lumapit naman ito dun sa parang fence at umupo dun sa isa sa mga bench kaya naman ako rin ay lumapit at tumabi sakanya. 

"Bakit nandito tayo?" Tanong ko rito at hindi ako nakatingin rito.

He shrugged para sana hindi niya sagutin yung tanong ko pero hindi ko parin siya tinigilan.

"Bakit nga?" Pilit ko rito at sabay sundot pa sa tagiliran nito. Pagka-lipas naman ng ilang minuto ay sinagot niya rin ako. 

"Cause you need to relax." Simple nitong sagot saakin at hindi na muling tumingin saakin. Ako ay napa-iwas rin ng tingin sakanya. 

Napatingin nalang ako sa kapaligiran ko at hindi na kaming nag-salitang dalawa. The view is relaxing enough for me to not think of other things except for what is happening right now. 

Antipolo is far enough to detach me from everything that is happening but also near enough to got there fast enough if something happens. 

Tahimik lang kami parehas at walang nag-sasalita or even attempt to. 

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now