Chapter 16

29 2 0
                                    

"Ate, bukas nalang ako pupunta. Diretso na ako sa memorial park bukas." Kausap ko si Ate Kyle ngayon kasi siya ang nag-aasikaso sa libing ni Mama. Simula nung umalis ako sa memorial house ay hindi ko pa nakakausap kahit sino sa mga kapatid ko.

"[Pupunta rin ba ang mga kaibigan mo?] Mahina lang yung boses na pagkakatanong niya para narin hindi magtanong sila Ate. Hindi rin kasi nila alam na kinakausap ko si Ate Kyle at baka pilitin pa nila akong makausap.

"Opo, kasabay ko na sila pag-punta bukas." Nag-paalam na ako after noon at inayos nalang yung susuotin ko para bukas. Binilhan ako ng plain black dress at black sandals ni Chione. Hindi narin ako napunta sa viewing ni Mama para hindi ko makita sila Papa. Sabi rin kasi nila Alice na nandun daw si Papa at yung anak niya.

Halos nakikibalita nalang ako galing kala sa mga kaibigan ko at kay Ate Kyle. Hindi ko sinasagot ang mga text at tawag ng mga kapatid ko.

"Hija, hinanda mo na ba ang susuotin mo bukas?" Nagulat ako sa biglang nag-salita sa likuran ko. Yun pala yung mayordoma lang nila Chione. Dito muna ako sa bahay nila habang nagpapalipas ng araw.

"Naayos ko na po." Sagot ko rito. Komportable na ako sa lahat ng tao dito sa bahay nila Chi dahil narin sa dalas na nandito ako.

Tumango naman ito bilang pag-tugon sa sagot ko.

"Paki-sabi narin pala kay Miss Chi na hindi raw kayo mahahatid ng driver. Kailangan pa raw nitong sunduin Sir Dame." After niyang sinabi kung ano ang kailangan niya ay umalis narin agad ito. Malamang sa malamang may mga kailangan pang ayusin sa bahay.

Mas komportable akong nandito sa bahay nila Chi o sa bahay nila Ali kasi alam kong napapahalagahan ako. Alam ko walang mali saakin kapag kasama ko sila hindi katulad ng pamilya ko na kailangan ko pang ibigay ang lahat para lang mapansin.

Inayos ko narin yung mga gamit na ginamit ko. Kasi after ng libing, sa condo na ako didiresto. Hindi narin ako bumababa pa para sa dinner, naiintidihan din naman kasi nila Tita na hindi ko pa kaya. Dinadalhan nalang ako ng pagkain o kaya naman babain ko yung plato na iniwan saakin kapag wala ng tao sa ibaba.

School. Bahay ni Chi.

Ayan lang yung pinupuntahan ko ngayong linggo. Wala rin kasi ako masyadong gana gawin yung mga bagay na dati kong ginagawa.

Yung malling, bar hopping, o kaya naman kahit nga mag-basa hindi ko na magawa.

9 PM nang binalak ko nang bumababa para kaining yung tinirang pagkain para saakin nang mapansin kong nakailaw pa yung ilaw ng kitchen. Parang may nag-sasalita.

Si Chione may kausap pa sa telepono niya.

"Yes po, siguro ihahatid naman po kami ni Ethan tomorrow. Ako narin pong bahala sa lahat." Narinig kong sinasaad nito. Kahit ayun lang ang narinig ko ay agad kong alam na isa sa mga kapatid ko ang kausap nito.

Palagi nitong gusto na mairesolba lahat ng problema. Inaako niya yung responsibilidad kahit hindi na kailangan pa.

Hinintay ko munang matapos ni Chione yung tawag niya bago ako pumasok sa kitchen. Lumabas na ito sa isa pang labasan ng kitchen kaya hinid kami nagkasalubong. Nang sigurado na akong wala na siya ay pumasok na ako.

Agad ko naman nakita yung iniwang pagkain para saakin at ipinasok ko ito sa microwave para ipainit. After kong mainit ito ay agad ko rin naman itong kinain at hinugasan ko yung pinag-kaininan ko.

"Macie! Mace! Wake up! We need to go na within an hour!"

Naririnig kong kalampag ni Chione sa pintuan ko. Agad naman akong tumayo para mag-ayos ng sarili.

Habang nag-aayos ng buhok ko ay napatingin ako ng maigi sa sarili ko. Isa na akong anak na ulila sa ina. Wala na si Mama at posible pang mawala na si Papa. Sarili ko nalang yung iintiihin ko, wala nang iba pa. Ganun namn dait pa, sarili ko ang kailangan kong atupagin.

Simple lang yung ayos ko. Simpleng powder and liptint lang at pinuyod ko nalang pataas ang buhok para maliwalas sa katawan.

"Girl, tara na." Inaya na niya ako sa labas nang makita niya akong pababa ng stairs. Sumakay naman ako agad dun sa sasakyan na gagamitin namin. At as usual kay Ethan, kasi kung nasaan si Chione nandun rin ito.

"Macie, how are you?" Seryosong tanong ni Ethan saakin nang makapasok na ako ng sasakyan.

Ngumiti naman ako sakanya. "Sakto lang. Bale kakayanin."

Tahimik na naming tinahak ang daan papuntang memorial park at mabilis naman kaming nakarating doon. Wala pang tao nang makarating kami kaya naman ay nag-hintay na lamang kami sa sasakyan.

Kumain narin kami muna nung pagkain dinaan namin sa isang fast food chain. Hindi na kasi kami nakapag-agahan sa bahay nila Chione dahil late na kami parehas na nagising.

"Nandyan na sila." Napatingin ako doon sa direksyon na itinuro ni Ethan at oo nga sila Ate. Nag-lalakad sila mula sa malayo kaya naman bago pa man silang makalapit ay agad akong bumaba ng sasakyan at pumunta doon sa lilibingan kay Mama. Kasama ko naman si Chione habang si Ethan naman ay pinatay yung sasakyan.

Dumiretso ako doon sa pinakaunahang upuan at doon ako umupo habang binabati naman nila Chione at Ethan yung mga kaibigan kong pumunta. Napansin ko din kasama ni Papa yung anak niya. Sa loob loob ko ay hindi naman niya kailangan pang pumunta dahil hindi na si Papa yung patay kundi yung nanay kong niloko nila ng nanay niya.

Nang mapansin ako ni Kuya ay agad siyang lumapit saakin para yakapin at agad rin naman tinugonan ng mahigpit na yakap. I got comfort from him. Alam ko rin na naririhapan din si Kuya sa nangyayari pero hindi lang ito pinapakita dahil saamin, kasi kailangan niyang maging malakas para saaming mga kapatid niyang babae.

Namataan ko na yung sasakyan na laman ang kabaong ni Mama kaya yung mga tao naman ay agad nag-ayusan ng pwesto. Sila Chione at Alice ay pumewsto sa sunod na upuan ko.

"Tayo na diyan" Bulong saakin ni Kuya, kaya naman ay agad akong tumayo para salubungin ko yung kabaong ni Mama.

Tumabi na kay Kuya sila Ate habang si Papa ay nasa kabila ng aisle. Hindi ko sila tinitingnan kahit ramdam kong pinsan patingin-tingin ito saakin. Hindi ko pa rin kasi alam kung anong sasabihin ko rito.

Nang matapos ang prayers and readings ay sinimulan na ang eulogy. Unang tumayo si si Ate at sinundan ng mga kapatid ko, nang matapos ni si Ate Maya ay ako naman ang tumayo para sa sasabihin ko.

"Good morning everyone." May maliit akong ngiti kasi ayaw ko ng masyadong seryoso. Mula sa tinatayuan ko ay kitang-kita ko ang lahat ng taong dumalo. "Mama. My Mama has always been the only constant thing in my world. No matter what happen she always has my back just supporting me and just going to rescue me when something is going wrong. She never once wavers her belief towards me and never questions me for what is happening. Even in my position in the family she still continued to give me the love she was giving to my siblings and I am thankful for that. Mama never forgot to comfort me when things are getting hard or even smile with me when things are better."

Tumigil ako muna bago ko sabihin ang mga huli kong sabihin. Isa-isa kong tiningnan ang mga mukha ng mga taong kasama namin dito at nakikiramay. Huli kong natingnan ay ang mukha ni Theo na nasa likuran.

"I just want to say that tomorrow is another day and it is another day without her but we continue living knowing she is with him and not hurting anymore. Mama would always be on my heart and I hope she is also on yours." Nang matapos ko na ang sinabi ko ay unti-unti narin bumagsak ang mga luha ko.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now