Chapter 13

34 2 0
                                    

Nung araw na iyon ay doon ko naramdaman yung pag-bagsak ng buong mundo ko. I do not know what my purpose is dahil bawat araw ng pag-mulat ko ay si Mama yung nasa isip ko. She became my responsibility for the last years.

Its been two days since the day the light vanish through the eyes of our family. We do not know how we are going to cope with what happened to our family. Mama was always the one who took the role of being our glue. Now that she is gone, hindi namin alam kung ano na ang mangyayari.

"Mace, hinahanap ka na ng Papa mo." Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Alice. Tumango naman ako rito at tumingin sa kalangitan bago ako sumunod rito.

Nakita ko yung mga kapatid ko na nasa unahan na naka-upo lang. Habang sila Chi at sila Rei ay nasa likuran nag-eentertain ng mga nakikiramay.

"Pa." Tawag ko rito ng makalapit na ako. Kasama nito yung mga kumpare nito. HUmarap naman ito saakin at nag-paalam yung kumpare ni Papa at nag-tungo ito sa snack table.

"I-text mo ang pinsan mo at alamin mo kung kailan sila dadating." Utos nito saakin. Tumango naman ako at minessage ko yung isa kong pinsan na nasa ibang bansa para malaman kung kailan sila dadating.

Ilang araw narin na naka-lamay si Mama at hinihintay naman naming dumating yung mga kapatid ni Mama na nasa probinsya at ibang bansa. Ayaw na sana pa nila Ate na hintayin pa sila Tita pero ayun din kasi yung gusto ni Mama na makasama niya yung mga kapatid niya hanggang sa huling hantungan niya.

I've been working on it for two days now with a huge amount of coffee throughout my body. Hindi rin kasi ako makatulog o makapag-pahinga manlang. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makapag-pahinga manlang dahil maski mga kaibigan ko ay ipinipilit na akong magpa-hinga at sila na muna ang bahala dun sa pwesto ko.

Naiirita na nga saakin si Chi at Alice dahil sa sobrang mugto ng mata ko at nangingitim din yung ilalim ng mga mata ko. Hindi ko na daw inaalagan ang sarili.

Kasi naman aside from the funeral na inaasikaso ko ay pati yung mga modules na pinagawa saakin ng prof ko para makahabol ako sa class ko ay ginagawa ko in-between sa lahat ng nangyayari.

"Mace, si Theo nandyan na siya." Hindi ko napansin na lumapit na pala saakin si Alice kaya naman tumango ako rito at tinungo yung tinutukoy ni Alice na nandyan daw si Theo.

Kung ilang araw ng nakalamay si Mama ganung araw narin na nandito o pumupunta si Theo. Hindi ko nga alam kung bakit niya ito ginagawa eh wala naman itong connection saakin or kay Mama, o kaya naman maski sa mga kapatid ko. Pero mukhang tuwang tuwa pa sila Chi nang nakikita nito na nandito ito.

"Hey." Blank face lang siya at walang emosyon na lumalabas sa mukha nito at hindi ko rin naman ata gustong malaman kung ano ang nasa isip nito.

"Hello."

Umupo kami sa isa sa mga banches dito sa loob ng memorial room. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala ito na isang styrofoam cup na may laman na instant coffee. Pero hindi naman nito ibinibigay saakin kahit alam naman nito na kailangan ko ito. Pero hindi na ako nag-salita at dahil mukhang kailangan rin nito yung at sasabihin ko, mukhang mas kailangan niya ito kesa saakin.

"How are you?" Mahina ang boses nito nang tinanong niya ako at malayo rin ang tingin nito parang may iniisip siya.

"Okay lang. Handa narin na kasi ako." Nakatingin lang ako sa sahig ng sinasaad ko iyon. Matagal na namin alam na malapit na yung panahon na kukunin na si Mama saamin pero kahit pala gaano na kami kahanda ay masakit pa din. Masakit pa din na kahit alam na namin ay hindi pa rin namin talaga tanggap, tanggap na mawawalay na si Mama saamin. 

After nun ay tumayo na din kami mula sa upuan at tinungo sila Chione at Alice. Nandun lang naman na sila sa isang gilid, they are looking at me na may mga seryosong mukha. 

"Girl, papunta na daw sila Patrick and Rei. May tumawag din pala sa phone mo kanina, she said na sorry daw at hindi siya makakapunta." Balita saakin ni Alice kaya naman tumango ako rito at kumuha ng crackers dun sa snack table. 

Inabutan ko rin ng pagkain si Theo pero tumanggi ito at kumuha nalang siya ng mineral water bottle. Tumingin ako sa paligid ko and the place is bustling with mourning people, they are all mourning for the loss life of my mom pero gusto kong sabihin sakanila na hindi nasayang ang buhay ni Mama. Dahil lumaban ito at lumaban ang pamilya niya para sakanya. Gusto kong isipin na walang nag-kulang at lahat kami ay binigay ang lahat para mapahaba buhay ni Mama. 

Hindi ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko kung hindi pa ako inabutan ni Theo ng tissue. 

"Please, wipe your tears." Mahina nitong bulong saakin kaya naman malugod ko itong tinanggap at pinunasan ko ang luha ko. 

The wake is still slow since hindi pa dumadating yung mga kamag-anak namin na mga galing sa probinsya at abroad. Siguro sa sobrang pagod ko ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako na nasa loob ng ako nung suite. 

Lumabas ako at nakita ko na halos wala ng tao dito sa lamay. Ang mga natitira lang ay sila Ate at Kuya pati si Papa. Lumapit ako kala Ate at umupo sa tabi nila. Tumingin naman saakin sila Ate at kinamusta ang tulog ko. 

"How's your sleep, Mace?" Naka-ngiting tanong ni Ate Maya saakin. 

"Okay lang po. Sino nga pala ang nag-dala saakin sa suite?" Hindi ako nakatingin habang sinasaad ko ito. Gusto ko kasing malaman kung sino yung nag-dala saakin sa kwarto at nag-bigay saakin ng komportableng makatulog. 

Ngumiti ng malawak si Ate Kyle. Kaya napa-tanga ako dun sa sunod niyang sinabi.

"Si Theo, yung friend mo. Bigla ka kasing nakatulog sa balikat niya at hindi naman ikaw kaya ng mga kaibigan mo. Kaya nag-presenta siyang siya nalang daw ang mag-dala saiyo sa kwarto." Kwento ni Ate Kyle kaya naman ay tumango naman ako rito. 

"Anak, sino ba yung si Theo? Bakit siya palagi nandito. Given na sina Chione at Alice pero sino ba talaga si Theo para saiyo?" Nagulantang ako sa sinaad ni Papa. Hindi ko maisip kung bakit niya ito itatanong saakin. 

"Pa! Ano ba naman yang tanong na yan." Napa-taas yung tono ng boses ni Kuya dahil dito. Nagugulat ako sa mga lumalabas na mga salita galing kay Papa. 

"Sabihin mo saakin ang totoo, Macie Anne." 

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now