Chapter 10

33 3 0
                                    




What the hell is happening this time around. Akala ko tapos an yung problems namin kay Mama after the solution Chione's Dad gave us. Pero hindi pa pala.

Nandito ako ngayon sa ospital to visit Mama in her room. Nakita ko si Chione na palabas din ng isang room.

"Uy, Chi. Sino binibisita mo? Turo ko dun sa pintuan na nilabasan niya.

"A' yung sister ni Ethan. Inoperahan kasi. Uy, ang tagal na nating hindi nag-kita. Simula nung birthday pa ni Alice, hindi ka na nagawi sa bahay." Umupo na muna kami sa isa sa mga benches para doon mag-usap bago ako pumasok dun sa kwarto ni Mama.

"Just got busy. Baka hindi narin muna ako makasama masyado. Marami ako ngayong ginagawa kasi." Dahilan ko rito. Tumawa naman ito sa narinig niya.

"Then, are you visiting your Mom now?" Seryoso na bigla nitong tanong saakin. Tumango naman ako bilang sagot sakanya.

"Gusto mo bang bumisita?" Aya ko rito pero umiling naman ito at sinabing may kailangan pa sila puntahan nila Aki. Nag-paalam narin kami sa isa't isa at sinabihan niya ako na sabihan lang siya kung may problema ako.

After niyang umalis ay pumasok na din ako sa loob ng room ni Mama. Nakita ko si Kuya na ang nag-babantay kay Mama.

"Sino yung kausap mo?" Usisa nito saakin nang maka-upo na ako dun sa sofabed dito sa kwarto ni Mama.

"Si Chi, Kuya. Binisita niya yung isa niyang friend sa kabilang kwarto." Humilata na muna ako sa sofa bed dahi natutulog pa naman si Mama at mamaya pa yung mga check ups ni Mama doctor niya. "Si Papa pala?" Hanap ko dahil pansin ay wala siya ngayon rito.

Bumalik si Kuya sa upuan niya sa tabi ni Mama pagkatapos niyang kumuha ng kape.

"Bumisita yung kumpare ni Papa kani-kanina lang. Hinatid niya lang sa sakayan at umuwi na muna siya para kumuha ng iba pang gamit." Tumango naman ako sa sagot niya saakin. Siya naman ay patuloy lang sa pag-lalaro sa cellphone niya.

Ako naman ay nilatag ko ang laptop at mga libro ko dun sa coffee table na nasa harapan ko. Kailangan ko kasing gumawa ng report ko. Hindi ko napansin yung oras hangga't hindi pa dumating si Papa mula sa bahay.

"Anak, sana sa bahay mo na yan ginawa. Pwede ka namang pumunta dito kung kailan may oras ka na." Napatingin ako kay Papa na inaayos na ang mga gamit na dala niya.

"Pa, alam mo naman kung bakit dito ko ito ginagawa." Malungkot na yung boses ko. Tumawo naman ito dahil naiintidihan niya kung ano yung ibig kong sabihin.

Bumalik kami sa katahimikan ng pumatak na ang oras ng 6 PM at nag-pasukan na yung mga nurse to check her pulse and everyhting kaya kami naman at umalis na muna para mabigyan sila ng space to work. Dahil alam narin namin na abala kami sakanila.

Mabilis naman silang natapos at binigyan na din ng pagkain si Mama. Tinitingnan ko palang yung pagkain na ibinigay Mama ay para hindi ko kayang sikmurain kasi alam kong walang lasa. Nang pumatak na ang 8 PM ay tumayo na si Papa at Kuya para narin umuwi na muna.

Ako kasi ang mag-stastay kasama ni Mama dito sa ospital. Gabi lang din kasi ang oras ko para mag-bantay. Madali lang namang mag-bantay kay Mama kasi halos wala rin namang kailangang gawin except samahan siya sa restroom or magpalit lang ng shirt niya. Usually hindi rin naman kami yung gumagawa nun since there is a caregiver na gagawa nun for us.

Hindi rin naman ako masyadong naa-abala dahil kung magigising si Mama ay kukunin lang niya yung coloring book na nasa tabi niya then matutulog nalang din ulit siya.

Dito na ako nag-mumula mula dito sa ospital papuntang campus. Kaya minsan sobrang late na ako at hindi ko na napapasukan yung mga klase ko.

"Miss Escolanda, you are always late? Also your paper works are trash! I cannot even call it a proper written work." Galit na saad ng professor ko saakin. Nag-uusap kami sa dito sa loob ng room pa. Kinausap niya ako right after ng klase namin.

"Sir, kasi." Pauna ko rito pero ayaw niya akong pakinggan.

Tumayo ito mula sa pag-kakaupo niya. "Mis Escolanda, stop the excuses and start handling your responsibilities. You are not a child anymore wherein your parents are going to work everything for you. I also heard you are a scholar? Then don't waste the money they are spending on you." After niyang sabihin iyon ay lumabas na ito ng room at ako naman ay naiwan mag-isa.

Sumundo naman akong lumabas rito habang iniisip ko yung mga sinabi ng prof ko saakin. Alam ko rin mismo sa sarili ko na napapabayaan ko yung studies ko because of the news about my Mama.

Pero hindi ko rin pwedeng mapabayaan ng tuluyan yung grades ko kasi hindi naman kaya ng family ko na magpa-aral ngayon lalo na sa lahat ng hospital bills ni Mama. Wala ring trabaho si Papa kasi umuwi lang siya para maalagaan si Mama. Kung mawawala itong scholarship ko hindi na muna ako makaka-tuloy ng sem.

Biglang nag-ring yung phone. Pagka-kita ko si Alice pala.

"Hello?" Umupo na muna ako sa isa sa mga benches. Since isang oras pa yung free time ko.

"[Mace, kamusta na si Tita? Sorry hindi ako maka-bisita. Alam mo naman na malapit na yung finals week.]" Tanong nito saakin. Alam ko na they are all busy kasi maski naman ako ay maraming ginagawa pero napapabayaan ko nga lang because of what is happening.

"Okay lang yun. Ganun pa din si Mama, maski yung doctor niya ayaw na siyang operahan pa kasi sobrang liit lang daw ng possibility na gagaling pa si Mama. After her stroke 3 years ago dapat daw ay functioning na ulit siya pero hindi daw iyon nangyari. Binabantayan nalang siya sa ospital at pinapahanda na din kami for the worst to come." Malungkot kong sagot rito.

Rinig kong napabuntong-hininga si Alice sa narinig niya.

"[Mace, if you need anything sabihin mo lang saamin. Kahit ano pa yan. Ayusin ko lang yung sched ko then bibisita ako kay Tita]" Bilin nito saakin. Alam na alam ko na seryoso yung mukha nito kahit hindi siya nakikita.

"Okay, let me know kung kailan ka pupunta ha." Nag-paalam narin kami sa isa't isa after that. After talking to her ay pumunta muna ako sa Gonzaga to look for a drink and after that at dumiretso na din ako sa sunod ko pang klase.

I know to myself that I really needed to catch up on my classes because I really needed to work on them. Kasi kung hindi ko iyon gagawin ay pwedeng mawala saakin yung pinag-hirapan ko buong years ko nung high school.

Pumwesto ako sa pinaka harapan para mapilit ko talaga yung sarili ko na makinig dun sa lesson dahil kung hindi ko iyon gagawin baka iba iba yung isipin ko at hindi ako matuto pa.

I need to prove everyone that I can do more just because I am the youngest one. Out of the siblings ako nalang din yung naka-asa pa sa parents namin. Even my older brother that is supposed to be still studying at nag-tratrabaho na din. Kaya na nilang suportahan yung mga sarili nila habang ako binibigyan parin ng allowance ng magulang namin.

Halos buong araw akong kinakausap ng mga prof ko about my performance. Halatang-halata na daw na I am not myself and hindi rin naman din nila pwedeng doktorin yung grades ko since it is against the rules. Sorry naman ako ng sorry at dinadag ko na gagawin ko na lahat at pag-bubutihan ko pa.

Umuwi na muna ako sa bahay namin para doon na muna ako mag-aral since wala namang tao dito. Sila Papa mamaya pa uuwi after the visiting hours then sila Ate naman sila ang mag-babantay kay Mama ngayon.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now