Chapter 5: The Firsts

1.9K 9 0
                                    

Chapter 5: The Firsts

Ang taas na ng sikat ng araw ng magising ako. Napuyat ako kakaiyak kagabi eh. Anong oras na nga pala? Kinapa ko yung orasan sa bedside table, pagtingin ko..

“What?! 10am na!” napabangon bigla. Shoot! Di ako nakapasok sa first class ko! Badtrip! May quiz pa naman kami dun :(

Kumilos nalang ako, naligo na ko para kahit papano maging maaga naman ako sa second class ko

“Hija, bakit hindi ka isinabay ng kuya mo?” nagtatakang tanong ni yaya. Ang ganda ng bungad nya sakin ah!

“I don't know ya.. Baka di nya lang ako trip isabay ngayon” pero nagtaka rin ako eh. sa dalawang taon ko sa college ngayon lang ako hindi isinabay ni kuya sa pagpasok at dahil yun sa Cheska na yun. I hate her forever!

“Oo nga po pala ya, anjan po ba ung driver? Papahatid nalang ako”

“Oo anjan siya, teka tawagin ko lang”

Naupo nalang ako sa sofa habang hinihintay sila yaya. Check ko muna ulit Twitter ko. Dami ko nanaman mentions, but this one caught my attention

@MarkAdrian: Sungit naman ni @FranForts! Dineadma ung tweet ko =(

@FranForts: Huy @MarkAdrian! Hindi ako masungit no.. I fell asleep last night kaya hindi ako nakareply

Nakakaloka naman itong si Mark! Hindi lang nakareply masungit agad, hindi ba pwedeng nawalan ng net or whatsoever?

@FranForts: Woke up late today. Missed my first class, may quiz pa naman :(

“Hija, anjan na yung driver. Ihahatid ka na daw nya” nakakagulat naman itong si yaya, bigla bigla nalang sumusulpot. Kung may sakit lang ako sa puso inatake na ko

“Ah o sige po ya. Thank you!” tumayo na ako at pumunta sa garahe, hinihintay na ako ni Mang Kiko eh at baka malate pa ako kung aalis ako dito ng 12

-UST-

“Thank you po Mang Kiko sa paghatid!”

“Susunduin ba kita mamaya, hija?”

“Wag na po Mang Kiko”

“Oh sige.. Ingat ka ha”

“Opo.. Thank you ulet!” at bumaba na ako ng kotse

Nakarating ako sa gate ng UST ng saktong 12, stop muna ako dun kasi prayer pa, bawal pang maglakad. After 3 minutes, natapos din ang prayer. Pumunta muna ako sa McDo para maglunch, gutom na ko eh. Hindi ako kumain sa bahay

Habang kumakain ako naisipan kong magsoundtrip, ang emo ko naman kasi dito, mag-isang kumakain. Hindi pa man natatapos ang isang kanta may kumalabit sakin..

“Hey Mark!”

“Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Kristin at yung pinsan ko?” sunod sunod na tanong nya sakin. Imbestigador lang peg ni Mark oh haha!

“Hindi ko alam eh.. Hindi ko naman tinext si Tin, kakapasok ko lang kasi”

“Ah kaya naman pala.. Pwede ba-” hindi natapos ni Mark yung sasabihin nya kasi bigla syang tinawag nung mga friends nya. Epal naman oh!

“O sige Frances, una na ko ah.. Tinatawag na nila ako e” paalam nya sakin

“O sige.. By the way, just call me Fran. Di ako sanay sa Frances eh” tapos nginitian ko sya. Tamang pa-cute lang haha!

Maya maya lang bigla namang umupo si Kuya Teng sa tabi ko..

“Bakit di mo kasabay si Cap kanina?” nagtatakang tanong nya sakin. Pangalawa na to ah, sana naman wala na mamaya

Winning the heart of the Tigers (Editing)Where stories live. Discover now