Chapter 7: Revelations

1.9K 8 2
                                    

Chapter 7: Revelations

“Cheska Florentino?!” gulat na tanong ni Almira

“Yeah, bakit parang gulat na gulat ka naman Mira?” nagtatakang tanong ko

“Ah wala.. I know her kasi..” matipid na sagot niya. Parang may tinatago sakin tong si Almira. Ayaw lang nito magsalita kasi andito si Jeron, mamaya to sakin

“Ah talaga? What a small world”

So balik kwentuhan kami, kunyari nakalimutan ko na yung pagkagulat nya kay Cheska. Eto namang si Jeron text ng text at parang may inaantay. Wag mong sabihin may girlfriend na tong si Jeron </3

“Fran, ditse.. Wait lang ha? andito daw kasi sila Thomas eh, nakikipagkita sakin” paalam ni Jeron samin. Thomas? Sino naman yun? Lalaki naman pala ang katext nya, kala ko naman may girlfriend na sya

“Ah ganun ba? Sige you meet them na. Tell Thomas I said hi ah?” sagot naman ni Almira

“Okay, I will” sagot nya kay Almira “Sige Fran, alis muna ako. Nice meeting you, again” paalam naman ni Jeron sakin

“Okay, bye Jeron!”

Nang makaalis na si Jeron, si Almira biglang naging tahimik parang ang lalim ng iniisip. May tinatago talaga to sakin

“Hoy Almira! It's your turn.. Tell me what's bothering you”

“Wala! Ikaw Fran ginagantihan mo ako ah!” tumatawang sabi nya. Haynako Almira! Hindi mo ako madadaan sa tawa mo

“Alam ko kanina nahihiya kang magkwento dahil andito si Jeron, pero ngayon tayong dalawa nalang nandito o, kaya wag ka ng mahiya” pagpupumilit ko naman sakanya na magkwento

“Ano kasi Fran.. I don't know if I should tell you this or not.. Baka lalo lang magkagulo..”

“What do you mean na baka lalong magkagulo?” naguguluhang tanong ko. Pinakakaba naman ako nitong si Almira eh.. Ang daming paligoy ligoy

“Wala.. Forget it nalang Fran” pag-iwas nya

“No Almira.. Tell me.. Is this about Cheska?”

 Tinitigan muna ako ni Almira sa mata bago sumagot, “Yeah”

“What about her?” seryosong tanong ko

“I've known this girl since highschool. We were schoolmates in Poveda and hindi maganda ang reputation nya dun. My schoolmates even gave her a title. Some of these are “Girlfriend ng bayan” “Mang-aagaw ng boyfriend” at isa na ako sa mga nakapagpatunay na totoo yung mga titles na binigay sakanya. Two years na kami nung boyfriend ko nun nung bigla syang umeksena samin. At first okay lang sakin cause I thought she's my boyfriend's friend. Hindi ko sya pinagduduhan and all. Then after a few months, biglang naging cold si Gab sakin. I found out that he's cheating on me. Matagal ng sinasabi sakin ng mga schoolmates ko na nakikita nila si Cheska na lumalabas with my boyfriend. Pero I did not listen to them. I always tell them that Cheska is Gab's friend that's why they hang-out together. Naniwala lang ako na may relasyon yung dalawa nung nakita namin sila ni Jeron sa Promenade, magkaholding hands. I didn't know that time na Shoti and Gab know each other. Nilapitan namin sila kasi nga magkakilala sila ni Shoti. And Shoti asked him if Cheska is his girlfriend, hindi makasagot nun si Gab, nakatingin lang sya sakin. Si Cheska nalang ang sumagot, boyfriend nga daw nya si Gab. Hindi ko ipinakita ang galit ko nun kasi nga I was with Shoti and he doesn't know that I have a boyfriend that time. After ng pagkikita namin nun hindi ko na tinext si Gab. Lagi nya akong tinetext at tinatawagan pero kahit isang beses hindi ako sumagot. Dahil nga kinukulit nya ako lagi, I decided to change my number. Tapos eto namang si Cheska proud na proud na boyfriend nya si Gab. Dahil dun mas dumami yung nagalit sakanya. I'm kinda popular in Poveda way back in highschool cause I'm Jeron Teng's sister and there were a lot of girls who go gaga over him. And I was the president of our org. And lastly, mabait kasi ako sa sakanila. I answer all their questions about Jeron. At minsan ako pa ang nagbibigay ng mga food na pinapaabot nila. Kaya ayun parang halos lahat sila kinampihan ako. Simula nun, Cheska and I became enemies. Lagi kaming nagpaparinigan pero hindi naman kami umabot sa physical na sakitan. Hanggang sa gumraduate kami ng highschool magkaaway kami. At ayun nga, hanggang college sinundan ako sa UST. At bali-balita marami na siyang nabiktima sa school. May mga naging boyfriends sya sa Commerce, AB, Engineering at CTHM. Kaya nga nung sinabi mo na dapat ihahatid ka ni kuya Forts tapos biglang may tumawag sakanya na-curious ako kung sino.. Hindi naman kasi malayo na pati ung team landiin nya. May itsura naman kasi sya kaya hindi imposibleng pansinin sya. At alam mo bang muntik na syang ligawan ni Ahia? Buti nalang nakwento ni Ahia sakin kaya nasabihan ko sya, hindi na nya itinuloy yung plano nyang ligawan yun. Ngayon Fran alam mo na kung bakit nagulat ako nung sinabi mo yung name ni Cheska”

Hindi ma-proseso ng utak ko yung mga sinabi ni Almira sakin. Parang ang gulo gulo kahit napaka linaw naman ng pagkakakwento nya

“Kaya pala nung napag-usapan namin sya kahapon ni kuya Teng parang ayaw niya kay Cheska. Pero bestfriend nya si kuya diba? Bakit hindi nya pinagsabihan si kuya tungkol dun sa babaeng yun?”

“Hindi ko masasagot yang tanong mo Fran. Only Ahia can answer your question”

“Teka lang Almira ah? Hindi ma-absorb ng utak ko yung kwento mo eh. Kawawa naman yung kuya ko kung lolokohin lang nya” nag-aalalang sabi ko

“Hindi naman natin alam Fran, malay mo nagbago na si Cheska”

“Ayoko naman sabihin to kay kuya kasi ako nanaman mapapasama eh” naiiyak kong sabi kay Almira. Lagot tong Cheska na to sakin pag niloko nya si kuya

“Wag mo na munang sabihin kay kuya Forts Fran. Alam mo naman na galit pa sya sayo, hindi ka paniniwalaan nun”

“Hahayaan ko nalang na sya ang makadiscover” parang ansama sama kong kapatid!

Hindi na namin pinag-usapan pa ni Almira si Cheska. Alam nyang lalo lang akong nagagalit sa babaeng yun at syempre alam ko rin naman na nasasaktan sya dahil nga wala naman silang naging closure nung EX nya. Panira talago yung Cheska na yun!

Naisipan namin ni Almira na mag-shopping nalang, just like what we always do pag girl bonding namin

Pumasok kami sa isang shop, tumitingin ako sa sang side ng store at si Almira naman nandun sa kabilang side tumitingin. Habang tinitingnan ko yung mga blouses, naatrasan ako nung isang lalaki

“Ouch! Tumingin tingin ka naman kasi sa likod mo” inis na sabi ko dun sa lalaking nakaatras sakin, naapakan kasi nya ako

“Sorry miss.. I didn't see you eh.. I'm really sorry..”

“Fran? What's happening? Are you okay?” sunod sunod na tanong ni Almira sakin, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya samin

“Almira?” eh? kilala nitong lalaki si Almira

Napatingin si Almira dun sa lalaki, “Oh Thomas! What are you doing here? Where's Jeron?” ah okay, so sya pala yung nakipagkita kay Jeron

“Bibili daw kasi si Jeron ng damit kaya sinamahan ko dito” oh sige mag-usap kayo na parang wala ako dito

“Ah ganun ba? Anyway, Thomas meet friend and Kuya Forts' sister, Fran. Fran, meet Thomas, friend and teammate ni Jeron”

“Hi Fran! Thomas” then nakipagshakehands sya, “Hello! I'm Fran”

“Fran, I'm really sorry ah? Hindi kasi talaga kita napansin sa likod ko” mukhang mabait naman pala itong Thomas.

“No, it's okay.. Forget it nalang” nakangiting sabi ko naman

“What happened ba?” tanong ni Almira samin

Winning the heart of the Tigers (Editing)Where stories live. Discover now