Chapter 8: Let's hear the side of the Tiger

1.8K 11 2
                                    

Chapter 8: Let's hear the side of the Tiger

-Jeric's POV-

Bukas na namin against Ateneo, hindi ko alam kung manunuod ba si Fran pero sana naman, sya yung lucky charm ko eh, pag hindi sya nanunuod talo kami at hindi ako nakakagawa. Bakit kasi kailangan pa naming mag-away? Ito ang first time na nag-away kami ng ganito. Usually tampuhan lang. Bakit kailangan umabot pa sa time na kailangan kong mamili sakanilang dalawa? Kung tutuusin pwede naman na dalawa sila sa buhay ko. Ang dami dami kong tanong but I can't seem to find the answers

Tapos feeling ko pa Fran is super mad at me kasi hindi ko sya sinabay kahapon, nabasa ko kasi sa tweet nya na na-missed nya yung first class nya na may quiz sila. Balita ko nga kasama nyang nag-lunch si Teng. Eto namang bestfriend ko hindi man lang sinabi sakin, siguro alam na rin nun ngayon na magkaaway kami, parang kuya at bestfriend na rin sya ni Fran eh. Tapos narinig ko pa dun sa mga babaeng dumaan sa harap ko na nagpunta daw si Teng sa building nila Fran, hinatid daw si Almira at Fran sa mga classrooms nila. Mejo nabadtrip ako kay Teng nung narinig ko yun. Bakit nya hinatid si Fran?! Yung si Almira okay lang eh, kapatid nya yun pero yung pati Fran? Hindi naman nya kailangan gawin yun e, kaya ni Fran maglakad mag-isa! Naalala ko nanaman tuloy yung dapat na ihahatid ko si Fran, isa yun sa mga dahilan kung bakit nagalit sya sakin. Pero parang hinatid ko din naman sya nun, andun na nga kami sa building nila eh. Ito rin ba ang dahilan kung bakit naghahanap sya ng ibang maghahatid sakanya?

Eh kung kausapin ko na kaya si Fran? Wag nalang muna siguro, galit na galit pa yun sakin eh. Alam kong sobra ko syang nasaktan sa mga sinabi ko nung isang araw

-Flashback-

“That's it! Mas importante sya kesa sakin na kapatid mo!” hindi na napigilan ni Fran na umiyak habang sinasabi yan. Alam mong hindi totoo yan Fran, mahal na mahal kita. Gustong gusto kong sabihin sakanya pero hindi ko masabi ngayon

“Oo! Importante sya sakin because I love her. And I want you to respect her and treat her nicely. Just like how you treat your friends” mas lalo pa ata syang nagalit nung sinabi ko to sakanya, na-misinterpret nya ata yung sinabi ko, baka isipin nya na mas importante si Cheska kesa sakanya.. Well, importante si Cheska sakin pero syempre mas mahalaga naman si Fran sakin

“You can’t force me to treat her nicely just because you love her! Intindihin mo rin naman yung nararamdaman ko kuya!” patay! galit na galit na nga sya sakin tapos dumagdag pa yung mga luha nya. Gustong gusto ko na sya yakapin at patahanin pero hindi ko ginawa kasi gusto kong malaman kung bakit ganun sya makitungo kay Cheska. Gusto ko lang naman na makitang magkasundo sila tulad ng ibang kapatid ng mga players kasama yung mga girlfriend nila na nanunuod tapos nagchi-cheer. Yung ganun, kaya naman tinanong ko siya

“Ano ba kasing problema  mo sakanya ha?” hindi ko sinasadya pero nag-iba yung tono ng pananalita ko, yung para bang galit ako nung tinatanong ko sya

“Galit ako sakanya dahil hindi mo sinabi sakin na nililigawan mo sya! You keep it a secret. And that is the first time that you keep a secret to me kuya! Simula bata tayo lahat sinasabi mo sakin” parang mejo nainis ako sa sagot nya sakin napakababaw naman masyado ng dahilan nya kung bakit ayaw nya kay Cheska

“Hindi lahat ng bagay kailangan kong sabihin sayo Frances! Kapatid lang kita, hindi kita magulang na dapat lahat ng galaw ko ay alam mo! Buhay ko to kaya hindi ko kailangan ireport sayo lahat ng desisyon o plano ko. Bahala ka kung ayaw mo syang tratuhin ng maayos. Wag mo lang ipapaalam sakin na may ginagawa kang masama sakanya! Dahil papatulan talaga kita Fran. Tandaan mo yan!” nabigla din ako sa mga sinabi ko kaya lumabas nalang ako sa kwarto nya nun. Shit! Bakit ko ba sinabi sakanya yun? Alam ko masakit marinig yun lalo na kung galing pa sa kuya nya. Pero aaminin ko, mejo nainis talaga ako sakanya that time. But God knows I never meant to hurt her. And I know Fran will never do anything to hurt other people's feelings, pero ewan ko ba kung bakit sinabi ko parin yun sakanya. Sobrang tanga mo Jeric! You might lost your loving sister, Jeric nang dahil lang jan sa katangahan mo! But I know Fran really well, she will always stay by my side no matter what happen

Pero tama nga ba yung pagkakakilala ko sa kapatid ko? Buong araw nya ako hindi pinansin kahapon. Oo hindi kami nagkita kahapon at hindi rin nya ako tinetext o kahit man lang yung magparinig sya sa twitter na may na-mimiss sya. Alam nyo yun? Namimiss ko na yung makulit kong kapatid, yung mga paglalambing nya sakin na nakakabwisit. I miss my sister. I miss Fran :(

Eto pa pala, kagabi habang pauwi kami ni Cheska nakita ko si Fran na naglalakad palabas ng Espanya. Mag-isa lang. Kahit malayo pa kami sigurado akong si Fran yun, kahit likod lang nya ang nakikita ko I'm 100% sure siya yun

“Jeric, please wag mo ng isabay si Fran..” nagulat ako sa sinabi ni Cheska, hindi ko ini-expect na sasabihin nya yun

“Why? She's my sister, Cheska. Baka mapahamak yun, gabi pa naman na. She's a girl”

“Please Jeric.. There are a lot of girls na nagcocommute naman sa gabi. Ayoko ko lang mag-away pa kami, I'm tired. Gusto ko lang ng tahimik na biyahe” kahit gustong gusto ko na tawagin si Fran pero wala

na akong nagawa, sinunod ko nalang yung gusto ni Cheska kahit sobrang labag sa loob ko, natatakaot ako at nag-aalala para sa kapatid ko. Tiningnan ko nalang sya sa side mirror, kitang kita ko ang disappointment sa mukha nya, sobrang lungkot nyang tingnan. Sorry Fran. I am really really sorry :(

Akala ko maaabutan ko si Fran pag-uwi ko ng bahay pero mas nauna pa pala ako sakanya. Nasaan kaya yun? Tanong ko sarili ko, baka napano na yun. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Fran. Sobrang nag-aalala ako sakanya dahil magna-nine na pero wala pa rin sya sa bahay. I always look at my window to see if she's home na. Siguro mga 9:30 na ng makauwi sya. Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko syang bumaba sa cab na buhay at buong buo pa. Thank God nothing bad happened to my sister

Naghintay ako na may kumatok sa room ko, baka kasi kausapin na ako ni Fran, hindi naman siguro ako matitiis nun, sa kulit ba naman nung babaeng yun

Ilang oras na akong naghihintay pero wala paring kumakatok. Nagkamali nanaman ako. Dinedeadma na ako ngayon ni Fran. Galit parin siguro yun sakin lalo pang nadagdagan nung linagpasan ko lang siya

-End of Flashback-

Kanina sa training namin hindi ako makapagconcentrate, pinagagalitan na nga ako ni Coach eh. Hindi kasi mawala sa isip ko yung kapatid ko. Hindi na nga din ako sakanya nakapagpaalam eh. Gustong gusto ko na na magkaayos kaming magkapatid, plano ko ng kausapin si Fran pagkatapos ng training ko kaya lang ito namang si Cheska nagtext sakin, mag Eastwood daw kami, hindi ko naman siya mahindi-an kasi nga nililigawan ko palang sya diba? Baka ayun pa ang maging dahilan para basted-in nya ako

Hapon na ng makarating ako sa bahay, hinatid ko pa kasi si Cheska sakanila. Pagpasok na pagpasok ko palang sa bahay si Fran na ang hinanap ko kay Yaya Sidring pero wala daw si Fran, lumabas kasama yung kaibigan nyang si Almira. Teka, si Almira ang kasama nya, hindi kaya kasama nanaman nun si Teng? Sana naman hindi. Ayokong tuluyan ng lumayo ang loob ng kapatid ko sakin dahil nakahanap na sya ng bagong kuya nya.

 Siguro nga dapat ko ng kausapin si Fran pagbalik nya para maayos na naming magkapatid ang hindi namin pagkakaunawaan. Hindi ko na matiis tong kapatid ko, para akong mababaliw pag hindi ko sya nakakausap at nakakasama.

-End of Jeric's POV-

Winning the heart of the Tigers (Editing)Where stories live. Discover now