Chapter 18: Sweet Nothings

1.9K 5 5
                                    

Chapter 18: Sweet Nothings

Isang buwan na ang nakalipas pero hindi ko pa rin makalimutan yung narinig kong pag-uusap ni Mommy at Kuya Jeric. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung mga panahong yun, awang awa ako kay Kuya. Kahit hindi ko sya nakikita nun alam kong umiiyak sya..

Simula nung araw na yun, napag-isip isip ko na bigyan ko rin kaya ng chance si Cheska na makilala ko? Tama rin naman kasi si Kuya eh.. Dapat na naming tanggapin na hindi na sila magkakabalikan ni Ate Tanya..

And speaking of Ate Tanya, I really miss her.. Hindi man lang kasi kami nagkaroon ng formal goodbyes.. Then in-unfriend nya ako sa FB. Tapos yung follow request ko sa twitter pending parin. Pero sabagay, she's not active on twitter naman..

“Fran, hija.. Hindi ka pa ba kakain? Baka malate ka sa class mo..” buti nalang nilapitan ako ni yaya sidring dito sa sala, napasarap ang pag mumuni-muni ko eh

“Kakain na po, Ya!” sumunod na rin ako sakanya sa pagpunta sa dining room

Habang kumakain ako, kinukwentuhan naman ako ni yaya tungkol sa lovelife nya.. Nakakatuwa nga eh, ang sweet ng lovestory nila ng asawa nya..

“Ya, maiba po ako ah.. Si Mang Kiko po pala? Magpapahatid na po ako pagtapos kong kumain”

“O sige, pupuntahan ko muna sya sa kwarto nya..” then she left the dining area

Simula last week, hindi na ako sumasabay kay kuya sa pagpasok. Napapayag ko na syang tuwing uwian nalang kami sabay. Pero syempre, lagi parin naming kasama si Cheska niya.. Mejo okay naman sya sakin.. Basta wag lang nya akong pansinin..

“Hija, anjan na si Kiko sa sala.. Hinihintay ka..” sabi ni yaya pagbalik nya sa dining room

“Sige po.. Tatapusin ko lang ang pagkain ko..”

Makalipas ang limang minuto, natapos ko rin ang kinakain ko..

Nagpunta na ako sa sala dahil hinihintay na ako dun ni Mang Kiko..

“Tara na po”

“Akin na po yang gamit nyo ma'am Fran..” kinuha nya yung dala kong bag at libro

I smiled at him, “Thank you po Mang Kiko!”

Habang nasa biyahe ako papuntang school, nakikinig lang ako ng radio at nagrereview para sa quiz ko sa first class..

While reading my notes.. My phone suddenly beeped..

From: Markykadoodie

Good morning beautiful! I miss you already.. See you later! :)

To: Markykadoodie ♥

Good morning too, my markykadoodie! Miss you, too! :)

Okay, kiligvibes again! Good morning text will always be my favorite.

Oo nga pala, since one month na ang nakalipas, lumevel-up na kami ni baby Mark! Parang kami na parang hindi.. Alam nyo yun? Parang MU.. Haha! Uso pa ba yun?! Well, uso samin :D Pero syempre kontrang kontra pa rin si Kuya kay Mark, di ko talaga alam kung bakit..

Si Jeron naman nawala na yung pagpapantasya ko sakanya.. Ewan ko, parang brotherly love nalang ang nararamdaman ko sakanya.. Super close na kasi kami tapos lagi pa kaming magkasama..

-UST-

“Hija, i-text or tawagan mo nalang ako kung magpapasundo ka ha?” bilin ni Mang Kiko sakin

“Sige po.. Thank you ulit, Mang Kiko!” at tuluyan na akong bumaba ng kotse at naglakad papunta sa building ko

Pagpasok ko ng classroom, nakita ko si Tin na nakabusangot..

“O, anong meron? Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ko habang papaupo sa tabi nya

She sighed, “Ang hirap magpapansin kay Teng bessy” malungkot na sabi nya

Hayy, kawawa naman tong bestfriend ko.. Bakit kasi pinasok ko pa sya sa ganitong sitwasyon eh..

I smiled at her, “Don't be sad na bes.. Nagpapakipot lang yung si Kuya Teng!” dapat i-comfort ko to.. Para naman hindi masaktan ng bongga

“Grabe naman magpakipot yang si baby!” then she pouted her lips, “Buti pa ikaw may lovelife!”

“Haynako bes! Kinaiinggitan mo ba yung samin ni Mark? Juiceko! Hindi ko nga maintindihan kung ano meron kami eh. Ang labo! Pero okay na lang, atleast may ganito..”

She looked at me, “Bakit ba nagta-tyaga jan sa inyo ni Mark bes? Ang dami nanliligaw sayo dito sa college natin.. Eh mukha namang walang balak magseryoso yang si Mark eh..”

“Grabe ka naman Tin! Don't judge him.. Malay mo naman humahanap lang ng tamang timing..”

she raised her eyebrow, “Timing?! Frances Loux! Halos isang buwan na kayong ganyan ni Mark.. You deserve someone better..”

I laughed before answering her, “Someone better? Tell me who, Tin.. Si Miggy? Si Francis?” kung makasomeone better tong si Tin kala mo naman seryoso yung mga nanliligaw sakin

“Alam mo, Fran.. Suportado kita jan kay Mark nung crush crush palang.. Pero ngayon na ganyan na kayo, hindi ko na alam.. I don't want you to get hurt, Fran.. You're lika a sister to me.. Sa tingin ko kasi hindi nagseseryoso sayo si Mark eh..” bakit ka naman ganyan Tin, ang nega mo!

I held her hand, “Thanks for your concern, Kristin.. But don't worry.. Mark will never do anything that will hurt me.. He loves me..”

“How sure are you that he loves you?” she asked me

Napaisip ako sa tanong ni Kristin.. Gaano nga ba ako kasigurado sa pagmamahal ni Mark sakin? No, I should stop doubting Mark's love for me.. I trust him.. Mahal nya ako..

“Bakit hindi ka makasagot?”

“Basta.. I know that he loves me..” then I smiled at her. A fake smile

“Ang advice ko lang sayo bes.. Don't take it seriously.. Wala kayong label..”

I guess she's right.. Wala kaming label. There's no "us" or whatsoever

I just nodded at her..

-Lunchbreak-

“Bes, i-text mo na sila Grace.. Let's eat with them.. Miss ko na sila eh” utos ni Kristin sakin. Grabe no? Kala mo may pinatagong load haha!

“Yes ma'am!” then I laughed

Winning the heart of the Tigers (Editing)Where stories live. Discover now