Chapter 16: Meet the parents

1.8K 7 2
                                    

Chapter 16: Meet the parents

Pagdating namin sa USTe agad akong nagpunta sa pinagpark-an ni kuya ng kotse nya. Nakatalikod sya sakin kung titingnan mula dito sa nilalakaran ko. Habang palapit ako ng palapit sakanya kinakabahan ako. Sana pala nagpasama ako kila Jeron para may back-up ako..

“Kuya, I'm sorry.. Nawala sa isip ko magpaalam eh” sana wag syang magalit sakin

He just looked at me, “Get inside the car.. Male-late na tayo sa dinner, susunduin pa natin si Cheska. Baka magalit pa sila mommy”

I immediately went inside the car, “Mom and Dad are already here?!” gulat na tanong ko

“Yeah, and they want to meet Cheska” sagot nya sakin

What?! They want to meet Cheska?! Agad agad naman! Isang araw pa nga lang sila eh. Ay bahala na nga! I made a promise with Kuya Jeric na hindi ko sila pakikialaman

“San ba tayo magdi-dinner kuya?” I asked him

“EDSA Shang” simpleng sagot nya

I looked at him, “Ang layo naman!”

“Tapos ang tagal mo pa! Saan ka ba kasi nagsususuot?” infairness ha! Hindi galit si kuya sakin. Siguro naman ngayon alam na nya yung feeling na maghintay ng matagal tapos hindi mo alam kung saan nagpunta yun hinihintay. Mejo nakaganti rin ako sakanya haha!

“Nagmilktea nga kasi kami nila Almira at Jeron sa Banawe. Napasarap yung kwentuhan namin kaya nakalimutan ko na i-text ka. Ang dami nilang kwento eh” paliwanag ko

“Kayong tatlo lang ba talaga? Baka may kasama pa kayong iba ha” there he goes again! Tamang hinala lagi eh!

“Kaming tatlo lang”

“Eh bakit hindi ka nila hinatid papunta sakin kanina?” lagi nalang may interrogation! Feeling ko tuloy kriminal na ako haha!

“Tumawag na rin kasi si Kuya Teng sakanila kaya hindi na ako nagpasama sakanila” sagot ko naman

“Ah ganun ba? Basta next time magpapaalam ka kung lalabas kayo.. Papatayin mo ako sa pag-aalala eh”

Aww. ang sweet naman ng kuya ko.. nag-aalala sakin haha! baliw ka Fran! Malamang, kapatid ka nya kaya mag-aalala sayo yun

“Yes kuya.. Sorry ulit”

After namin mag-usap ni kuya nag soundtrip nalang ako, siya naman nagfocus nalang sa pagda-drive. Mejo traffic rin papuntang Marikina

-After 30 minutes-

“Fran, wait lang.. Sunduin ko lang si Cheska sa loob” paalam ni kuya. Tinanguan ko lang siya

Hindi ko na hinintay na palipatin pa ako ni kuya sa backseat, nagkusa nalang ako.. Ganun din naman kasi mangyayari eh..

Paglabas nila kuya sa gate nila Cheska, mejo nagulat siya.. Nawala kasi ako sa frontseat..

He opened the door for Cheska and he said to me, “Bilis mo ah.. Nakalipat ka na agad”

I smiled, “Papalipatin mo din naman ako eh.. Inunahan na kita”

“Ikaw talaga.. But anyway, thank you Fran” he said while laughing

Buong biyahe namin si Kuya at si Cheska lang ang nag-uusap pero pa minsan-minsan sinasali nila ako sa usapan nila. Hindi ko na rin tinatarayan si Cheska sa harapan ni kuya baka mamaya biglang bawiin nya yung deal namin at tuluyan na nya akong palayuin kay Mark..

-Shangri-la-

Habang naglalakad kami si Cheska nakakapit sa braso ni kuya. Ayayay! Ang clingy nya masyado!

Pagpasok namin ng restaurant agad naman naming hinanap sila mommy. Buti nalang hindi kami nahirapan, nasa may unahan lang kasi sila nakaupo

Paglapit namin sakanila umupo na muna kami..

Nakaorder na din pala sila mommy bago kami dumating kaya naman walang problema, maghihintay nalang..

“Mom, Dad. Si Cheska, my girlfriend” pagpapakilala ni Kuya

Cheska smiled at them, “Cheska, mommy and daddy ko”

She extended her hand for a handshake, “Nice meeting you po tito and tita!”

Wow! Tito and Tita ang tawag nya sa parents namin! Feeling close agad to ah!

While waiting for our food, my mom keeps on asking her different questions. Ha! Hotseat ka ngayon Cheska! hahaha!

Me? I'm busy checking my twitter account. Magkatweet kami ni Mark and Jeron eh. Yup, yung dalawang pag-ibig ko haha!

@jeronteng: I miss you already @FranForts!

Loko to si Jeron! Sasabog nanaman tong mentions ko eh! Grabe pa naman yung mga fangirls niya..

@FranForts: @jeronteng I miss you too, Jeron! My mentions is now flooded! Grabe fangirls mo haha! :)

@MarkAdrian: @FranForts let's lunch together tom. I'll introduce you to my friends :)

Ayun oh! Lumelevel up ako! Ii-introduce daw nya ako sa friends nya! Kiligvibes all over me hihi :">

@FranForts: @MarkAdrian sure! Let's meet in carpark nalang :)

-After 5 minutes-

Finally! Our food is served by the waiter na. Mejo marami nga eh. Alam ata ni mommy na gutom na ako haha!

While eating, my mom's still asking her questions.

Hindi naman siya ganyan dati kay Ate Tanya, yung ex-girlfriend ni kuya. Ang tagal din nila nun, 4 years sila. Gustoeg gusto ko talaga yun si Ate Tanya. Maganda na tapos mabait at matalino pa! She's the
kind of girl that every parents wanted for their son. Close na close sila ni Mommy, they shop and bake together. Ayun nga lang bigla silang nagbreak. Kahit isa samin walang nakaalam ng reason kung bakit sila naghiwalay. Kuya Jeric doesn't want to talk about it anymore.. and we respect his decision.

“Mommy, ang dami nyo naman pong tanong kay Cheska. Mamaya hindi na yan makakain”

“Ano ba Jeric.. I want to know her more that's why I'm asking her a lot of questions..” sagot ni Mommy kay kuya

Cheska held his hand, “Babe, okay lang naman sakin eh”

“See? It's okay with her.. kaya hayaan mo na ako, Jeric”

“Sige na nga..”

After eating our dinner nag-yaya ng umuwi si daddy, pagod na daw kasi siya.

Hindi na ako sumabay kay kuya kasi ihahatid pa nun si Cheska. Sumabay nalang ako kila mommy. Ayoko na rin kasi makipagplastikan kay Cheska.. Parang anytime sasabog na ko.. Pano ba naman nakakairita siya! The whole time na nagdi-dinner kami halatang nagpapa-impress siya kila mommy and daddy.. She's trying really hard to impress them!

“What do you think of her, mommy?” I suddenly asked my mom

She looked at me before answering, “She's fine and I find her pretty”

That's it?! Wala na ba talaga siyang masabi na iba? Samantalang kay Ate Tanya ang dami nyang papuri na sinabi tapos kay Cheska she's fine and pretty lang!

Hayy, hindi nalang din ako nagsalita baka ano pa ang masabi ko na hindi maganda sakanila. Baka ako pa yung maging reason kung bakit hindi siya magustuhan nila mommy. Kaya tatahimik nalang ako..

And I should probably stop comparing her to Ate Tanya..

And besides, I don't wanna break my promise or deal with my brother. I won't mess around with her..

Pagdating namin sa bahay, diretso na agad si Daddy sa room nila. Pagod na pagod eh. Si Mommy nagpaiwan sa sala dahil hihintayin daw niya si Kuya Jeric. Ako naman, nagpunta na rin sa room ko para gawin ang mga homework ko..

-After 30 minutes-

Narinig ko ng dumating ung sasakyan ni Kuya..

Hindi pa siya agad umakyat sa room nya.. Pano ko nalaman? Well, hindi ko pa kasi naririnig yung footsteps nya haha! Lakas ng pandinig ko no?

Papunta sana ako sa kitchen para kumuha ng inumin.. But I stopped walking when I heard mom and kuya talking..

“Jeric, I want to talk to you” seryosong sabi ni Mommy

“Sure.. About what po mommy?”

Parang bigla ata akong kinabahan.. Ngayon lang naging ganyan kaseryoso si Mommy.. Usually tumatawa yan pag nakikipag-usap samin eh..

“About Cheska”


A/N: This is just a short update. Writer's block eh :(

Starting on January 7, I will update this story every monday and thursday only. Student din ako at ayun lang yung restday ko sa school even sunday may class ako.. I hope you will still continue reading this story..

Don't forget to vote and leave your comments.. Thank you! :)

-Aria♥

Winning the heart of the Tigers (Editing)Where stories live. Discover now