Chapter 23: Confrontation

1.8K 6 8
                                    

Chapter 23: Confrontation

-Jeric's POV-

"Pwede ka bang makausap?" seryosong tanong ko kay Mark

Hindi sya agad makasagot sa tanong ko, pano ba naman tong Tigers ang sama ng tingin sakanya, para bang any minute aatakihin sya pag nagkamali sya ng sagot sakin.

"A-ah.. e-eh.. Tungkol saan Cap?" nauutal na tanong nya sakin

"About Fran" diretsong sagot ko sakanya

Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. May pasok pa kaya ako.

"Anong tungkol kay Fran?" tanong ulit nya

Seriously Mark?! Hindi ka talaga aware na sinaktan mo ang kapatid ko?!

"Stop acting like you didn't do anything!" inis na sabi ni Tata

I looked at Tata, "Chill lang paps! Kaya ko na to.."

Nagtataka syang tumingin samin, "Ano bang meron kay Fran?"

"Seryoso ka?! Hindi mo talaga alam ginawa mo kay Fran?!" galit na tanong ni Teng

Ano ba naman tong teammates ko! Dinaig pa ako ha! Parang sila yung kuya ni Fran dito..

"Hindi. Ano ba kasi ang nangyari sakanya? O ano meron sakanya?"

They all looked at me, parang sinasabihan nila ako na ako na ang sumagot sa tanong ni Mark..

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na gusto ka ng kapatid ko di ba?"

He nodded at me..

"Hindi ka nagparamdam ng isang linggo sakanya tapos bigla nalang nya malalaman na may girlfriend ka na" pagsisimula ko, "May pa MU MU ka pang nalalaman jan tapos may iba ka naman palang gusto! Pare, sinaktan mo si Fran. Sinaktan mo yung kapatid ko!"

Hindi maipinta yung reaction ni Mark sa mga sinabi ko. Bakit? Akala ba nya hindi ko malalaman yung ginawa nya sa kapatid ko?!

Napayuko nalang sya, "Sorry Cap.. Hindi kasi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Fran. Yes, I do like her. Pero hindi ko alam kung mahal ko ba talaga sya.."

Napaka valid ng reason nya ha!

"Don't mess with someone else's feelings just because you're fucking unsure of your own!" galit na sagot ko sakanya

Grabe, parang biglang uminit yung ulo ko sa lalaking to! Nakakabwisit lang yung rason nya eh!

"Pero hindi ko naman sya pinaasa na magkakaroon ng kami eh.."

ANONG HINDI?! Masasaktan ba yung kapatid ko kung hindi mo pinaasa?!

"Loko pala to eh!" singit ni Teng, "The fact na pumayag ka sa MU na yan parang binigyan mo na rin sya ng reason para umasa na magkakaron ng 'kayo'!" galit na sabi ni Teng

Hindi ko rin masisisi itong si Teng kung bakit ganyan nalang sya makareact. Parang kapatid na rin nya si Fran eh..

"I never gave her a reason to expect nor to assume that someday there will be an 'us' Siya lang yung kusang umasa at nag assume!" inis na sagot niya

Aba! At siya pa ngayon ang may ganang mainis samin ngayon ha!

"Gago pala to eh!" sigaw ni Teng

Susuntukin na sana ni Teng si Mark, buti nalang nahila agad siya ni Kaizen at Kevin..

"Paps, nasa school tayo!" awat ni Kaizen kay Teng

Inakbayan naman ni Kevin si Teng, "Alam mong pwede tayong mapahamak pag sinapak mo yang lalaking yan, Teng"

Winning the heart of the Tigers (Editing)Where stories live. Discover now