Chapter 2: Meeting a new friend

2.1K 17 0
                                    

Chapter 2: Meeting a new friend

This is the very first time that I will be commuting. Mejo kinakabahan ako kasi nga first time ko di ba? Buti nalang hindi na kami sa Paranaque nakatira ngayon, lumipat kami ng Quezon City. And good thing, natanong ko sa classmate ko dati kung saang station ng LRT bababa papunta sa bahay namin. Paglabas ko ng UST, sumakay ako ng pedicab papuntang Legarda station, sa Katipunan station daw ako bababa sabi ni Monica tapos sasakay daw ako ng jeep papuntang UP, dun na daw ang baba ko sa tapat ng village namin. Sana naman may makita akong kakilala dito sa LRT.

Habang naghihintay ako sa platform may kumausap sakin, "Hello Ate Frances! I'm a huge fan of your blog!" nakangiting sabi sakin nung HRM student na from UST din. I think she's first year palang.

"Aww, really? Thanks for reading my blog! I really appreciate it!" nakangiting sagot ko naman sakanya. It's really nice to meet my readers. "What's your name pala?"

"I'm Grace Lim po, ate."

"Hi Grace! It's nice meeting you! Anyway, don't call me ate na, just call me Fran."

"Really? Thank you Fran!" masayang masayang sabi niya sakin "By the way Fran, san ka bababa?"

"Katipunan" maikling sagot ko

"Same station pala tayo."

"Ah talaga? Pwede mo bang ituro sakin kung saan yung sakayan papuntang UP. It's my first time to commute kasi." sabi ko sakanya habang pasakay kami sa train. At oo, magkasama na talaga kami, magaan ang loob ko sakanya eh. Hindi ko siya masungitan.

"O sige po sasamahan kita dun sa terminal. Pero di ba po lagi niyong kasabay si Kuya Jeric, bakit ngayon po hindi?"

"I don't know where he is eh. Naglakwatsa ata. He isn't picking up his phone eh. Kainis nga. Hindi man lang nagsabi kung saan pupunta."

"It's okay Fran. Masaya naman mag-commute." nakasmile siya habang sinasabi yan. Nakakahawa yung smile niya, kaya naman the whole time na nakasakay kami sa train nagkwentuhan lang kami at nagtawanan. Ang dami niyang kwento sa'kin, hindi ka mabobore.

Nung nakaratin na kami sa Katipunan station, hinatid niya ako sa sakayan ng jeep.

"Thank you Grace sa pagsama sa'kin dito. It was nice meeting you. See you around in school." then I hugged her.

"Nice meeting you too Fran! Ingat ka, madilim na daan eh."

"Okay. Ingat ka rin Grace ha." at sumakay na ko sa jeep.

Pagbaba ko sa tapat ng village namin hindi ko na alam ang gagawin ko. Magca-cab ba ako o maglalakad. In the end, naisip ko na maglakad nalang kahit malayo pa yung house namin.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay pawis na pawis ako. Grabe, nakakapagod yung ginawa ko ah! Humanda sa'kin to si kuya mamaya. Pagpasok ko sa loob naabutan ko si Daddy na nanonood ng news at mukhang nagulat ata sa itsura ko na parang nagahasa na ako, magulo ang buhok ko tapos pawis na pawis pa ako.

"What happened to you?" nag-aalalang tanong ni Daddy.

"I walked from the gate til here in the house." at pabagsak akong naupo sa sofa. Pagod na pagod talaga ako sa paglalakad.

"Why? Where is your brother? Did you commute?" sunod sunod na tanong sa'kin ni Daddy.

"I have no idea where in the world he is! He left me in school! He's not replying to my messages and not answering my calls. I decided to ride the LRT. I don't wanna wait in school til dawn!"

"Lagot sa'kin to si Jeric mamaya! Sige na hija, you change your clothes na. Baka magkasakit ka pa, basang basa ka ng pawis oh."

"Sige po dad, I'll go to my room na."

Winning the heart of the Tigers (Editing)Where stories live. Discover now