EKB 2.3

1.7K 45 13
                                    

Oh yeah~

Oh I'm so fresh!~

Oh I'm so hot!~

Oh I'm so sexy!~

Come on and get me if you want me!!~

Ay ang landi ko lang today? Wala ng bukas?? 

Eh kasi mababaliw na ata ako, nandito kasi ulit ako sa mall. Over na diba? Kahapon lang dalawang kaguluhan ang nasaksihan ko at dahil sa akin ang mga kalokohan ng mga babaeng yon. Wala na. Sirang-sira a ang mga moment ko sa mall!

Ang haharot naman kasi sinabi ngang hindi ako pumapatol sa kapwa ko---este sinabi na ngang babae ako--ay correction dyosa pala---ay ano ba yan!!

Okay fine, gwapo na ako. Gwapo daw eh, edi gwapo na. :)

 Pero ang totoo maganda talaga ako. :)

KAYA!! diba dapat boys ang mahihimatay at tutunaw sa akin gamit ang tingin nilang mainit pa sa umuusok na sunong na kawali!

O sya, ngayon namang araw na ito, kasama ko si Tiffany kaya siguro iwas gulo na? Bibili siya ng ingredients para sa paggawa niya ng muffins. Grr. Bakit parang ang rami niyang pineprepare ngayon? Ano ba ‘to, nagpapakakarinderya? 

Ano bang pumapasok sa utak nito? May sign ata siya sa ulo na 'GAGA things enter here.' kaya marami siayng alam na kabaliwan.

Unang stop, grocery! Ayun the usual her, dampot dampot hindi naman kailangan. For example, pabibilhin mo siya ng tuyo, pagbalik niya may dala na siyang kangkong, tabo, unan, etc.. Buti sana kung boylet nalang dinadala niya diba! Malamang, nagdiwang kami----AY SYA LANG PALA. HEHE.

"Frankie, bagay ba sa akin ito?" Kumuha siya ng isang kulay red na headband at sinuot iyon.

 Red na naman? Siguro type nito maligo sa dugo, puro pula gamit eh.

"Hindi, sa akin bagay ‘yan sister!" Aabutin ko sana kaso tinapik niya yung kamay ko.

AWTSU! Baka magkapasa ako, meron ako ngayon.

Ano ba Frank! Umaapaw kalandian ngayon ah!

"Ikaw talagang lalaki ka!!" pinangigilan niya ng kurot yung braso ko hanggang sa pisngi ko.

AWTSU! Sinabi na ngang meron ako eh!

"Eh! Tiffany ano ba.. Eh sa tanggapin mo, akin bagay eh!"

"ARGH!!" Mas lalo niya akong pinaggigilan. "Kung hindi kita loves baka wala ka na talagan aasahan S III!!"

"EH!! Kasama ba sa kondisyon yung pangtotorture mo sa flawless kong skin!!" Tinanggal ko yung kamay niya. Grabe, pinalighi ata ito sa talangka! Siguro nga, mukha syang talangka e.

 "Eh bakit ba kasi ayaw mo magpakalalaki! ano bang meron ha??"

"Eh ano ba kasing meron kung hindi nga ako lalaki?" 

Masasabunutan ko na itong gagang ito eh. Bakit ba parang feel ko hindi nila ako tanggap. Diba? Bakit naman yung iba?

Oh well..

"Eh kasi ikaw eh!" Aamba siya ng hampas kaya pinandilatan ko siya. Abuh nakakarami na siya ah. Kapag ako talaga nagkapasa.. Tsk..

Ajujuju kawawa naman ang petite kong katawan!

"Ewan ko sayo, bumili ka na nga lang ng bibilhin mo bago pa kita masapak." 

“Matutuwa pa ako kapag sinapak mo ko.” Pinandilatan ko lang sya lalo dahil sa sinabi nya. Gusto nya nga ata talagang masapak a? 

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon