EKB 1.5

4K 147 24
                                    

Ano nang gagawin ko? Sasabihin ko, ako yung nakabangga niya?

Wala na, ayoko ng mag-online. Mamaya i-chat naman ako ng i-chat nun. KILIGIN PA AKO! Whoops. Anong kilig?! Sus. Hindi niya kasi alam kasi nga ang profile pic ko sa facebook ay teddy bear. Kanya-kanyang trip lang yan no.

Teddy bear?

Teka nasusuka ako. 

Agad-agad ko namang binuksan ang laptop ko. Teddybear?! Diba babae lang dapat naggaganun!? 

FCK?!! Bakit nakatopless na lalaki ang wallpaper ko!?

Tinignan ko ang tyan ko. 

Mas macho pa ko dito eeh!!! 

Letche! Kadiri!

Langya! Kaninong laptop ba to!?!!!

Ibabato ko na sana to kaso naalala ko bakla nga pala ako kahapon. At akin tong laptop na to. 

Ano bang nangyari sakin? May nakain ba ako kahapon? Kasi naman si Alex eh, ang ganda. Paggising ko kanina yung mukha niya agad naalala ko. Yung napakaganda niyang mukha. Nainlove na ba agad ako?! Grabe.  

Anong plano ko? Pano ko sasabihin? Pwes.... 

Hindi ko alam. Wala pa akong plano kaya kailangan kong makipagkita at tanungin ngayon si Hubby.

Teka nasusuka na naman ako!  

HUBBY?!?

****

"Seth.." 

"Huh.. Excuse me? Kilala ba kita?" Sagot niya. 

Muka kaming engot ngayon dito sa bus stop. Para kaming mga poste. Nilabas ko ang cellphone ko at tinext siya.

-------

[To : Seth]

          Si Richard to. tanga.

-------

 

Nakita kong dumukot siya sa bulsa niya at inilabas ang cellphone niya. Pagkabasa niya ng message ko, tinignan niya ako. Pinandilatan pa ako. Nung di pa siya nakontento, kumurap-kurap pa tapos kinusot pa yung mata niya.

"Ano ba pre. Malulusaw na ako." Umiwas ako ng tingin.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inalog-alog ako. 

"Reeii!?!!"

"Richard!" Inilayo ko yung sarili ko sa kanya. O.A. Lang? Ngayon niya lang ba ako nakitang ganto!?

Oo nga, ngayon nga lang..

"Rei, oh don't fool me~ Wag magsinungaling sa sarili.." Bigla siyang naging pasweet. Tapos pinalo niya pa ako ng pangmalandi. Tapos winiwiggle niya na yung katawan niya sakin.

"SETH ANO BA KADIRI KA!!!! LUMAYO KA NGA SAKIN!!!!!" Tinulak ko siya na ikinagulat nya. 

“Woah..”

"Ayaw mong maniwala edi wag." Lumakad akong papalayo sa kanya at pumamulsa, kaya nga ako nakipagkita para manghingi ng payo sa kung anong gagawin eh. Nanglalandi naman tong g*gong to. 

"Teka lang Teka lang!!"

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Sinamaan ko na rin sya ng tingin dahil baka nakukulangat pa sya sa pagsusungit ko.

"Woooh that's so manly. Naninirugado lang ako ‘no. Bakit ano bang kailangan mo?" Lumapit siya sakin. Ang pangit pala niyang maglakad, mukhang palaka. Buti pa ako, macho na nga, gwapo pa, pang model pa ang lakad!

I am not kidding. 

Tinuro ko siya.. "Wag mo muna sabihin kila---------" 

"Oo na oo na, ano nga kasing problema?" Inakbayan niya ako tapos sabay kaming naglakad. 

"Pre paano mang-approach ng girl?" 

Biglang sumeryoso yung mukha niya. Tapos biglang tumawa. 

"Sumagot ka ng maayos sasapakin kita." Pagbabanta ko.

"Sorry Rei... Hahahaha!!! Ikaw?!" Tinuro niya ako. "Hahahaha!!!! Manliligaw ka?!"

Hinigit ko siya sa kwelyo at hinalikan sa labi niya. Joke lang, Sinapak ko talaga siya.

**********Eh Kasi, Bakla 1*

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon