EKB 2.4

1.5K 38 10
                                    

So kailangan talaga kapag magkakagulo dahil sa akin, sunod-sunod? Dapat walang tigil? Unli? 

Ako na lang araw-araw? Ganon? Putek naman oh..

Kasalukuyang hawak-hawak ko yung kulay light blue na apron at isang pajama na may design na pink na mga puso. 

SERIOUSLY?

"Nakita mo naman yung nangyari kahapon tapos ganito lang ang ipapasuot mo sa akin, ayos ka lang Tiffany?" Binigyan ko siya ng 'what the.heck look.'. Sana magkasuperpowers ako na mangingisay yung titignan ko ng masama. Prr~ 

Pagkauwi namin kahapon, sinabi niya sa akin na bilang last part ng aking mahiwagang quest, magbebenta ako ng muffins na ibebake niya. Eh naiistress na ako nun kaya um-oo nalang ako, eh hindi ko naman alam na kailangan pa ng ganitong costume eh!

"Sige, na, pagbigyan mo na ako. Last day naman na ito ng deal natin diba?" Pinagdaop niya ang mga palad niya at nag-puppy eyes.

"Fine, paano ko ba ibebenta yung muffins?" Tinungo ko na ang hagdan para makapag-palit na ng damit.

"Edi magsasabi ka ng 'Bili na po kayo ng muffins ko masarap ito~'. Duh.." tinuloy niya na yung paglalagay ng muffins sa mga box. 

Walangya ka Tiffany, kapag ako talaga pinulmunya dito sa kagagahan mo ha. Patay ka sa mga fans ko. BIRUIN NYO, ‘WAG RAW AKONG MAG-T SHIRT?! 

Mabilis kong isinuot ang ibinigay niya, well madali lang naman talaga suotin yun diba? 

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Aw feck ang gwapo ko nga, hindi lang pala gwapo. CHUWAPO! Alam niyo meaning nun? Hindi diba?

Kapag kasi gwapo lang, ibig sabihin, yung mukha lang yung adorable. Pero kapag CHUWAPO, full pack na. So everybody, let's spread the word 'CHUWAPO'. Lels I’m just kidding. 

Kelan pa ako nagkamuscles? OMG! Maiilove na ako dito sa reflection ko eh. Ang gwapo~ Ngayon alam ko na ang kondisyon nung mga babae. 

But when will my reflection show who I am inside~ 

Kumendeng ako papababa at nakita ang tatlong box na sinlaki nung sa sapatos. Eto lang ba ipapabenta niya? Easy! Alam ko na ngayon kung paano gagawin ang charms ko kaya magiging madali na lang ang pagbebenta ng muffins sa madla.

"Magkano ko ito ibebenta?" Tanong ko kay Tiff na kasalukuyan ay nagababasa ng magazine at sitting pretty sa couch.

"Kahit magkano, basta dapat maibalik mo yung puhunan ko na 500.." Sinara niya yung magazine at tinignan ako. "Tapos bali may extra pa so mga babalik sa akin dyan, 750 pesos, kung may sobra, sayo na lang."

Tumango lang ako. Mouhahaha. Masarap naman kaya ito? Mamaya hindi naman pala makakain 'to tapos ibebenta ko ng singkwenta isang piraso. Eh, di bale na, gwapo naman ako. Yeeeeep aminado na ako. Mouahaha. Pero yung muffins talaga eh. Paano kung nilagyan niya ng lason ‘to? 

"Wala akong time limit?" Sumagot ng iling si Tiffany. Kinuha ko na yung mga box at lumabas na sa bahay.

Hapon na. Buti na lang at hindi ako lumabas kanina, kundi. Walanghiya baka nagkagulo na naman. Mamaya magkaworld war pa. Kapag may gwapo talaga, nalilimutan ng tao ang WORLD PEACE. Haha! 

San kaya ako pepwesto?

Hmm.. Wala akong maisip ah..

Makapag-lakad-lakad nga muna. 

Lumabas ako ng subdivision namin at dumiretso sa market, siguro naman kahit naglalakad ako may papansin sa akin diba? KASI GWAPO AKO! Full-pack gwapo. CHUWAPO! Ay bet na bet!  

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon