EKB 1.4

4.3K 159 25
                                    

"Ryza.. Please.. No.." Pagmamakaawa ko sa kanya. Hahawakan ko sana yung kamay niya kaso tinabig niya yung akin. 

Sana pala hindi nalang ako nagbago. Mas okay pa yung dati. Nung wala pang ganito. At least may kaibigan pa ako, pero ngayon... Akala ko matatanggap niya ako...

 Ang sakit. Ang sakit-sakit. 

"Richard ano ba. Ayoko na sayo.. Lalo na't.. UGH!!! " 

Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas. Nanlulumo ako. Tila may isang halimaw sa loob ko na kinakain lahat ng tibay ko.

"Ryza.. Don't Leave me! I'll never be the same!"

Tinignan niya lang ako sa kabila ng umaagos na luha sa mga mata ko at sa tindi ng hinagpis na dinadanas ko.

"..Nagbago ako! At dahil sayo yon! PARA SAYO!!! MAHAL KITA! Diba sabi mo mahal mo rin ako? Asan na lahat yun? Please Ryza, tanggapin mo ako." 

Gusto kong ipaunawa sa nun kanyang iba na ako. Hindi na ako yung dating ako. Magmula nung makita ko siya, nabura lahat ng babaeng parte sakin. Minahal ko siya at alam kong totoo yun.

Anong nangyari? Sa huli, ako rin yung mukhang babae. Ako yung umiiyak. Ako yung hindi tinanggap.

Nakita kong nagsimula na rin siyang umiyak. Hindi ko alam kung para saan. Hindi ko alam kung para kanino. Naguguluhan ako.

 

''Richard.. I.. I am sorry.."

 

Sa sinabi niyang yun. Nabuhayan ako. Akala ko pa naman okay na. Dun sa saglit na oras na yun, umasa ako, na pwede pang maging kami ulit. Umasa akong tanggap na niya ako.

Niyakap ko siya ngunit itinulak niya naman ako papalayo..

Nagsorry ba siya dahil hindi niya kaya?  

"Richard.... I cheated on you.. I... I'm carrying someone's child.."

Just that memory. That time. Every moment it appears on my vision. Every time I remember that....

 

Nagfreeze ako sa kinatatayuan ko.

"I can... I CAN SAY IT'S MINE!! Just please... Don't go.." Sa lahat, sya lang ang minahal ko ng sobra. Ayokong mawala sya sakin.

Mahal ko siya. Mas mahal pa kesa sa sarili ko. Kaya kong sirain ang buhay ko wag lang kaming magkahiwalay. Ayoko.. 

I reached for her but she shoved my hand.

"No.. Just let me.. Live happy.." Ngumiti siya kasabay nun ang pag-atras siya. 

Gustong-gusto ko siyang yakapin. Pakiramdam ko hindi ko na kayang mabuhay. Wala na akong lakas. Napaluhod na ako kung saan ako matatag na nakatayo kanina. Bumabaon na ang kuko ko sa mga palad ko dahil sa hindi mailabas na emosyon.

I don't want to let you go...

She's walking away from me. She left me.

Tinignan ko ang kamay ko. Bakit ba wala akong magawa? Bakit ba… hindi ko sya napigilan?

Bakit wala manlang akong nagawa? Pabaya ba ako para gawin niya yun?

Mabilis na umingay ang paligid dahil sa mga busina at sigawan. Isang aksidente ang naganap. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko.  

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon