EKB 1.12 - Overtime! -

1.4K 41 10
                                    

EKB 1.12 - Overtime! -

==

Kanina pa tinatawagan ni Rei ang magkapatid na Capili pero wala syang macontact ni isa sa kanila. Pumunta na rin sya sa condo ni Jules pero walang tao dito. 

'It was just a misunderstanding. Maayos pa namin 'to.' Ito ang mga katagang paulit-ulit nyang sinasabi sa sarili nya. 'I won't give you up like this.'

Hindi na nya alam ang gagawin nya. Gusto nyang makausap si Alex pero hindi rin mawala sa isip nya ang sinabi nito na hindi nga siguro sila ara sa isa't-isa. They we're both involved in a fixed marriage. 'Yun nga lang, sa iba. Hindi na rin alam ni Rei kung bakit pa nya hinahabol si Alex gayong pormal na nitong sinara ang ugnayan nila. Para bang, hindi sya mapalagay? May gusto syang alamin. May gusto syang sabihin. Parang hindi malinaw sa kanya kahit na sinabi na lahat ni Alex. 

Nakaupo sya sa tapat ng isang tindahan kung saan malakas na pinatutunog ng may-ari ang radio. Syempre, dahil pinaglalaruan sila ng tadhana ay tumutugtog ang kantang 'Just let it go'.

"Manang can you give me RC please? 'Yung mahliit." Slang na pagsabi ng isang bumibili. "Ang inaet nuhman."

Napatingin si Rei sa bumibili at laking gulat nya ng makita si Bryan na bumibili ng RC habang nagpapaypay. "Bryan?"

Napatingin rin sa kanya ang lalaki matapos abutin ang biniling softdrink. "Richard! Long time no see!"

"Si Alex?"

"Oh, her." Bryan squinter his own eyes, bewildered. "She went back to U.S.. You're unaware?" Isang itim na kotse ang biglang sumulpot malapit sa kanila at bumusina ng bumusina. Sinenyasan ito ni Bryan na maghintay saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I thought you two are living together?"

Hindi alam ni Rei ang sasabihin nya. 

"'Ya need anything else? I'm in a hurry." Bryan pointed his thumb towards the black car.  Pagkatapos nun ay bumusina na naman ang sasakyan. Nagpaalam na sya kay Rei at mabilis na lumapit doon.

"Bryan!" Parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi-sabi. Gusto nyang magtanong pero hindi nya alam kung tama pa bang gawin 'yun. "Take care of her. Please."

Natawa ang kausap nya. "How could I? We already called the engagement off last week! I can't even reach her anymore." Bryan bitterly smiled. "You should do that for me!"

Bumilis ang tibok ng puso ni Rei. Nagsinungaling si Alex sa kanya? Para ano? Bigla nyang naalala ang sinabi ng babae nung huli silang magkita na ayaw na nitong mahirapan pa si Rei. Ang hindi nya maintindihan, bakit naman sa ganitong paraan? Sinabi ba ng babaeng matutuloy ang kasal nya sa iba para hindi na mag-isip ng mga planong hindi maganda si Rei? 

Naisip ni Richard na sundan si Alex sa US pero alam nyang magiging mahirap 'yun. Bakit naman ganito? Naisip nya na naman ang unang girlfriend nya. Hindi na ba sya magkakaroon ng magandang buhay pag-ibig? Hindi nya namalayan na tumutulo na pala ang luha nya. Nasasaktan sya dahil nawala sa kanya ang babaeng mahal nya. At ang hindi nya kayang tanggapin o isipin manlang ay ang katotohanang pinili nitong lumayo kaysa magulo pa ang buhay ni Richard. Tama. Pinili nitong lumayo.

Bakit ganito? Bakit kailangan pang umabot kami sa ganito? Hindi ba talaga kami para sa isa't-isa? Ayaw nya akong mahirapan pa lalo, kaya sya na 'yung lumayo? Tang ina naman.


"Isang eroplano umano ang nagkaaberya sa sistema at bumagsak sa West Philippine Sea kanina lamang tanghali. Lulan nito ang daan-daang pasahero na lilipad sana papuntang United States of America. Kasalukuyan nang hinahanap ang black box ng A1CF2 para makatulong sa pag-iimbestiga ng tunay na rason ng pagbagsak. Ilang pasahero ang nakaligtas at ilan rin ang malubhang nasugatan. Ilang patay rin ang nakumpira. Narito ang listahan. Maaari po sanang makinig para maipanawagan sa mga kamag-anak ng namatay. Mary Jane Sotelo. Mary Ann Sotelo. Jake Real...."

Kinabahan si Richard sa narinig nya. Nanginginig ang mga kamay nya. Tinatanong ng utak nya kung paano kapag nabanggit ang pangalan ni Alex? Natutulala sya pero nakikinig sya sa ibinabalita. Hindi nya alam ang gagawin nya. Hindi nya kakayanin kapag may anrinig syang hindi maganda. Tatayo na sana sya para umalis pero mas mabilis ang pagsasalita ng reporter.

"..Yuki Misamoto. Alexa Joyce Capili. Markie Del Villa."

Wala na sya.

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon