EKB 1.6 - final -

4.4K 155 43
                                    

*Third 

 

Inilabas ni Richard ang kaniyang pink na box. Nandun lahat ng kaniyang kalandian dati. Matapos nilang mag-usap ni Seth ay agad siyang umuwi para maglinis ng BUONG BAHAY niya. Nandidiri siya dito.

Binalagbag niya ang box sa may kalye tutal ay dadaan naman ang trak ng basura kinabukasan. Bahala na ang mga basurerong umayos nun. Pagkapasok niya sa gate at hinubad niya ang pangtaas at itinali ito sa ulo niya dahil init na -------------- ooohh ang macho..  ---- init na siya. Kinuha niya ang kulay 'light blue' na pinturang binili niya kanina bago umuwi. Sa totoo lang ay iritang-irita na siya sa kulay pink na nakapaligid sa kanya. Kanina nga ay nagtangka pa nga siyang sunugin nalang ang bahay niya at magtayo ng panibago.

Pagkapasok niya sa bahay ay may dalawang baklang choklang tekla na sumulpot sa may kalye at pinagkaguluhan ang gamit na inilabas niya.

"Aww.. Sad.. Nababawasan ang ating federation.." -gay #1

"Okay lang yan sistaaaaaaaaar, marami pang dadagdag! hihi!!" -gay #2

"Atsaka may bago na tayong pagpapantasyahan! Ang gwapo pala ni Rei pag lalaki!!!" -gay #2

"Oo! Shemay ang mach-----*splash* AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!!!" -gay #1

"WAAAAAAAAAAAH!!!!" -gay #2

"TANG INA LUMAYO KAYO SA BAKURAN KO!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Richard na may hawak na timba at itak. Binuhusan niya kasi ng tubig yung mga bakla. 

'Haay..' ang nasabi nalang ni Richard sa sarili.

Matapos niyang ibalik ang timba at itak sa dati nitong kinalalagyan ay pumasok na ulit siya sa kwarto niya. Ayun kasi ang una niyang pipinturahan dahil dun siya madalas na mag-stay.

Kukunin na sana niya ang paint roller ng maalala niya si Alex. Napatayo siya ng tuwid.

'Ilang araw na ba akong hindi nag-oonline at parang kating-kati akong makachat siya?'

Tinignan niya ang laptop niya sa kama. Napangiti pa siya dahil hindi pink ito, kundi ay naibalibag na niya sana. 

Agad-agad naman niyang kinuha ang broadband niya sa drawer. May ganun naman siya tinatamad lang siyang gamitin. Hmm. Matipid? Hindi. Tamad lang.

Binuksan niya ang laptop niya at agad na isinaksak ang broadband niya. Pagkatapos nun ay tinext niya si Seth para paloadan siya ng singkwenta dahil ayaw na niyang lumabas.

Syempre niregister niya muna..

Tapos nag-online na siya.

Sa bawat galaw nya, dumadagdag ang kaba nya. Para syang natatae na naiihi.  

*pop*

Ang pamilyar na tunog na iyon ang tuluyang nagpangiti sa gwapong-gwapong si Richard Enriquez. Pamilyar ito sa kanya at alam nyang iisang tao lang ang pwedeng gumawa nito.

----

Alex Capili: Sa wakas nag-online ka rin.

Richard Enriquez: Oh.. Sa wakas natuto ka ng magtagalog.

Alex Capili: Opo. Katabi ko po si kuya ngayon eh. Nagpapaturo ako.

Richard Enriquez: WHAT?

Alex Capili: Bakla ka naman diba?

Richard Enriquez: Nope.

Alex Capili: Oo nga no. Pinalitan mo na pala name mo here.

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon