EKB 2.14 - Enough na! -

2.2K 32 0
                                    

EKB 2.14 - Enough na! - 

==

"Yung fans mo nasa labas!"

"Seryoso ka?" Napatingin sa akin ang ilang staff dahil napalakas ang boses ko. Nginitian ko na lang sila. 

"Hindi, Frank. Nagbibiro lang ako. Media talaga 'yung nasa labas." 

"MEDIA?!" Napatingin na naman sila sa akin kaya napagdesisyunan kong lumabas na ng building. "Ano ba kasing nangyayari dyan, Magic?"

"Wala! Nakakainis ka. UNA, HINDI MO AKO BINATI NUNG MONTHSARY NATIN. PANGALAWA, HINDI MO KO SINIPOT NUNG NAG-ANTAY AKO! PINAPUPUNTA KITA DIBA? PANGATLO, HINDI MO SINABI KUNG ANONG MERON!"

"Magic, kumalma ka muna please." 

"HOW?! NI HINDI KA NAGPAALAM NUNG UMALIS KA! HINDI KA NAGTETEXT O TUMATAWAG! Tapos ngayon ano, may butete dito na nagsasabing hinahire nila ako dahil nirekomenda mo ako?!" Natawa ako nung sinabi nya 'yung butete. Meant to be talaga kami 'no?

"Ano? Tatawa-tawa ka dyan akala mo natutuwa ako sa ginagawa mo!" 

"Magic naman kasi. Hindi--"

"Ang gulo mo!" At dial tone na ang sumunod. Masyado na nga ata ang nagawa ko. Enough na para magalit sya. Tinawagan ko sya ulit pero hindi na sumagot. Para tuloy akong tangang palakad-lakad sa labas ng building hanggang sa maisipan kong abangan nalang sila sa bahay. Hindi ko naman sila pwedeng puntahan sa Batangas dahil baka umalis na sila. 

Dahil hindi ko naman macontact si Magic, 'yung butete nalang ang tinawagan ko. Sinabi nya na umalis si Magic at iniwanan sya. May mga fans raw na nakasunod sa kanya nung pumunta sya sa Batangas at hindi niya alam kung paano. Tinanong ko kung nakita nung mga fans na umalis si Magic. Ang sabi nya, oo, nakita raw dahil muntik pang banggain ni Magic 'yung iba. HAY NAKO TALAGA! Hindi nya rin naman alam kung saan pupunta si Magic kaya pinutol ko na ang tawag.

Umuwi ako sa amin. Nagbabakasakali lang naman ako na umuwi sya dito atsaka ko sya kakausapin. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya lahat through text o sa tawag dahil nagkikita naman kami at mas malinaw kung harap-harapan. Bago ako tuluyang pumasok sa subdivision namin, nagbilin ako sa guard na kung may papasok at gustong puntahan ang bahay namin o kahit ang street namin, ipaalam nya muna sa akin. May directory naman duon. 

"Frank! Ang pogi mo sa TV!" Bati sa akin ni Tiffany pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. "Too bad, sa TV nga lang."

Binigyan ko sya ng poker face dahil wala naman akong kailangang sabihin. Umupo ako sa sofa namin at sinapo ang ulo ko. Ano ba naman 'to! HINDI BA AKO PWEDENG MABUHAY BILANG MARKETING STUDENT NA GWAPO? 'YUNG HINDI NAISTRESS DAHIL KAILANGAN KONG ISIPIN NA BAKA MAY MAPAHAMAK DAHIL LANG GWAPO AKO! HAY! ANG GWAPO KO TALAGA!!! Sa sobrang gwapo ko nakakabwisit na! 

"Frank sorry."

"Sorry saan?"

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon