Note

2K 34 1
                                    

HELLOOOOOO!!! Maraming-maraming salamat sa pagbabasa ng EKB 1 at 2! Gusto mo pa ng 3? Meron namang 3 pero mamaya ko na sasabihin ang tungkol dun, magkekwento muna ako. Alam nyo ba na hiniram ko lang sina Rei at Frank mula sa best friend kong si Camiie at sa naging kaibigan kong si Fluffy mashy marshy? Opo, hiram lang po sila hahahaha. Teka, nag-o-author's note ba ako? Huling edit ko kasi ay around September 2015 at ayaw ko nang basahin kahit kailan ang EKB. Nagsasawa na ako! Sa sobrang naging favorite ko ito kahit na trip-trip lang nung una, pinag-ukulan ko ng oras na ulit-ulitin basahin at i-edit kaya eto, nasusuya na akong basahin.

At bilang grand note ito ng EKB, humihingi po ako ng tawad sa pagpatay sa aking mga characters. Sinulat ko kasi 'yung Hair Extensions nung mga panahong lahat ng character ko gusto kong patayin hahahaha tapos... alam kong medyo lame ang HE ng EKB 2 pero naaunfair-an ako, yung dalawa meron tapos sya wala? Kaya sinulatan ko kahit papaano. Baka iedit ko, baka magdagdag ako or, worst, baka pahabain ko. Hahahaha basta salamat. Sana natawa kayo, natuwa, nainis, lahat na. Sabi sa akin ng mga kaibigan ko nakakatawa raw e? Baka nakakatawa kasi pangit, LOL!

Ayun nga, meron pang pangatlo ang kajoklaan na ito. Tulad ng sabi sa unang-unang pahina (chos) ay nasa profile ko ito, kaya naman maaari mo itong makita duon! 'Yun ay kung gusto mo lang naman. Originally kasi ay nandito 'yun pero medyo mas mahaba at in-edit ko pa kaya hiniwalay ko na.

Aaminin ko, mas espesyal sakin 'yun kaya sana dumapo sa inyong mga utak ang ideya na basahin ang ikatlong parte ng EKB bilang offering sa utak kong dumugo ng slight para dun. Salamat!

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon