EKB 2.5

1.4K 40 5
                                    

December 23.. 

Probably the worst day EVER!

Fan girls. Kailan pa kayo nagsimulang maging baliw? Kailan?!? o simulat' sapul pa lang ganyan na kayo kabaliw sa akin? (Medyo feeler.)

Posible palang mangyari ito sa isang tao. Sa isang chuwapong tao. Malamang! Isipin nyo nga yung mga kinababaliwan nyong lalaki na gwapong-gwapo at may abs pa ay pakalat-kalat nalang sa daanan at libreng-libreng sunggaban! 

"Anong gagawin natin diyan sa mga yan??" I rolled my eyes. Grabe naman kasi!Kinakala-kalampag rin nila yung gate tapos ang ingay ingay pa sa labas! Abay amputa. Anong nangyayari sa kapayapaan ng mundo!? 

"Ugh.. ganito, since last day naman na ng deal, pwede ka nang umalis.." Nilapitan niya ako tapos itinayo ako at ipinagtulakan na umakyat.  "Magprepare ka na, I'll take care of this."

"What? You want me to leave?" Di makapaniwalang tanong ko. "Eh hindi pa nga ako nakakapagpabook manlang or nakakapagplano kung saan ako pupunta eh!"

"Pumunta ka nalang sa Batangas! yung sa resthouse natin, okay?" Tinulak-tulak niya ako ulit papa-akyat.

"Hindi ko alam kung paano pumunt----"

"Pupunta ka dun o mamamatay ka dito?" Pinandilatan ako ng mata ni Tiffany. 

Nice... Just...

NICE.

Inirapan ko nalang siya at dumiretso na sa taas. Siguro alam niya rin na siya ang dahilan kung bakit may ganyang kaguluhan ngayon sa labas.

Pero diba ako rin ang dahilan? Ang chuwapo ko kasi masyado! Grr. Sorry, it runs on the DNA.

Ay.. We shouldn't blame each other. 

We should blame and kill those fangirls! Fight!

Nag-impake na ako ng pangtatlong araw, siguro naman hindi ako magtatagal sa resthouse namin at isa pa, gusto kong dito magbagong taon. Kasi siguradong hindi ako dito magpapasko! Bw*sit na mga babae yan.

Napahinto ako sa paglalagay ng gamit ko sa bag. Bakit nga ba kailangan kong umalis?

Ano bang pros and cons kung mag-iistay ako dito?

Ay bahala na nga, tsaka baka pumunta dito si Hance, makaistorbo pa ako dun sa dalawang yun. Mamaya gagawa sila ng pamangkin ko diba? Ay putek ano ba itong iniisip ko!? HAHA OMAYGASH. 

Mabuti nga ito at aalis ako! Buti sa Batangas, payapa! walang nagrarant sa fangirl! Walang hahabol sa akin! Kaso mag-isa lang ako..

Di bale na!! Basta payapa!

Binitbit ko na yung bag ko tapos bumaba na ako, nakita ko si Tiffany na may kausap as telepono, tinawagan niya siguro yung mga guard. Nung nakita niya ako, nagpaalam na siya sa mga kausap niya.

"Sabi nung guard papapunta na daw sila." sumilip siya sa bintana at umiling. "Grabe, kung alam kong magiging ganito, hindi na ako nagrequest sayo."

Bakas sa mukha niya na nalulungkot rin siya sa mga nangyayari. Nilapitan ko siya at niyakap. Drama queen ako, ano ba. HAHA!

"Hindi ka ba talaga namin makakasama dahil diyan sa mga yan?" She sounded like crying kaya binatukan ko ang loka.

"Ano ba sis, lahat ng bagay, may dahilan." Tinapik ko ng malakas yung likod niya. 

"Ay. Enough na nga, umalis ka na." Humiwalay siya sa yakap namin. "Tatawag na ako ng pulis. Hahaha."

"Bye..." Nginitian ko siya.

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon