EKB 2.2

1.9K 47 11
                                    

"Anong ibig mong sabihing magpapakalalaki ako? In three days?" Naguguluhang tanong ko kay Tiff.

"Ibig kong sabihin, lalabas ka na parang isang lalaki talaga. Yung NO KABAKLAAN." Talagang inemphasis pa yung NO KABAKLAAN. With hand gestures pa na 'no no no no~'. Sayawan ko kaya ‘to ng No No No ng isang girl group? ‘Wag na, maging bato pa ang inaasam kong bagong S III!

Humalukipkip ako at tinignan siya ng masama. "Kelan ba ako nagpakita ng kabaklaan in public?"

"Ah basta! Gayahin mo yung mga style nila Rayver! Yung mga nagchichicks. Bawal ka rin humawak ng pambabae!" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ang gwapo-gwapo mo kaya! Tsk. Kung alam mo lang talaga.”

Ako? Gwapo? Di nga? Baka maganda!

"Paano kung hindi ko gawin, makikita mo ba?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Pwede naman kaya akong magpretend na ginagawa ko yung misyon---chaar misyon talaga---kahit hindi naman. Maliban na lang kung susundan niya ako sa bawat gagawin ko o lalagyan niya ng CCTV lahat ng pupuntahan at dadaanan ko.

"Oh Frankie~ Alam kong hindi ka nanloloko at alam mo ring hindi mo ako maiisahan." Ngumiti lang siya ng painosenteng pangdemonyo.

Okay. I give up. 

Tama siya.

Naalala ko, sya nga pala si Tiffany. Ang kapatid kong demonyita.

*** 

Nagsuot ako ng hoodie at ng salamin. Pupunta ako ngayon sa supermarket. Inutusan ako nung magaling na si Tiffany Solano. Gagawa daw siya ng grahams. Hindi naman ako makatanggi kasi pinaggigitgitan niya yung cellphone. Di bale, 3 days lang ito. Fight Bakla Fight! 

EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEHHHHH!! Di ako bakla!

Babae ako!

Kumuha ako ng basket. Bago ako pumunta dun sa mga biscuit, dumaan muna ako sa stall ng mga facial wash. Syempre saan pa ba ako hihinto? Malamang sa Ponds. Alangan namang sa Master. Ang sakit kaya sa mukha nun. Feeling ko binababad sa asido mukha ko. Lol. 

"Ehem."

Ano kayang bibilhin ko? Yung blue....

"EHem"

Yung green...

"EHEm"

Syempre yung pink! Kinuha ko yung isa tapos nilagay ko sa basket.

"EHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEM!!"

Ano ba itong nasa likod ko, kanina pa ehem ng ehem! Ehembeles ke se kenye teng besket eh. Lechumay.

"Gusto mo ng gamot ku----------HANCE? Anong ginagawa mo dito!?" Nagulantang ako na yung kanina pa palang ehem ng ehem eh si Hance na hindi ko alam kung ano ni Tiff!

"Napag-utusan lang." Kinuha niya yung nilagay ko sa basket tapos binalik niya dun sa lalagyanan. "Magpakalalaki ka para sa S III!"

Nag "Mr. Pogi Sign" na siya, nagmantra pa sa harap ko with matching pa-sway-sway pa ng kamay. Naku Hance! Kung hindi kita kaibigan, baka hinalikan na kita, ang cute mo.

"Okay na? Alis na ako." Nilagpasan ko siya kaso hinila niya ako sa braso. Hinarap niya ako sa kanya at pinagdikit niya ng saglit ang mga labi namin. I stared at him wide-eyed. Di nya parin binibitawan ang braso ko pero bumulong sya at malinaw na malinaw ‘yon sa pandinig ko.

"Sige magpakabakla ka, ayos lang." Tinitigan niya ako sa mga mata ko. "Simula pa naman nung makita kita yun na ang dahilan kung bakit kita nagustuhan."

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon