EKB 1.8

2.4K 84 6
                                    

EKB 1.8

==

Alex Capili: Richard Enriquez. Talk to me.

Alex Capili: Rei for heaven's sake I can explain!

Alex Capili: Why aren't you answering my calls?

Alex Capili: Shit naman. Rei pakinggan mo naman yung side ko! 

Alex Capili: Rei.

Alex Capili: Please.

"Kung imbis na ganyan ang sinasabi mo, pinaliliwanag mo na. Edi naintindihan ko?" Natawa ako. Kinakausap ko na ang sarili ko pero hindi ko pa rin sigurado kung anong tamang ireact ko sa nakita ko kanila. I turned my phone off after reading her messages. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Sana sa pagdilat ko, bagong umaga na. Tapos malalaman kong panaginip lang pala lahat. Tapos mawawala na 'yung kaba ko at magkikita na ulit kami. At dun, itutuloy ko ang plano ko.

I am very desperate for that. 'Yun nga lang, hindi e. Hindi pwedeng maging panaginip 'to. Wala na akong nararamdaman pero nanlulumo ako. Wala na akong kirot sa puso na iniinda pero hindi ko magawang ngumiti. Ngayon ko lang naunawaan ang totoong kahulugan ng binagsakan ng langit at lupa. Kanina, nung kaharap ko sila, ayos pa ako e. Pero pag-alis ko? Hindi ko namalayan tumutulo na ang luha ko. 

Kinuha ko 'yung teddy bear na katabi ko. Malas ka yata e. Itapon nalang kaya kita? Ang mahal mo pa naman. Paano, puso ko yung dala mo e! Takte. 

Sampung ulit na atang dumaan 'yung mga nagjajogging dito pero hindi pa rin maayos ang utak ko. Natutulala ako. Lumilipad ang utak ko. Kaya ba hindi nya mabalik sa akin yung mga nagagawa ko para sa kanya? Dahil may iba? Bakit hindi nya nalang sinabi sa akin? Wala ba syang tiwala? Nakakabwisit.

Kanina pa akong hatinggabi dito sa kinakainan namin ng street foods. Marami akong biniling pagkain dahil makakatulong raw ang pagkain pero kaunti lang ang nagalaw ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Sinubukan ko na ring iumpog ang sarili ko sa mesa pero isa lang ang nasigurado ko: Nahihibang na ako.

Hindi rin mawala sa isip ko 'yung nangyari sa amin ng una kong girlfriend. Hahaha. Una't huli? Hindi naman kami ni Alex. Ano nga ba 'tong kagaguhan ko?

Binitbit ko 'yung teddy bear hanggang sa bahay. Nakakakuha sya ng atensyon pero nanghihinayang talaga ako dito sa pangit na teddy bear na 'to. Tinignan ko sya habang naglalakad ako. Saklap ng buhay mo. Bato nalang kaya kita? Tsk. Hindi pwede. Si Alex ang dapat na magbato sa'yo e.

Dire-diretso akong pumasok sa bahay ko. Napansin ko lang nakabukas na pala sya nung nasa loob na ako at tinitignan ni Alex. Natigilan ako dahil naiilang ako sa kanya. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Bakit parang ako pa 'yung may kasalanan? Bwisit.

"Binigyan nga pala kita ng susi 'no?" Nakakatawa talaga ako. Ang tanga. Grabe.

"Richard, I'll clear it for you." Lalapitan nya sana ako pero agad akong umiwas at tinungo ang kwarto ko.

"Una, nakakaintindi ako ng Tagalog. Pangalawa, malinaw na sa akin. Makakaalis ka na." Sasaraduhan ko sana sya ng pinto pero kinontra nya ang pinto gamit ang kamay nya.

"MAKINIG KA NGA MUNA!"

"ANO BANG PAPAKINGGAN KO? NA MATAGAL NA KAYO? NA NASA AMERICA KA PALANG MAGKAKILALA NA KAYO? NA ANO, IKAKASAL NA KAYO?" 

Naitikom nya ang bibig nya at napaiwas sya ng tingin. "Rei--"

"Tama ako." Tinignan nya ako at nawala ang pagdududa ko. Tama nga ako. Ngayon ko naramdaman lahat ng kinikimkim ko kanina. Bwisit na bwisit ako. Hindi ko alam kung sa kanya o sa sarili ko. BWISIT NA BWISIT AKO! "Bigla lang lumabas sa bibig ko 'yun. Haha. Akalain mo 'yun. Tama pala."

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon