EKB 1.11 - Enough na -

1.5K 44 0
                                    

EKB 1.11 - Enough na -

==

"Pakihatid nalang sya sa bahay nila pagkatapos nyong magdinner ha?" Utos sa akin ng tatay ko. Para namang anak ng kung sino 'tong babaeng 'to at kung makapagbilin sya, parang mas importante pa sa akin 'to.

"Opo." Binabaan ko na sya. Ang kulit e. Kanina pa utos ng utos na ganito raw ang gawin ko. Nakakabanas. Humarap ako sa babaeng pinakilala sa akin ng tatay ko THROUGH CALL. Maganda naman sya at disente pero sinasayang nya ang oras ko. "Saan mo ba gustong kumain?"

"Uhm." Kita nyo? Ang arte! Dapat kapag inaaya kumain, sagot agad! Nakakainis talaga. "Kahit saan."

Nagpacute pa sya sa akin. Hindi ko alam kung natural 'yan o pinipilit nyang umarte ng ganyan dahil nagpapacharming sya. "So kahit sa turo-turo kakain ka?"

Tinignan ko sya ng pailalim at para naman syang napalunok sa sinabi ko. Aynako talaga. Mapupudpod ang pasensya ko ngayon. "Tara sa Yellowcab." Pag-aya nya.

Nginitian nya ako. Hindi naman ako naiinis sa kanya dahil wala lang. Hindi ba sya pwedeng mag-act ng natural lang? Hindi 'yung nagpapacharming sya na halata naman. Nakakainis lang e. Nakakatawang nakakainis kasi pumapanget sya kapag nagpapacharming sya. Kakakita palang namin pero kung makakapit sya sa braso ko, akala mo batang takot na takot maligaw. 

"May nagmamatyag ba sa atin para umarte ka ng ganyan?" Walang gana kong sabi habang pilit kong tinatanggal 'yung pagkakakapit nya sa braso ko. Naiirita na ako. Hindi ba nya nahahalata?

"Wala naman. Soon you'll get used to this." Ngumiti naman sya.

"Pinagbigyan lang kita ngayon. Hindi na 'to mauulit." Pagkaklaro ko sa kanya. Totoo naman. Nakulitan lang ako kaya ko sya pinagbigyan. 

"I guess you made the wrong choice. Dahil nakipagkita ka na, iisipin nila Dad na umagree ka na sa kasal." 

"What?!" Marahas kong inilayo ang sarili ko sa kanya. Anong pinagsasabi nitong lokalokang babaeng 'to!? ANONG KASAL!? Mabilis na kumulo ang dugo ko. Hindi pwede 'to. Hindi ako tanga para hindi makapagconclude agad ng posibleng nangyayari. Hindi pwede 'to! 

"Hindi sinabi sa'yo? We've been arranged for months already." Sa tono nya, gusto nang maniwala ng utak ko. Pero sabi ng puso ko. 'Wag. Parang sira pa ata ang utak ko dahil paulit-ulit kong naaalala si Alex. Kung paano nya ako niyakap. Kung paano nya sinabing mahal nya rin ako. Mababaliw na ata ako. Ayokong tanggapin 'to. Ako? Ikakasal--Putang ina.

Natawa ako. "You're lying."

"Why don't you ask your father? Ideya nya 'to dahil gusto nyang lumaki pa ang makuha nyang pera sa kompanya." Nag-iwas sya ng tingin. Naramdaman ko ang guilt nya pero mas nangingibabaw 'yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Ano bang kaguluhan 'to? "Haha. I can't do this. You know what, kayo ang mag-usap ng tatay mo."

Agad kong naalala 'yung mga nangyari nung nakaraan. Kaya ba mas malaki na ang natatanggap kong pera? Putang ina naman. Ano ba ako, laruan? "You're.. You're lying."

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon